Magkakaroon na naman ng presentation. Dula-dulaan per group. Apatnapu kami sa klase, nahati sa lima ang grupong nagprepare pero pipili lang si Bro. Romy ng tatlong gtupo na magpeperform sa mismong Foundation Night. At natuwa ako na nakasama ang grupo ko sa napili.
Ako siyempre ang naggawa ng script at nagdirek dahil ako ang naging leader sa group namin. Tinulungan ako ng kapitbahay namin na nag-aaral ng college sa UPLB. Binigyan niya ko ng ideya pero ako na ang nagsakatuparan. Magstart sa unang plot na marami pang puno sa kagubatan. Ako ang fairy na nakagown na white na may bulaklak pa sa buhok na masayang magpapaikot-ikot sa mga puno. Naggawa lang kami ng malaking carton at pininturahan ng green ang taas at brown ang pinakakatawan ng puno. Nagawa ko to sa tulong ni Chris. Kung hindi pa ko gagawa ng eksena, walang gagalaw sa kamiyembro ko. Pero tanging si Chris lang ang naantig ata sa drama ko. Si Ian, hindi rin kumilos as expected. Deadma lang, kahit mangiyak ngiyak na ko. Kaya si Chris na rin ang humanap na puno na nakatayo sa likod. Sa ikalawang plot, ay ipapakita kung paanong pinutol ang mga puno ng mayamang negosyante para magpatayo ng building niya. Ipapakita ang samu't saring masasamang gawain tulad ng pagsusugal, pagnanakaw, pag-inom ng alak at pambababae sa beerhouse. May kanya-kanyang eksena na gagalaw kapag natapatan ng spotlight habang naikot ang isang tao na nakanta ng "Magkaisa".
Ako ang nakanta pero siyempre lip sync lang. Nanood si Ate, at ang ganda daw kasi kahit lip sync pag tiningnan daw ang mukha ko, feel na feel ko ang kinakanta ko kahit sinasabayan ko lang ang kanta. Pero nang gagawin na sa mismong Cultural Night kung saan ay ipapanood na sa labas at open for public view at maniningil para sa ticket para din magkaroon ng pondo ang school. Naghirwd ang school ng magiging director na professional galing sa labas na maraming gustong baguhin para mas pagandahin ang outcome nito.
At ang sabi ni Bro. Romy habang nasa klase kami ay kailangang gawing live ang pagkanta na ginawa ko. Siyempre, nag-apila ako na hindi ko kaya.
"Joni, kaya mo bang kumanta ng live? Hindi puedeng lip sync lang ang gagawin." tanong pa ni Sir.
"Sir, hindi ko po kaya. Hindi naman po ako marunong kumanta. Mapapahiya lang ako. " pag-amin ko.
"Kung ganun, kailangan nating palitan ka. Magpalit kayo ni Eva, since alam kong kumakanta naman siya dahil member siya ng choir. " pahayag ni Bro. Romy. Si Bro. Romy din ang nagtetrain sa mga member ng choir at lead sa pagpapractice ng mga ito. Eh hindi naman ako singer kaya wala akong guts magjoin sa choir. Para nga daw ipis ang boses ko sabi ng teacher ko dati. Baka pag nakanta, eh maging boses palaka naman. Hindi ko kayang ipahiya ang sarili ko. Kaya ang sabi magpaplit kami ni Eva ng posisyon dahil siya ay nakakakanta. Kaso ang role ni Eva, ay nagpupumiglas habang pinagsasamantalahan. Jusko!
Rape scene ang magiging eksena. Wala akong nasabi. Parang hindi naman ako binigyan ng choice. At etong si Bro. Romy parang nang-aasar pa sa klase. Kumikibot-kibot ang labi niya pag pinipigilan niya ang ngumiti. Parang may iniisip na kapilyuhan. Ninenerbyos na tuloy ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
At biglang nagtanong sa klase.
"Sino kayang babagay mang-r**e kay Joni?" shock ako sa tanong na yun. Aysus ginoo! Gusto ko ng mawala sa kinauupuan ko at pumunta sa ibang planeta sa kahihiyan. Nagkagulo naman sa klase dahil kanya-kanya ng turo kung sino.Maraming tinuturo ang mga kaklase ko na hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi dahil sabay-sabay na nagsasalita at nagkakagulo.
Pinatahimik ni Sir ang klase. Para naman kasing balewala kay Sir ang pinagsasasabi nila dahil parang may nasa isip na siya.
Guess who? Ang napili niya ay walang iba kundi si Ian. Whaaattt? Namulagat talaga ko. At natakot akong lngunin siya para tingnan ang reaction. Ayokong masaktan sa maaaring reaction niya kung magpapakatanggi siya.
Naisip ko tuloy kung may alam kaya si Bro. Romy. Naku! Paktay, lagot ako. Paano to? Baka ipagkanulo ako ng nararamdaman ko. Ako, gagahasain ni Ian. Iniimagine ko pa lang, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kung maeexite ba o matatakot o mahihiya sa awkward na sitwasyon na kakaharapin ko, gulong-g**o ang isip ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Hiyang-hiya ako. Bahala na nga si Batman.
Dumating na ang araw ng practice. Pinagpantalon naman ako para maiwasan na makitaan ako sa paghiga. Iba ang direktor, nakilala namin siya sa pangalang Kuya Reden. Istrikto siyang bading kaya bawal daw ang magreklamo. Well, hindi pala ako sure na bading baka malambot lang. Pero nakakatakot siyang tingnan. Parang pandidilatan ka kapag nagkamali. Din pa naman ang practice namin sa plaza kaya mas nakakahiya. Kasi may ibang andun na hindi taga Liceo. Yan ang pangalan ng school namin. Pero Joni, you have to face your fears. Pinapagalitan ko ang sarili ko.
Pagdating nga namin dun ay may iba ngang nakatambay. Nagpakilala sa amin. Pinsan pala ng classmate naming si Lyn, Si Reynan.
"Pinsan, ipakilala mo naman ako sa mga classmate ko.. ang gaganda eh." biro pa niya.
"Ay, naku. Reynan, yan ka na naman. Ang bilis talaga ng mata mo pag nakakita ng maganda. " Iiling -iling na tinawag kami ni Lyn para iintroduce ang pinsan niya.
" Mga tol, ang pinsan ko. Si Reynan, ang guwapo niya noh." sabay kindat pa niya sa amin. " Reynan, eto naman si Cheche, si Joni at si Eva kilala mo na, barkada ko." sabay turo niya sa amin isa isa habang binabanggit ang pangalan ng bawat isa.
Inilahad niya ang kamay niya. Nakipagkamay siya kay Cheche. At nang ilalahad na niya ang kamay niya sa 'kin, tinanguan ko na lang. At kaway na lang kay Eva dahil nasa malayo siya.
"Sayang ang ganda mo sana, suplada lang." banat niya na pinatutungkulan ako. At hindi ko na pinansin na tumalikod na lang ako. Feelingero ka kasi, sa isip ko lang.
Tumabi sa akin si Lyn sa kinauupuan ko habang nirereview ko ang script. Narealize ko, wala nga pala akong sasabihin. Puro action lang. Hindi ko pa nakikita si Ian, hindi ko alam kung sisipot 'yun.
"Joni, alam mo ba sabi ng pinsan ko?" pag interrupt niya sa paglipad ng isip ko.
"Ano?" sinabi ko na lang kahit wala naman talaga kong pakialam sa pinsan niya.
"Type daw niya kayong dalawa ni Cheche. Tinanong nga kung may boyfriend kayo, sabi ko wala. Kaso, ang suplada mo daw. Kaya si Cheche na lang daw liligawan niya. " nanghihinayang na sabi ni Lyn.
"Mas okay yun at ayaw ko naman magpaligaw." sabi ko lang. Cute siya, pero mayabang ang dating. Conceited na parang alam niya na guwapo siya. Kaya sinupladahan ko agad, ayoko ng babaero.. ekis na agad. Si Ian lang naman ang babaerong hindi ko mabale-wala. Ayaw man ng isip ko, ang puso ko naman bumubulong ng gusto ko siya. May say din naman eh.
Kaya nabalitaan ko na niligawan na nga ni Reynan si Cheche eksakto naman kasi na break na sila ni Kent. Maganda si Cheche kaya nga consistent muse namin siya. Maputi, makinis at with angelic face. Ewan ko lang kung naging sila o hindi. At hindi rin naman ako interesado na alamin kahit guwapo pa siya. Dahil ang inaalala ko ang ang sa aming dalawa ni Ian. Wow, meron bang kami? Yung eksena lang naming dalawa, baka sabihin nuo naman assuming ako.
Sumigaw na si Kuya Reden, "Start na. Puwesto na sa mga posisyon ninyo. Yung mga hindi kasali, bumaba na sa stage." Kaya bumaba na si Reynan na halata naman na siya ang pinariringgan.
Nakita ko na si Ian. Nakawhite siyang tshirt. Hapon na pero parang ang fresh at ang bango niyang tingnan. Napansin ni Direk na hindi pa ko gumagalaw.
"Ano pang hininintay mo? Higa na. " sambit ni direk na parang iritado na. Humiga na tuloy ako kahit walang sapin sa likod na hindi man lang ata nawalis ang sahig ng stage. Buti na lang may dala akong extrang tshirt, kaya naisip kong magpalit na lang pag nadumihan.
Pagkahiga ko, ilang na ilang ako dahil nakatayo si Ian sa may paanan ko. At hindi nakilos na napansin ni Kuya Reden kaya halos ipagtulakan na. Tinuunan ang kanyang dalawang balikat sabay sabing " Ikaw, luhod na dyan. Tapos, ikaw babae, ibuka mo hita mo para makapasok yung isang hita niya. Ganern" Shock talaga ko. Ipapasok talaga ang hita niya sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ba masyadong malaki 'yun? Waaahhhhh... Mga bata, wala kayong narinig. Wholesome ang ating kuwento. Waaaaaa... Napadasal ako ng "Lord, tulungan ninyo ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Virgin pa ko. NBSB nga d ba? Mahal ko siya pero hindi pa ko ready sa ganito. " Syempre, bulong ko lang yun.. kinakausap ko ang sarili ko.
Gusto kong pumikit na lang para hindi ko siya makita at hayaan kung anong gusto niyang gawin sa 'kin. Natatakot ako na baka iba ang mabasa niya sa mga mata ko. Pero hindi puwede, hindi yun ang nasa script. At dahil hindi ko siya kayang tingnan, nakabaling na lang ang mukha ko sa kaliwa na nakatingin sa puwesto ng audience.
Ang awkward talaga. Napansin ata ng direktor, kaya sinabing "r**e scene to, ineng. Pumalag ka. Wg kang magpaubaya" sita niya sa akin at nagtawanan ang ibang naroroon. Gusto kong takpan ang mukha ko sa kahihiyan ng sandaling yun. Tingin ko eh pulang-pula ako sa sinabi ni Direk, guilty kasi beyond reasonable doubt.
Napahiya talaga ko, kaya sinagot ko to defend myself from the accusation. "Paano po ako papalag, kung wala naman po siyang ginagawa?" Hindi ko pa din siya tinitingnan kaya hindi ko alam kung ano ang reaction niya pero ramdam ko na naiilang din siya at kabado. First time din ba niya?
Ibinuka kong maigi ang mga hita ko, para makapasok ang hita niya at hindi madikit ang hita niya sa 'kin. Para kasing nakakakuryente. Guilty talaga ko sa sinabi ni direk, na parang gusto ko kaya hindi ako nanlalaban ha ha ha. Mas gusto kong ipagsalikop ang mga braso ko sa batok niya kaysa pumalag para hindi matuloy ang balak niyang pagsasamantala Yun ang tinatawag sa eksena.
Kaya nagbigay pa ng ibang instruction. Ipinalagay niya ang dalawang braso ko sa magkabilang tagiliran tapat sa taas ng ulo na hahawakan ni Ian para daw lumabas na pinipigilan niya kong pumalag Tapos wawasakin ang damit ko sa bandang dibdib kaya maglagay daw ako ng isa pang damit sa loob kahit sando para hindi ako makitaan. At isusubsob ni Ian ang mukha sa leeg ko na aktong hahalikan Yun lang ang magiging dating sa audience pero siyempre, hindi ito lalapat dahil conservative din naman ang school dahil nga Catholic school. Pero, mas conservative ako sa school waaaahhh.
Grabe naman ang pinapagawa ni Direk. Parang ang bigat ng parusa, kasi hindi ako makahinga. Yung nagrarambol ang kabog sa dibdib ko na halos mabingi na ko. Parang hindi din kayang gawin ni Ian pero hindi siya naimik. Baka nga naaartehan na siya sa 'kin eh hindi lang nakibo.
Napagod na ata ang direktor sa kakasabi kaya sabi bukas na lang, dapat magawa na. Agahan na lang daw para hindi gabihin, kasi malapit ng dumilim at walang ilaw sa plaza. Kaya nakahinga ako ng maluwag nang umalis na siya sa harap ko.
Nang pauwi na kami sa jeep. Tawa ng tawa si Bella sa nangyari. Nakakakilig daw. Lalo nung sinabi ni Direk na ako eh nagpapaubaya, na parang gusto ko daw ang nangyayari. Kung si Bella natatawa, ako hiyang hiya. Kahit na mahal ko siya, masyado pa akong bata oara ialay ang aking puri at dangal.
Kaya nagulat ako nang sumunod na practice dahil si Dhryx Macario na ang bihlang sumulpot sa harapan ko nang gagawin na ang eksena. Hindi ko tuloy napigilan ang magtanong.
"O bakit ikaw, asan siya?" habang palinga-linga ako sa paligid.
" Hindi daw niya kaya. Kaya ako na lang daw. Hindi daw niya kasi gawain ang ganun, mamilit ng babae." Napaismid ako sa hindi niya pagiging propesyonal. At nakita ko siya na nakatuon sa may railing na bakal sa may corridor habang nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Pero masama ang loob ko. Na mas gusto pa niya na mahawakan ako ng iba kaysa siya ang gumanap na r****t ko. Nakakainsulto na ayaw niyang madikit sa 'kin. Lumalabas na ayaw niya sa 'kin. Hindi ba niya ma-take na r**e-in ako.
Nainsulto talaga ko. Feeling ko, hindi niya kaya kasi hindi ako pasok sa qualification standard niya na gugustuhin niya sa isang babae. Na malaking ilusyon lamang na minsan ay nag-interes siya sa 'kin. Pangit ba ko? Nagngingitngit talaga ko. Binigo na naman niya ko. Ilang beses na niya kong sinasaktan nang hindi niya alam. Akala ko close na kami tapos biglang eto, lalayo na naman siya.
Eto namang si Macario. Feel na feel ang pagiging r****t. Ang higpit pa naman makahawak eh, ang sakit ng hawak niya sa 'kin kaya namula ang hawak niya sa braso ko at talagang nagwoworry ako sa pagpunit ng damit, dahil minsan ay muntik nang mapasama pati suot kong panloob na sando. Talagang nagpupumiglas ako dahil nararamdaman ko ang pagdikit niya. Close naman kami dahil nga seatmate ko siya buong taon pero gusto ko lang ilayo ng kamay ko ang mukha niya. Hindi ko kasi talaga ma-imagine na magdikit kami. Nayayamot ako na siya ang kalapit ko ng ganun imbes na si Ian. Kaya nainis na naman ako sa kanya. Pero naging makatotohanan ang r**e scene, kaya maganda naman ang kinalabasan. Para talaga akong inabuso dahil g**o g**o ang buhok ko sa kakapalag at punit ang damit ko pero sando ang masisilip.
After ng presentation, punta na kami ng backstage at nagbihis na lang sa classroom. Patong patong naman ang damit kaya okay ng sa classroom magpalit kami. Pinalabas na lang ang mga boys para hindi magkahiyaan.
Bahagya pa lang ako nakakapalit ng damit nang may tumawag sa 'kin. Isa sa classmate ko.
"Joni, may naghahanap sa'yo sa labas? " nagulat ako.
"Sino daw?" tinatapos ko pa ang pagbibibis.
"Dalawang lalaki eh. Classmate mo daw ng elementary" bigla akong nahiya.
" Ayokong lumabas, sabihin mo wala ako. " Tinawag ko si Bella. "Uy, ikaw na lumabas dun. Classmate daw natin nung elementary."
Nasilip ko habang kausap nila ang classmate kong inutusan na magdahilan na lang na wala ako. Nakita ko na si Crispin at Michael ang nasa labas. Nahihiya talaga kong lumabas, after ng ginawa ko sa stage. Wrong timing naman na ngayon pa talaga nila ko gustong kausapin at dalawin. Hindi pa ko nakakarecover sa pagod at kahihiyan.
"Ayoko nga, ikaw ang hinahanap eh. Tapos, ako ang papalabasin mo" pagmamaktol ni Bella. If I know, nahihiya din siya. Kaya kami bff eh. Pareho kaming Maria Clara, tunay na Filipina.
Hindi na lang ako lumabas hangga't andun pa sila. May tagatanaw ako sa labas kung nakaalis na sila saka lang ako lumabas. Tingin ko, nagtsi-cheat ako kay Ian pag inentertain ko pa si Crispin na may balak na manligaw sa 'kin. Loyal pa man din ako he he, hindi nga lang niya alam na committed ako sa kanya.
Kaya nung Foundation Day, hindi ko natiis na hindi magrequest sa dedication booth. Ang ipinaplay kong kanta eh yung "Don't know what to do" dedicated ko siyempre kay Mr. Priority. Sumikat tuloy ang codename na 'yun. Style mo, Joni, ang cheesy..
At minsang walang tao sa classroom dahil foundation nga. Busy ang lahat sa labas. Nagsulat ako sa blackboard, parang love letter para kay "Mr. Priority". Eto ang nakasaad sa aking sulat.
Dear Mr. Priority,
How can I tell you the love I kept for years? I tried to deny it but I just couldn't hide from the fact. I love you! I don't know how it started, it's just grew here in my heart without me knowing it. Im afraid to tell you because I'm a woman. And a woman has no right to express her true feelings towards a man.
Lovelots,
JayCee
Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa classroom. Nagulat ako paglingon ko nang matapos kong isulat ang nasa pisara. Nasa bandang likod kasi siya sa right corner ng classroom. Samantalang ako ay nasa left corner sa unahang bahagi. At nakita kong nakatuon ang mata niya sa sinulat ko at binabasa ito habang nakatayo. Siguro, dahil mas basa niya pag nakatayo kaysa pag nakaupo. Buburahin ko na sana.
"Teka! hindi ko pa tapos basahin. Saka mo na burahin pag nabasa na ni Mr. Priority" sabi niya na nakapagpatigil sa gagawin ko.
Hindi na ko nagsalita. Parang napahiya naman ako, kaya bigla akong lumabas nang hindi binubura ang nasa blackboard. Siguro, saka ko na balikan para burahin pag wala ng tao. Gusto ko munang magpahangin sa labas dahil parang nasuffocate ako sa loob malaman na andun siya.
Pero gumaan ang feeling ko nang mailabas ko ang saloobin ko, hindi man sa kanya. Kahit na ba sa sulat lang yun at hindiko talaga ipinabatid na siya yun. Hinatyin ko na lang na tanungin niya ko. Kung darating ang araw na yun, sana magkalakas-loob akong sabihin na siya yun.
Nang mag-uwian na. Sabay-sabay kaming mga girls kasama pa din siyempre sina Bella at iba pa na classmate namin. Buti na lang may dala kaming tig-iisang payong dahil umulan. Napansin namin na madadaanan namin na nakasilong ang mga Ravage Jamers, barkadahan na kasama sa grupo si Ian. Andun sila sa tindahan na may bubong dahil wala sigurong dalang payong Nagulat na lang ako na nagtakbuhan sila nang dumaan kami at nakipayong sa amin. At nagkataon na si Ian pa ang sumilong sa payong ko. Ang lakas pa naman ng ulan. Dahil mas matangkad siya sa akin kaya hinayaan kong kunin niya sa akin ang payong ko. Pinapaliko nila kami sa kaliwa papuntang bayan dahil dun sila sasakay. Pero kami ay paderetso sa highway para sumakay na ng jeep dahil basa na din kami kaya ayaw na ng mga kasama kong lumayo para dun sumakay. Etong si Ian, siya na ang humawak ng payong ko at nababasa daw siya. Kinilig pa naman ako, akala kk nagpapagentleman. Yun pala, iniisip lang ang sarili niya. Reklamo pa at hindi ko raw siya napapayungan.
May gana pang magreklamo eh nakikisilong lang siya. At ang siste, nung paliko na. Biglang itunakbo ang payong kaya naiwan akong tulala at lalong nabasa sa ginawa niya. Akala niya eh matutuwa ako sa ginawa niya. Kaya paglingon niya eh sinamaan ko siya ng tingin kaya ibinalik niya sa akin ang payong at tunakbo na lang uli kahit mabasa para sumilong sa may bubong na aming dinaanan. Hindi talaga siya gentleman. Pero yun ang masaklap, that I fall for this guy kahit na kita ko ang mga flaws niya.
Kinabukasan, nagpapirna ang classmate ko ng slumbook. Siyempre, ang tinatanong dun bukod sa personal details ay ang sa lovelife. Binasa ko yung sa kanya. Nakalagay ba naman sa What is love? Ang sagot niya, "Love is shit." Contrast talaga kami samantalang sa akin eh, "Love is sacrifice". Tapos dun sa Decribe yourself. Sinulat niya na "I'm the guy that every girls want-" O di ba, ang kapal.. the nerve na sabihin niya yung ganun. Kahit na ba totoo eh, dapat hindi pa rin maging conceited sa sarili. Kaya dahil dun, napagdesisyunan ko na lalong hindi niya dapat malaman na siya si Mr. Priority.
Kaya nang dumating na ang araw na yun na tumabi siya, hawak-hawak ang slumbook na yun. Tinanong niya ko sa mga nakasulat dun? Ano daw yung sa Laughter In the Rain, anong pangyayari? Gusto niya kong pagkuwentuhin. Bakit daw nilagay ko yung grupo nilang RJ. Eh wala ako sa mood makipavlandian, kaya barado siya sa 'kin. Ang mga sagot ko, puro ewan ko. Tapos tinanong na niya,
"Sino ba si Mr. Priority?" untag niya sa 'kin habang bitbit ang slumbook at tabing-tabi sa 'kin. Nararamdaman ko nga na nalapat ang braso niya sa braso ko na nakapatong sa arm rest ng silya ko. Siya ang trespassing, hindi ako. At para kong nakukuryente kaya nilalayo ko ang braso ko. Eto na naman kasi ang puso ko na ayaw kumalma kahit dinidikta ng isip ko na tigilan ang pagtibok ng pusong iyan, masasaktan ka lang.
At pati ang pagkukuyakoy ko ng paa napansin.
"Wag kang mag-ganyan" sabi niya na nakatingin sa ginagawa ko.
"Alin?" hindi ko pansin kung ano ba yun na mali sa ginagawa ko.
"Yan, yang paggalaw mo sa paa mo. Masama yan" explain niya.
"Bakit masama? Anong ibig sabihin? Nasa kasabihan ba yan? Bakit parang hindi ko alam, hindi naituto ng lola ko sa kin? " pagbibiro ko. Napikon ata dahil seryoso siya at ako ay hindi.
"Basta. Wag ka ng magtanong kung bakit. Balik tayo sa tinatanong ko" pag-iiba niya sa usapan.
"Sino nga si Mr. Priority?" pangungulit niya.
"Bakit ba kasi gusto mong malaman? May pagka-tsismoso ka din eh" paasik kong tanong pero hindi pa rin ako seryoso.
"Para mailakad kita" yun ang sagot niya. Talaga lang, huh. Ilalakad mo ko sa sarili mo. Natatawa ko habang naiisip ko yun.
Pero iba ang sinabi ko. "Hindi na kailangan. Hindi ko puwedeng sabihin" at hindi na ko nagsalita
"Bakit? tanong niya
"Ayoko lang na malaman mo."
"Bakit?" paulit-ulit ang tanong niya
"Malalaman mo din pagdating ng tamang panahon" sagot ko sa pangungulit niya.
"At kailan naman yun?" pero mas makulit pa pala siya sa 'kin.
"Sasabihin ko sa'yo pag hindi na kami magkikita." yun na lang ang nasabi ko.
"Huh, bakit? Ang labo naman, kilala ko ba?" ang kulit talaga. Siguro kung hindi ko nabasa yung kayabangan niya sa slumbook, nasabi ko nang siya 'yun. Pero dahil ayokong mapabilang sa mga girls na tinutukoy niya that wanted him, nagmatigas ako. Sa isip ko siyempre, kilalang kilala mo yun. Eh, ikaq yun eh, sigaw ng isip ko. Pero ang puso ko ang lakas na ng kabog na parang bombang sasabog.
Hindi na niya ko kinulit, na ipinagpasalamat ko. Ayoko lang mapabilang sa every gitl na yun that wanted him. Pride ba yung pinaital ko? Madali namang umamin kung siya ang mauuna. Eh, paano kunh hindi naman pala mutual ang nararamdaman namin, mapapahiya lang ako. Katulad nang magtapat sa kanya si Rhea, na sinabihan niya na infatuation lang ang nararamdaman nito. Sabi nila, pag infatuation. Yung isa lang ang may gusto. At walang ka-reciprocate na nararamdaman ang isa. Ang saklap nun! Ayokong ma-ganun.