CHAPTER 4 - Im In love

3097 Words
Third year. May ibabalita ako sa inyo. Dalaga na ko. Nagkaroon ako ng aking first menstruation nung bakasyon. At pagpasok ko, tamang tama din na bagong straight ang buhok ko. David's Salon pa. Siyempre, naiinggit ako kay Ate. Kaya gumaya kami ni Mama, sabay kami ning nagpaparlor. At si Mama din ang nagbayad, grabe Php 1,500.00 ang bihok ko pa pang. Kaya kung pati yung kay Mama, Php 3,000.00 ang binayaran niya. In fairness, ang ganda naman ng kinalabasan. Straight na straight ang buhok ko. Feeling ko, para kong si Barbie. Pero si Papa nagalit dahil nastraight ang kulot na buhok ni Mama, sabi hindi na raw siya ang babaeng minahal niya. Natawa na lang kami, ang corny kasi. At isa pa sa ikinaeexcite ko sa pagpasok eh makikita ko na ulit siya. Ang damuhong si Ian na nagpagulo ng isip ko sa buong dalawang buwang bakasyon. Siya ang laging laman ng panaginip ko. Hindi ko alam kung paano nangyari Iniisip ko nga kung kinulam ba niya ko? Kasi sabi nila, kapag daw may gusto kang mapanigipan. Ilagay mo lang daw ang picture niya sa ilalim ng unan mo. Ginawa ko nga ata yun eh. Ako pala ang salarin. Gusto pang manisi ng iba. Pero ayokong aminin sa iba, lalo sa mga classmate ko. Kaya itinago ko siya sa codename na "Mr. Priority". Nakuha ko yun sa suot niyang tshirt na may tatak na Private Property. Pinaikli ko lang, kaya naging Priority. Siguro naman, walang makakaisip na siya yun. Kasi kung initial niyang CV halata dahil siya lang ang may ganung pangalan. Hindi ko pa handang aminin, over my dead sexy body. Ay, hindi pala ako sexy hi hi hi. Wala daw kasing curve ang katawan ko, slim lang pero flat chested at walang balakang. Bawi na lang ako sa buhok, maganda ang buhok ko ngayon he he. Pagpasok ko pa lang. Napansin agad nila ko. Halos lahat ay napatingin. Kakahiya. Dahil talagang bigla akong naging dalagang tingnan. Maiksi kasi ang buhok ko nung 2nd year. Dahil nga nastraight ang buhok ko kaya biglang humaba, isang dangkal na lang aabot na sa baywang. Feeling ko tuloy ang ganda ko, kasi ang haba ng hair. Recess time. Pagdaan ko sa corridor. Andun siya at nakaupo. Madadaanan namin. Isinama pala ako ng grupo nina Sheryl dahil busy si Bella sa kanila CAT Training. Gusto niya kasing maging officer samantalang kami ay walang balak. Kuntento na kami na maging private lang. Ayoko kasi ng mga iniuutos at pagpapahiya sa kanila ng Officer kaya di bale na lang kahit may extra points pa yun sa extra curricular activities Hindi na ata nakatiis, narinig ko na nagsabing "Wow! Straight cut" hindi ko na lang pinansin. Conscious na conscious kasi ako. Nahihiya kasi ako na kulang na lang eh takbuhin ko na ang papuntang canteen, mawala lang sa paningin niya. Hindi ako sanay na binibigyan ng atensyon, low profile lang ang lola mo. Pero natutuwa ako. Ang saya ng feeling. Baka, this time na inamin ko ma sa sarili ko na crush ko na siya. Sana tumabi siya sa akin at promise, hindi ko ma siya tatarayan. Election namin, ako ang nanalong Treasurer hindi na Secretary. Kaya naatasan ako na maningil ng piso kada araw araw sa lahat para gawing pondo ng class. "Hoy! Owen, bayad mo?" sinabi ko sa katabi niya. Dami na kasi niyang absent sa pagbabayad. Ang toxic pa naman maningil araw-araw at kulitin magbayad lalo na ang barat na ito. Mayaman naman pero walang balak man lang magbayad. Laging ang sagot sa 'kin eh " Unahin mo na sila. Mamaya na ko. " Eh pag ganun, babalikan ko pa siya. Pinahihirapan talaga ko. Wala naman akong suweldo sa paniningil sa mga damuhong ito. Kaya nang maikot ko na ang iba at balikan ko siya. "Asan na ang bayad mo?" lahad ko ng kamay habang hawak ko ang record book na listahan ko ng nagbayad. Ang banat ba naman ng damuhong Owen na ito "Eh bakit si Ian hindi mo sinisingil?" habang nakangisi at tinatapik ang katabi niyang si Ian na nakatingin din sa 'kin habang nangingiti. Eto na naman tuloy ako at gusto ng magwala ng puso ko sa kaba. "Eh kasi siya, may kusang bayad. Hindi katulad mo na nakailang singil na ko, wala ka namang binibigay kahit piso. " sagot ko na tama naman. Buti nakakapag-isip pa ng tama ang utak kahit nagrarambol na ang puso ko. "Magkano na utang ko?" sabay untag ni Ian sa 'kin. Sabay binilang ko sa record book ang araw na wala siyang bayad, Php 19.00 na ang sagot ko na hindi natingin, sa record book pa rin ako nakatunghay. "Sige, bukas ako magbabayad." Pagkatapos kong marinig ay lumayas na ko sa harapan nila at nakokoconscious na ko sa pagkakatingin niya. Para kong matutunaw na hindi ko malaman ang gagawin. Oras ng religion subject. Si Bro. Romy ang teacher. Ang favorite kong teacher pati sa Values Education. Favorite din niya ko. Favorite utusan. Bago matapos ang klase ay sinabihan niya ko. "Joni, pagkatapos ng klase. Punta ka sa office ko. Mag-isa ka lang ha. wag kang magsasama. May ipapagawa ako sa'yo. " Ang sabi ni Bro. Romy, confidential daw kasi ang ipapagawa niya. Pero nang palabas na kami ng classroom. Sila para pumunta sa corridor at yung iba sa kabilang vlassroom dahil vacant naman. Ako papunta na sa office ni Bro. Romy na malapit sa canteen. Maliit na opisina lang yun na kasya ang isang table at isang upuan na may electric fan naman. Nagulat ako nang sabayan ako ni Ian na nasa likuran ko pala at bumulong sa 'kin "Sigaw ka lang pag may ginawang masama sa'yo si Sir. Din lang ako magtambay sa malapit para marinig kita. " bulong niya para walang ibang makarinig. Pero nagulat ako sa tinutumbok ng salita niya na gusto niyang iparating "Okay ka lang? Si Sir yun, may ipapqsulat lang sa 'kin yun. Kung anu-ano ang nasa isip mo. Masyadong mahalay ang tinatakbo ng isip mo. Ang dumi ng utak mo. " saway ko sa kanya pero deep inside, natouch naman ako. Parang knight in shining armour ang dating kasi. "Aba! eh ang sabi ikaw lang mag-isa at balak kang solohin. "sumbat pa niya. "Subukan lang niya na hawakan ka. At makakatikim siya" pinapatunog pa ang kamao niya na parang naghahamon ng away. "Eh d ba nga, confidential ang ipapasulat sa akin. Dyan ka na nga" At iniwan na siya at nagmadali na kong pumunta sa opisina ni Bro. Romy. Pagdating ko nga ay naghihintay na siya. Sinabi lang niya ang instruction na ipinapagawa niya. Ipapasulat pala niya sa akin ang grades ng lahat ng klase na hawak niya. At kabilin-bilinan na bawal ko daw palitan ang grades kung ano ang nakasulat. Baka daw kasi taasan ko ang grades ng crush ko pati ang grade ko. Ichecheck daw niya yun pag natapos ako. At huwag ko daw ipagsasabi kahit kanino. Nang makaqlis na si Sir ay sinimulan ko na para matapos ko agad at ayokong maiwanan sa uwian. Sabay kasi kami ni Bella sa pag-uwi, na-attend na ang mga kaklase ko ng P.E. inexempt na lang ako ni Bro. Romy sa teacher. Na mabuti na lang dahil wala akong hilig sa kahit anong laro, takot nga ako sa bola eh. Tutok ako sa pagsusulat ng may kumatok sa bintana. Oo, si Ian ang nakasilip. "Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko. "Eh di ba sabi ko sa'yo babantayan kita. " tiningnan niya ang paligid sa loob. "Si Sir, asan na?" habang pasilip silip sa loob. "Wala dito. Lumabas. Ibinigay lang sa 'kin to at lumabas din agad. " sabi ko, sa ikakapanatag ng loob niya . "Okay ka lang ba dyan? " concern na tanong niya. Natatawa na ko, parang bf ang dating ng damuhong to ah. "Okay lang ako, umalis ka na para matapos ko to. Ayokong gabihin dito." sinenyas ko na ng kamay ko na umalis na. Naiistorbo niya ang pagsusulat ko pero actually, kinikilig kasi ako. Tapos sumenyas na siya na aalis. Pero bago yun, sumenyas siya uli kung okay lang daw ba ko? Pahabol pa niya, "D ba daw ako nagugutom. Wala ba daw ako gustong ipabili" .Ang sweet. "May iniwan na si Sir na snack ko kaya d ako magugutom". Kaya tumango na ko para umalis na siya. Kaya umalis na din siya, nahalata siguro na hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Sinundan ko pa ng tingin. At papunta nga siya ng canteen. Ginawa talaga niya na bantayan ako. Nakatambay siya dun habang nakatingin sa gawi ng opisina. How sweet! Kinikilig ako. Sabi na, ako na nga siguro ang apple of his eye ngayong school year. Maging kami kaya? Nang matapos ko na at maibigay kay Sir. Hinahanap ko si Bella pero dahil hindi ko makita. Inisip ko na baka nakauwi na o busy pa kasi gawa ng CAT Training nila. Kaya sumama na ko kay Malen na nagyakag na umuwi. Kaya kinabukasan, nang magkaroon ng activity sa Values sa pamumuno ni Bro. Romy. Gumawa daw ng letter para sa isang tao na may sama ka ng loob. At ilagay mo sa sulat mong yun kung bakit. At dahil wala naman ako maisip na kasamaan ng loob sa classroom. Puwede daw na wala sa loob. Kaya ang ginawa ko ay para kay Ate. inilagay ko dun kung paano ako naiinggit sa kanya, sa atensyon at pagmamahal na binibigay sa kanya ni Papa. At ibigay na lang daw sa pag-uwi. Nakakagaan ng loob, kasi parang naibuhos ko doon ang bigat sa dibdib ko. Nang sabihin ni Bro. Romy na puwede ng ibigay eh isinilid ko na ang gawa ko sa bag. Dahil para kay ate naman yun. Nagulat na lang ako nang makita na palapit sa kin si Bella at ibigay sa akin ang sulat na gawa niya. Nashock talaga ko. "Bakit?" ang nasabi ko na lang sa kanya. Nakapaikot kaming lahat kaya kita na lang ang nangyayari. Hahabulin ko pa sana si Bella kasi hindi ko talaga alam na sa kin siya may sama ng loob Akala ko, okay kami. Pero tinalikuran na niya ko, sabay sabing "basahin mo na lang" na parang pinipigilan niya ding maiyak. Pagkabasa ko ng sulat ay nakapaloob dun, na napapansin niya na lumalayo na ang loob ko sa kanya. Na parang may natagpuan na kong ibang friends at hindi ko na siya kailangan. Na marami pang nakalagay, na hindi daw ang materyal na bagay ang importante kundj ang pagbibigay ng oras sa taong mahalaga sa'yo. Iyak ako ng iyak habang binabasa ang sulat. Pinapakalma naman ni Malen ang loob ko. "Puntahan mo siya, andun sa CR. Magkakaintindihan din kayo. At sabihin mo, kayo pa rin ang bff at hindi ko ikaw inaagaw sa kanya" pagbibiro pa ni Malen. Nang magkausap kami ni Bella ay agad ko namang naunawaan ang sama niya ng loob. At sinabi ko na din na, hindi komo hindi na kami nagkakasama dahil nga may iba siyang ginagawa sa CAT na hindi ako kasama roon eh hindi na siya ang bff ko. Na inassure ko siya na kahit sino pa ang magng kaclose ko, mananatili pa ring siya ang bff ko. May kasabihan nga d ba na if you love someone set him free, if he comes back she's yours. At magkaroon man kami ng kanya-kanyang mundo at set of friends, babalik pa din kami sa isat isa as best friends. Kaya nung sumunod na araw, kahit na kasama ko ang grupo nina Sheryl pag miyakag ko si Bella, ay nasama na din siya kaya ang dami na namin sa barkada. Kaya nabuo ang Janlymajovie. Ang saya lang na ang dami sa grupo, kasama na ko sa gimikan at daldalan. Hindi na ko nag-iisa pag busy si Bella sa CAT Training nila. Kasama niya doon, si Imee at Karla. Si Imee na itinuturing ko ring close friend kahit may iba siyang grupo na barkada, at ako naman na si Bella ang bff ko talaga. Napansin kong biglang naging sikat at popular niya sa classroom pati rin sa mga CAT Officers mula ng mag-outing sila. Ngayon ko lang din napansin na hawig nga siya ni Mikee Cojuangco. Feeling ko close na kami ni Ian, natabi siya lagi. Magkatabi kami nung gumawa ng Art project. Aries pala siya. At ako naman Aquarius, compatible ba? May ipinapahiwatig siya na may nagugustuhan daw siya pero natotorpe siya at hindi niya masabi. Kinabahan ako. Eto na to. Mukhang malapit na ang pinakahihintay ko. Magtatapat na siya. Sabi ko pa nga, "Bakit hindi mo sabihin?" pagpipilitko at pagbibigay mg lakas ng loob. Hindi ko na siya tinatarayan at naeenjoy ko na siyang kausap kapag natabi siya. "Siguro, ta-timing lang ako. Nahihiya ako eh. Tahimik kasi siya. Pero tingin ko sweet siya at mahiyain din kaya parang nahihirapan akong lapitan at kausapin."Sinasabi niya yin na hindi naman nakatingin sa 'kin, nahihiya nga siguro sa isip ko. Sana ako yun, bulong ko sa isip ko. Umaasa na. Minsang magkatabi kami. Siyempre, siya ang umupo sa katabi ng inuupuan ko. Umaasa ako na malalaman ko na kung sino ang balak niyang ligawan. Sabi niya, malalaman ko din in time.Kaya pinagkibit-balikat ko na lang Ayoko namang ipahalatang masyado akong atat. Kaya sabi ko sa sarili ko, "Maghintay ka lang, Joni, darating din ang right time." Pinagsulat ba naman ako ng teacher ng pagkahaba-haba sa blackboard para kopyahin ng mga kaklase ko. Dun ko nalaman ang sagot sa mga katanungan ko. Nakita ko na nakatabi si Ian kay Imee na nakaupo sa may unahan. Siya ba? ang tanong ko sa isip ko. Nababaliw na ata ako. Kasi madalas kinakausap ko na ang sarili ko. Ang tanga ko. Kasi umasa ako kahit wala naman siyang sinasabi. Kaibigan ko pa. Yun ang mas masakit. Alam ni Imee ang nararamdaman ko kay Ian dahil nga close kami. Pero sino ko para magalit sa kanya. Wala akong karapatan. Dahil gusto ko marinig ang pinag-uusapan nila. Nakaupo sila sa first row kaya pag nagsusulat ako sa may tapat nila, sadyang binabagalan ko para marinig ko ang pinag-uusapan nila. At kunwari, pagod na ko at titigil saglit para magpahinga pero tinitingnan ko sila. Pero hindi ko pa rin marinig ang sinasabi nila dahil parang nagbubulungan lang at dikit na dikit ang mukha nila kahit si Imee ay nakatingin sa notebook na nagsusulat. At si Ian naman ay nakasubsob na halos sa notebook ni Imee na dun na ata siya nakopya imbes na tumingin sa blackboard. At pag naman andun na ko sa pisara na malayo sa kanila ay bininilisan ko ang pagsusulat para mapatapat uli ako sa kanilang inuupuan. Napansin ata ni Ian kaya nagsabing, "Joni, bagalan mo naman. Ang bilis eh." pagrereklamo niya. "Eh kung inuuna mo ba naman ang pagsusulat kaysa sa panliligaw, sivuro hindi ka maiiwan." sagot ko pero sa isip ko lang. Ayoko rin namang ipahalata na bitter ako. Dahil siguro hindi sika makapag-usap dahil buburahin ko na pag wala na kong masulatan. Bakit naman kasi sobrang haba ng pinapasulat ng teacher? Parang ayaw lang magturo, kaya pinasulat na ata ang buong Chapter ng libro. Sana ay pinaxerox na lang kung ilan kami sa klase at ibinahagi sa amin ng isa-isa para hindi ako nahihirapan ng ganito. Oo, nahihirapan ako. Masakit na nga ang kamay mo sa kakasulat pati paa sa kakatayo pati ba naman ang puso, masakit pa din. Mas nakakapagod ang pag-iisip kaysa sa pagsusulat. Iniisip ko kung ano ang lagay ng pag-uusap nila Nang marinig ko ang pagrereklamong iyon ni Ian. Lalo akong nagngitngit kaya lalo kong binilisan para din hindi na sila makapag-usap at humabol sa pagkopya ng sinusulat ko sa blackboard. Kung masakit na ang kamay ko, mas masakit ang puso ko mg mga sandaling iyon. Naiisip ko pa na baka sabay pa sila sa pag-uwi dahil parehas ang kanilang sakayan dabil parebo silang sa baybay nauwi. Nang makausap ko si Imee nang sumunod na araw. Nag open-up siya sa 'kin kahit hindi ko naman tinatanong. At wala din naman akong rason para magalit sa kanya dahil wala naman akong karapatan. Hindi ko pag-aari ang puso ni Ian kaya malaya siyang piliin kung sino ang nasa puso niya. At wala din akong balak ipilit ang sarili ko. Napag-alaman ko na nanliligaw nga sa kanya si Ian pero kasabay nun, nagsabi din daw si Anchies kaya nagiguluhan siya. Hindi niya daw alamkung seryoso ang dalawa kasi magkatabi ang dalawa sa upuan at nagkasabay pa ng pagtatapat sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na ikaw kasi ang uso ngayon kaya sabay-sabay ang mga lalaking yan na magsabi sa kanya. Pero wala din ako sa tamang lugar para sabihin yun at baka magkasamaan pa kami ng loob. Kailangang maging objective ako sa pagpapayo at hiwag kong pairalin ang sariling interes. Nung time kasing yun, parang competition na isa siyang trophy na masuwerte ang siyang magwawagi. Parq kasing lahat ng boys may crush sa kanya. Pero siyempre hindi niya kasalanan yun. Mabait din naman kasi siya. Laging naka-smile at mahinhin din siya, parang ako. Pareho nga kami ng boses na parang akala mo laging nabulong lang. Isiningit talaga ang sarili eh noh. Ako ang author ng kuwentong ito at ako din ang author ng buhay ko kaya may karapatan ako na isulat base sa nasa isip ko at kung ano ang tunay na saloobin ko. Dito ko lang puwede ilabas kung ano ang totoong nasa damdamin ko na hindi ako huhusgahan. Kung magiging makasarili ako, sasabihin kong si Anchies ang piiin para sa akin si Ian. Pero ayoko din namang malungkot si Ian kapag iyon ang nangyari. Tama talaga ang kasabihan na "If you love someone, set him free. If he comes back, he's yours " Teka, bakit love na ang usapan. Kanina, crush ko pa lang ah. Ewan ko, first time kong mafeel ang ganito.Kaya hindi ko alam ang tawag sa nararamdaman ko. Pero alam kong mali na iyon ang ibigay kong advise, ayokong masaktan si Ian na ako ang may sanhi. Kaya ang ipinayo ko lang kay Imee ay piliin kung sino ang mas nakakahigit. Hindi kasi puedeng pareho at pantay ang nararamdama mo sa dalawang magkaibang tao. Sabi ni Imee, parang si Anchies pero hindi siya sigurado. Kaya alam ninyo kung ano ang ginawa niyang desisyon. Parehong na-friendzone ang dalawa tsk tsk.. "Kung ako na lang sana ang niligawan mo, sasagutin na sana kita. Ready na kong mahalin ka. Sure na ko. " Kausap ko na naman ang sarili ko. Nakakabaliw talaga ang magmahal. Pero si Ian naman kasi, hindi mapakali. Hindi malaman kung sino talaga ang gusto. Parang ang bilis magbago ng isip, ah puso pala. Kaya nakakainit ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD