Chapter 3 - Second year and a new beginning

2894 Words
Second year- Sophomore. Bagong school year, bagong buhay. At siyempre, meron din akong bagong apple of my eye. Si Ervin, taga-Pulo din siya. Nung bakasyon kasi, madalas ko siyang makita pag nalabas kami ni Ate para bumili ng tinapay sa Baltazar Bakery. At sumasaya ako pag nakikita ko siya. Kapag napapadaan kami sa subfivision na tinitirhan niya. Dahil nagkakataon naman na nakatambay siya sa kanto. Ang laki ng ngiti niya pag nakikita ko at ang freah looking talaga. Si Ate kung makatukso, talagang tinatabig ako, sinisiko, kaya naman hindi ko alam kung nahahalata na nito. At ate na din ang tawag niya kay Ate, feeling close na talaga. Kaya naman excited akong magpasukan kasi araw-araw ko na siyang makikita. Ang ganda niyang ngumiti, niloloko nga lang ni Ate. "Bata pa nga lang si Ervin, kasi may gatas pa sa labi" tudyo ni Ate sa akin. Meron kasi siyang parang white na birth mark sa gilid ng labi. Pero hindi nakakabaqas ng kaguwapuhan niya yun. Bagkus lalong nadadagdagan ang appeal niya. Kung dati ako ang pinagkakaguluhan dahil ako ang transferee. Ngayon, iba na. Dahil may bagong transferee. Galing daw sa Manila. Ang ganda, kamukha ni Melissa Gibbs. Nganga ang lahat ng mga boys sa classroom. Nakamaong skirt kasi na above the knee kaya kitang kita ang magandang hibog ng legs at nakakasilaw sa kinis niyang legs. Kahit kaming mga babae ay napapasulyap sa legs niya eh. Shiela ang pangalan niya. Dalawa silang magkapatid. Si Bart, ang kuya niya. Pero si Shiela lang ang pinagkaguluhan at ang isa sa nakikigulo ay si Ian. Grabeeeeeee!!! Ganun kahayok sa maganda. At wala pa atang dalawang buwan, nabalitaan namin na sila na. Madalas siyang nakaupo sa harapan namin pero may isang row pa na pagitan. Pero kitang kita habang magkatabi sila at magkadikit ang mga braso. Hindi naman halatang bitter ako sa nangyayari. Ano bang paki ko sa kanya? Hindi ko naman siya type, kahit makailang girlfriend siya at ubusin pa niya ang lahat ng babae sa classroom, hindi ko pa rin siya magugustuhan. Pero bakit parang naiinggit ka kay Sheila, dahil naging sila. "Hindi ah" pagpapaniwala ko sa sarili ko. Hindi si Ian ang crush ko. Si Ervin nga di ba? Siya ang crush ko. Pero bakit nasa likod ko na pala siya, bakit hindi ko napapansin? Hanggang sa naramdaman kong may kumulbit sa akin mula sa likuran. "Oh my gosh!" nasambit ko. Sa pagkulbit ni Ervin, alam kong hindi naman niya sinasadya pero nakakagalit pa rin dahil napahiya ako. na unhook kasi ang b*a ko. Tinakbo ko tuloy ang CR habang yakap ang dibdib. Kakahiya talaga. Inayos ko sa CR pero hiyang hiya pa din ako hanggang sa makabalik sa upuan. Tawag ng tawag si Ervin sa paghingi ng sorry, pero ayokong lingunin. "Joni, galit ka?" pabulong niya mula sa likod. "Ano sa palagay mo, dapat ba kong matuwa sa nangyari? " balik tanong na hindi siya nililingon "Sorry. Hindi ko sinasadya."paulit ulit na hingi niya ng paumanhin. Ayaw niya kong tantanan. Kaya napilitan na kong lingunin. At baka mangulbit na naman. Ayoko nang maulit na hawakan niya ko kaya nagbigay na ko ng ultimatum. "Ano ba kasing gusto mo?" paangil kong tanong. Nilingon ko kahit naiirita pa rin. Pero tinugon lang niya ko ng "Wala, magsosorry lang" sabay yuko at hindi na ko kinulit. "Okay na. Nangyari na. Wag na lang nating pag-usapan at wag mk na din akong kulitin puwede ba? Tango lang ang isinagot niya at tinalikuran ko na siya. At wala na akong planong lingunin pa siya. Naiinis talaga ko sa nangyari. Kaya nung sumunod na araw, nagsuot na ko ng sando bukod sa b*a para maiwasan ang ganoong insidente. Sunod na nabalitaan ko ay break na sina Sheila at Ian. Whaaattt??? Ilang babae ba talaga ang paiiyakin niya at paaasahin. Narelieve ako at hindi ako kasama sa mga babaeng napaniwala niya. Buti na lang, magaling akong umiwas. Sabi nga its better to prevent than to cure. Pero hindi ko inaasahan ang bisita ko sa bahay ng araw ng Sabado. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Shiela nang mabungaran ko siya sa bahay. Sabado nun kaya nasa bahay ako. Naisip ko tuloy, kung paano niyang nalaman ang bahay ko at kung close ba kami? Nalilito na ko. Akala ko nga nananaginip ako kundi pa niya ko hinawakan. "Tulungan mo ko." pakiusap niya. Nagsusumamo. Pero ang tanong ko, " Paano mong nalaman ang bahay ko?" naguguluhan talaga ko kung para saan at kailangan niya pa kong dayuhin sa bahay. Ayaw na ayaw ko pa naman na pinupuntahan ako sa bahay ng walang pasabi. Dahil mahalaga sa akin amg privacy. Kaya hanggat maaari, ayoko ng may nakakaalam ng bahay ko at bibiglain ako. " Ipinagtanong ko sa mga classmate natin." Hindi ko na inalam kung kanino dahil isa lang ang naiisip kong nakakaalam. Taga-pulo din yun panigurado. Anim pala ang classmate kong taga-Pulo, pero hindi na importante kung sino ang nagturo. Ang mahalaga na malaman ko, ay kung ano ang pakay niya sa pagpunta sa akin. "Magbihis ka, may pupuntahan tayo" may pagmamadali pa na sabi niya. "Saan?" nalilito ko pa ding tanong "Basta, malalaman mo din. Pagpunta natin dun". Tinapos na niya ang pakikipag-usap at itinulak na ko. Buti na lang at nakaligo na ko kaya nagbihis na lang ako kaya madali kaming nakaalis Ipinaalam na rin niya ko sa nanay ko na naglalaba. Wala na ding magawa dahil hila-hila na ko. Hindi na nga ako nakahingi ng pera para sa pamasahe. Ang sabi ni Sheila ay siya na ang bahala sa pamasahe at wala akong gagastusin at ihahatid din niya ako pagbalik. At kung alam ko lang ang totoong rason at kung saan talaga kami pupunta. Hindi talaga ko sasama. Nagtatalo kami sa labas ng gate dahil parang alam ko na kung kaninong bahay yun. Oo, sa bahay ng damuho Ako ang pinakakatok niya sa gate at maghanap kay Ian. "Bakit ako?" yun din ang tanong ko kay Tisay, nickname ni Shiela. Close na kami. Ang bilis noh! Nilibre lang ako ng pamasahe, biglang close na kami he he. "Kasi kung ikaw ang maghahanap kay Ian, lalabas yun. Hindi ka niya pagtataguan." Nagsusimamo ang tingin niya sa 'kin. "Please, Joni. Gusto ko siyang makausap para magkaayos kami o malaman ko man lang kung bakit siya nakikipaghiwalay sa 'kin" . Naguguluhan ako. " Eh bakit sa 'kin ka nagpasama, bakit hindi sa tropa niya, close ba kami? . Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman kami naging close. "Bahala na nga". Matapos na lang, ang init sa labas ng gate. Kaya kunatok na ko. At natanaw ko na din na dumungaw siya In fairness, ang guwapo sa yellow na tshirt mukhang nagbihis pa at sumenyas ng saglit. Parang babae, nagretouch pa ata ang freshness ng dating eh. Ang tagal kaming labasin. Ang hinayupak! Balak ata kaming tistahin dito sa araw.. hmmmppp.. Nung paglabas niya ng gate, takang taka siya kung ano ginagawa ko at ipinunta ko. Hindi pa niya kasi nakikita si Shiela na nagtago sa gilid Ang babaeng pinaasa niya at pinaniwala na mahal niya. Tapos, biglang hihiwalayan for no reason. Siyempre hindi ko puedeng sabihin yun, nasa isip ko lang. Bago pa ko makasagot sa tanong niya kung bakit ako napunta sa bahay niya, lumabas na si Shiela sa pinagkublihan niya. Kaya alam na din ni Ian ang sadya namin. Ang talino niya ah. Si Shie, isa sa pinaikling nicknamr niya bukod sa Tisay he he. Close na close na kasi kami. Nag-aalangan pa siya pero pinapasok na kami nung napansin niya na ang init sa puwesto namin. Isa pa na napansin ko pagpasok habang sinusundan siya eh. Ang iksi ng short niya kaya ang sexy tingnan, ang yummy ng legs... at nakita ko din ang nakababata niyang kapatod na babae ang ganda, parang yung nasa mga commercial sa tv, natotomboy na ba ko? Pagdating namin sa sala ng bahay, ay nag-abala pang maglabas ng meryenda ang damuho. Nilagang itlog ng itik. As if naman, kakain ako nun. Hindi ko type ang itlog mo. No, thanks. Pero ang hindi ko inaasahan eh ang mag-usap sila sa kuwarto pa. Dinala niya sa kuwarto si Sheila. Shiela uli ang tawag ko, kasi nagngingitngit ako. Isinama ako sabay iiwan din pala. Iniwan akong mag-isa sa sala kasama ng mga itlog na nasa mesa. Ayoko!!! Bakit kayo lang ang nag-usap? Hindi ko ba puedeng marinig? Sana pinalabas na lang ako para dito sila sa sala nag-usap. At hindi yung sa kuwarto pa sila. Naiisip ko tuloy, baka nagkaayos na ang dalawa, ang tagal eh.. parang inabot ng 30 minutes ang pag-uusap nila. Umaandar ang isip ko na baka naghahalikan na ang dalawq. At nakahiga sa kama at nag-aanuhan. Ano ba yan? Bata pa ko,wala pa sa isip ko yan. Erase erase. Jusko, Lord! Lumabas na sana sila. At nang lumabas na sila, dali-dali akong hinila ni Shiela palabas at hindi man lang nagkuwento ng napag-usapan nila. I feel na para kong nagamit. Tapos, hindi man lang sabihin sa 'kin ang kinalabasan ng pag-uusap nila pagkatapos niya ko bulabugin sa bahay Haaayyssss. Ganyan ba talaga pag mabait. Laging ginagamit at ako naman, laging willing magpagamit kahit minsan ayoko at nakakasakit na sila nang hindi nila nalalaman. English subject namin. Kailangan naming magrecite ng poem na "How do I love thee?". Saulo ko naman siya pero ninenerbyos talaga ko. Nakakatakot din ang teacher namin. Si Mrs. Lauro, lagi niya kong pinapagalitan kapag nagrerecite at sinasabihan ng "stop dancing" sabay tutugtugannaman ako ng mga classmates kong boys ng rhythm lang para daw may music. I can't help it. Ganun ako pag kinakabahan. Kaya nang tinawag ako, nanlamig na ko. At hindi ko inaasahan, na ang tatawagin niya na magiging partner ko sa pagrerecite ay si Ervin. Si Ervin ang tinawag niya. Haaayyysss!!!! Sinong nagsabi kay Ma'am? Hindi tuloy ako makatingin kay Ervin. Sabi ni Ma'am, " Look at each other while reciting the poem." Gusto ko na talagang lumubog that time. Pero sabi nga, the show must go on. Kaya nagsimula na ko. "How do I love thee? Let me count the ways." Feeling ko para kong naghahayag ng pag-ibig sa sinasabi ko eh. Habang si Ervin naman ay nakikita kong nangingiti at may kislap ang mata. Para talagang may spark. Nag-iispark siya sa paningin ko. Waaaahhhh. Ipinagpatuloy ko na. " I love thee to the depth and breath and height, My soul can reach, when feeling out of sight. For the ends of being and ideal grace. I love thee to the level of every day's. I love thee freely, as men strive for right" Teka. Kailangan kong huminga, para kasing kinakapos ako ng hininga. Para kasi kaming kinakasal, at ang nirerecite ko ay ang martiage vow ko para sa kanya he he. Asa pa! " I love thee purely, as they turn from Praise. I love with a passion put to use. In my old griefs, and with my childhood's faith. I love thee with a love I seemed to lose. With my lost saints- I love thee with the breath, smiles, tears, of all my life! - and, if God choose, I shall but love thee better after death". Natapos din. Hiyawan sila.Tuksuhan. May naririnig pa ko na nakakakilig daw ang tinginan namin, parang may something. Bagay daw. Samantalang ako, gusto ko ng himatayin. Nanlalambot ang mga tuhod ko kaya fusto ko na agad makaupo. Pero nanlalamig pa din ako. Feeling ko, parang may nakatingin sa 'kin. Gusto ko mang luminga, nahihiya pa din ako. Kaya nakayuko pa din ako. Feeling ko, parang may nakatingin sa 'kin. Gusto ko mang luminga, nahihiya pa din ako. Kaya nakayuko pa din ako. Tingin ko pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan. Kaso nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Parang alam ko na ang kinahantungan ng pag-uusap ni Shiela nung nagpunta kami sa bahay ni Ian. Dahil iba na ang katabi ni Shiela sa upuan niya. Si Ervin. God!!! Bakit ganun? Parang nadurog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang swerte naman ni Shiela. After ni Ian, si Ervin naman. Ang ganda niya. Hindi nawawalan ng boyfriend. Tiningnan ko si Ian sa may likuran kung apektado siya, mukhang okay naman siya at masayang nakikipagkiwentuhan sa grupo. Akala ko ay malulungkot siya habang nakatingin sa dalawa tulad ko. Pero hindi, hindi siya bothered sa nangyayari. Ako lang ang bothered dahil crush ko si Ervin. Ang malas ko naman. Kaya eto, malungkot na naman ako. Nakayuko habang nagsusulat sa diary. Oo, nagdiary na ko para may mapagkwentuhan ng mga bagay-bagay na hindi ko masabi sa iba. Habang ang lahat ay masaya sa pakikipagkuwentuhan. Ako, lugmok sa kinauupuan. Hindi ko naman kasing ugali na dumayo ng ibang upuan para makigulo at makipagkiwentuhan. Nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. "Puedeng tumabi?" ang sabi sa 'kin. Hindi siya ang inaasahan kong tatabi kaya napatunghay ako. Kasi si Rodel Macario ang katabi ko sa seating arrangement at hindi ang nakatabi sa 'kin ngayon. Nahuhulaan nyo na ba kung sino? Si Ian, at ang ganda ng pagkakangiti habang nakatingin sa 'kin. Sinagot ko na lang. " Andyan ka na eh, nakaupo ka na." At itinuloy ko na lang ang ginagawa kong pagsusulat. Vacant period nun kaya nagtataka siya kung ano ba daw ang sinusulat ko. Kaya hindi na nakatiis na magtanong dahil hindi ko siya tinitingnan. "Ano bang ginagawa mo?" sabay silip sa ginagawa ko. Na tinabingan ko ng kamay para hindi niya makita ang nakasulat. "Eh, d nagsusulat obvious ba?" pagtataray ko. "Eh ano namang sinusulat mo, eh wala namang nakasulat sa blackboard" pangungulit pa niya na parang nakakaasar ang pagkakangiti. Kaya lalo akong napikon, "Ano bang pakialam mo?" sabi ko habang patuloy sa pagsusulat. " Ang sungit mo naman, tinatanong lang eh. Dun na nga ako." Sabay punta na sa puwesto niya sa may likuran. Ayaw ko naman daw tumigil sa ginagawa ko. Nilingon ko na lang sabay sabing"Anong problema nun?"Sa ayokong makipag-usap eh. Tumigil daw muna ko sa pagsusulat. Eh kaya naman hindi ako natigil, dahil salita siya ng salita. Ang sinusulat ko ay lahat ng sinasabi niya. Kung malalaman lang niya at nababasa ang sinusulat ko. Tiyak na pagtatawanan niya ko. Birthday ko. Siyempre, pumasok ako. Wala namang celebration. It's just an ordinary day for me. Pero hindi ko akalain na may isang taong nakakaalam pala na birthday ko ngayon. Si Bro. Romy, he's really one of a kind. Bago maglesson, pinakantahan muna ko ng birthday song. Hiyang hiya ako. Tapos, sinabihan niya ang mga classmate ko na bumati na daw ang gustong bumati. Puwede daw lumapit para makipagshake-hands, hindi daw puwede ang kiss. At kaisa-isa si Ian na tumayo at dumaan mula sa likod at dumaan sa gilid ko sa kanan at nakipagshake hands sabay sabi ng "happy birthday". Yung kamay niya na ramdam kong mahigpit at matagal ang pagbitaw. Parang padausos ang bitaw kaya talagang feel ko ang haplos ng kamay niya sa palad ko. Hindi ko alam kung nanlalamig ba ko pero ang puso ko, feeling ko lumulukso at ang lakas ng kabog. Best birthday ever kahit walang handa. May narinig pa kong bulong, ng mga bashers sa likod. Wala man lang pakain, samantalang sa ate niya. Nakita namin, naghatid ang tatay ng cake at ice cream para sa buong klase. Nalaman ko din yun nung birthday ni Ate nung January lang. Ako naman February ang birthday. Pero hindi naman ako umaasa. Maaaring si Ate nagrequest ng ganun at nirequest granted lang ni Papa. Eh ako naman, okay lang sa akin ang wala. Hindi naman ako nag-eexpect. Ang may makaalala lang eh sapat na. Sumaya na nga ako sa pagbati ni Ian eh. Natatakot ako sa unti-unting umuusbong sa mura kong puso. Inaasam-asam ko na ang pagtabi niya. Unti-unti na siyang nakakapasok sa nilagay kong harang para hindi ako ma-fall sa kanya at matulad sa mga babaeng naniwala, napaibig niya at sabay iiwan kapag hulog na. Sorry kung praning lang ako mag-isip at naging judgmental sa kanya. Iba siguro talaga ko mag-isip. Ayokong magtake ng risk. Gusto ko kasi yung sigurado. Hindi yung gusto lang ako dahil kamukha ko si Jasmin na ex niya nung elementary. O di ba may gf na siya nung elementary pa lang. Yun kasi ang sabi ni Sheryl sa akin, na tumimo sa isip ko. Kaya sabi ko, hindi ako magpapadala at magpapaloko kahit pa kinikilig ako sa kanya ha ha ha. Manigas siya pero hindi niya ko makukuha sa pagtabi-tabi lang katulad ng sa mga naging ex niya. Pero kinantahan niya ko. Well, hindi ako sure na para sa 'kin, basta naririnig ko lang na nakanta siya sa tabi ko. Miss you like crazy ang title.. "Eventhough it's been so long. My love for you jeeps going strong... I miss you like crazy, miss you like crazy." Ang ganda ng boses niya. Pak na pak. Nakakakilig. Pero gusto ko kasi pag nagkaboyfriend, hindi yung good for one school year lang tulad ng ginagawa niya. Gusto ko, for life. Dahil nga bata pa, idealistic pa na akala ko pa nun.. naniniwala pa ko na may forever kung pahihirapan natin ang mga lalaking yan para bigyan tayo ng value. Pero siya ba ang nahihirapan o ako? Buti pa ang Math, basta alam mo na ang formula. Madali mo ng masosolve ng tama, may solution na. Pero in real life, walang basis na formula para maging tama ang desisyon mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD