Chapter 2 - Second day and worst coming days

2652 Words
Second day ko na to sa bagong school na pinapasukan, dapat hindi na ko natatakot. Pero bakit kabadong-kabado pa rin ako. Kasabay ko si Ate pagpasok pero ayaw ko pa na iwan niya ko at maghiwalay kami ng daan. Doon kasi ang classroom niya sa kanang sulok ng paaralan sa likod ng stage samantalang ako ay sa kaliwang sulok naman kaya dapat ay liliko na siya sa corridor na malapit sa pagtahak niya sa classroom niya. Sabay hagilap ko ng kamay. "Ihatid mo na ko sa classroom ko kahit hanggang pinto lang" nagsusumamo kong sabi. Kinakabahan talaga ko na parang may mangyayari kapag hindi niya ko sinamahan. Nabubuwisit man si Ate ay wala ng nagawa kundi magpatianod dahil hindi ko siya binibitawan. Nang matanaw ko nga ang pinto ng classroom, ay tanaw ko na may taong nakabalandra sa pintong dadaanan ko. Akala ko ay aalis siya pag malapit na ko para makapasok pero hindi siya gumalaw. " Excuse me" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Pero sa pagkakasulyap ko ay hindi niya inaalis ang pagkakadukwang ng braso niya sa pinto na magkakasya naman sana ko kahit andun pa siya kung aalisin niya ang braso niyang nakaharang. At dahil wala siyang balak na alisin ang kamay niya na nakahawak sa pinto. Yumuko na lang ako para makapasok at naiinis na tinapunan siya ng tingin. At nang makita ko ang mukha, ay mukhang nakakaloko pa ang ngisi niya. Vacant period. Ang lahat ay nagkakagulo, kanya-kanyang kuwentuhan. Pero ako, hindi umaalis sa kinauupuan ko. Nang biglang sumulpot si Ian sa tabi ni Sheryl. " Palit tayo. Dun ka muna sa likod. " sabi niya sa katabi ko. Dahil narinig ko ang sinabi ni Ian. Hinawakan ko ang braso ni Sheryl. "Dyan ka lang. Wag kang aalis sa tabi ko, magagalit ako sa'yo." sabi ko kay Sheryl. "Pano ba yan, sabi ni Joni dito lang ako. Sorry, Ian huh. Next time na lang." sabi ni Sheryl habang nakatingala kay Ian na nakatayo sa tabi niya. Akala ko eh babalik na siya sa pinagmulan niya. Hindi pa pala. At kinulbit ang nasa harapan ko. "Nathan, dyan ako. Alis dyan." ang siga ng pagkakasabi niya kaya nakakapanggigil talaga. Tumingin si Nathan sa kanya. Akala ko ay titiklop at susunod na lang kay Ian. Pero nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari. "Nathan, parang may tao sa labas hinahanap ka." sabi ni Ian na sisilip silip pa sa pinto. Pagtayo ni Nathan para silipin ang pinto. Hindi naman siya umalis sa kinatatayuan. At napagtanto na niloloko lang siya at wala namang tao sa labasan. Ngunit pag upo niya, nagulat ang lahat. Dahil biglang inusod ni Ian ang bangko. At napaupo si Nathan sa sahig. Pulang pula ang mukha ni Nathan sa pagkapahiya. Galit na galit siya kay Ian na naghahamon ng suntukan. Pero pinigilan na ng katabi niya na si Macky na kabarkada din ni Ian. "Ayan ang napapala, ayaw mo kasing umalis sa upuan eh. Ang upuan tuloy ang umalis sa'yo" tatawa tawang sambit pa ni Ian habang palayo. Awang-awa kami kay Nathan sa nangyari. At dahil sa nangyaring yun, nabalitaan na lang namin na hindi na siya pumasok at lumipat na lang sa ibang school. Dahil naging biktima siya ng bully na lalaking yun. I hate him for that. Ang sarap niyang sipain nang magaya siya kay Nathan na masaktan at mapahiya din. Kaya ng sumunod na araw. Tahimik lang ako dahil wala naman ang katabi kong si Sheryl dahil busy makipagchikahan sa grupo niya sa likod. Nang nilingon ko nga, ay kausap niyang todo halakhak sa biruan. Kahuntahan niya sina Anchies, Aldrin, Marie, Lenlen at Malen. Nakilala ko na rin sila sa pagpapakilala sa akin ni Sheryl. Pero yung isang nambubuwisit sa akin kanina pang umaga ay hindi ko pa alam ang pangalan. Pero sabi ni Sheryl, si Ian daw yun minsang itanong ko sa kanya. Mabait daw yun. Pero sa kin, feeling guwapo ang dating. Tall, dark and handsome daw sabi nila. Pero hindi ako kumbinsido sa handsome, tingin ko matanda na siyang tingnan at his age. Matured ang mukha niya sa edad namin. At hindi rin ako naniniwalang kamukha siya ni Richard Gomez, yun kasi ang tingin niya sa sarili niya. Ang kapal di ba? Epal pa, pahara-hara ang mukha niya. Ayaw tumabi. Pumunta si Ate sa classroom ko, sinenyasan akong lumabas Paglabas ko, andun na naman sa pinto ang damuhong Ian. Security guard ba to para bantayan ang pinto sa kung sino ang papasok at lalabas. Pinadaan naman ako para makausap si Ate. "Pahiram naman ng ballpen mo, naubos ang tinta ng ballpen ko eh." bulong ni ate.Nahiya din namang iparinig sa iba. Lalo at nakatingin siya na akala mo may inaabangan dahil nanatili pa din sa pinto. Naitanong ko na pala ang pangalan kay Sheryl, si Ian daw yun Christian Ventura. Ang pinakapogi at heartthrob sa classroom. Hindi rin ang sagot ko. Pinakapresko kamo. "Bakit hindi ka na lang bumili, may tinda naman sa cashier?" sabi ko na lang kay Ate, ayoko na kasing bumalik, papasok para kunin ang hinihiram niya at lalabas uli para ibigay kahit marami naman akong ballpen sa bag. Oo, marami talaga akong magdala ng ballpen kasi iyon ang buhay ko. Mahilig ako magsulat. Sa lahat ng vacant period, yun ang ginagawa ko, magsulat ng kahit ano na lang. Minsan, gumagawa ako ng tula, quotes, script o short story. Pero, wala akong choice, ayaw ni Ate bumili mababawasan pa daw ang baon niya. At never niya ginustong pumila. Kaya pag nagpapaenroll siya, gusto niya cash basis ang sa kanya para hindi na siya kailangang pumila para magbayad tuwing bayaran bago mag-exam unlike me na pinakiusapan ni Mama, na kung puede installment na lang muna kung magkano ang puedeng idown dahil kapos sa budget. Si Kuya kasi ay malaki din ang gastusin dahil College na. As usual, si Ate ang masusunod. Papasok pa lang ako, sabay nagsalita ang damuhong Ian, "Ate, puwede bang ligawan ang kapatid mo? " Sumikdo bigla ang dibdib ko sa narinig. Napatda ako, pati si Ate na nilingon ko, pero nang makabawi ay sinabi na lang na, "Hindi puwede, bata pa ang kapatid ko". Tumuloy na ko pagpasok para kuhanin ang ballpen nang umalis na si ate at baka kung ano pa sabihin ng damuho. Malapit nako sa pinto nang marinig ko "Eh siya, ikaw na lang ang ligawan ko, kung bata pa ang kapatid mo." Inabot ko na ang ballpen na parang wala akong naririnig. Deadma lang sa nagsasalita. Pero sinagot pa din ni Ate, " Hindi din puwede, bata pa din ako." Sabay layas, naantipatikuhan din siguro si Ate dahil biglang talikod na at hindi man lang nagpasalamat sa inabot ko Pati ako, dali-dali na kong pumasok dahil napabaling na naman sa akin ang tingin ng damuho at hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Tahimik lang uli akong umupo. At pumasok na din siya, bumalik sa upuan niya sa may likuran katabi ni Anchies. Hindi ko sinabi kay Bella o kay Sheryl ang narinig ko, dahil baka nang-aasar lang talaga ang taong yun. Hindi talaga ako makapaniwala sa kuwento ni Sheryl na madaming nagkakacrush sa lalaking yun. Hindi ko kasi talaga siya type. Ang gusto ko kasi yung maputi kasi neat tingnan. Saka baby face at laging nakangiti, gentleman, parang yung mala Aga Muhlach ang dating. Hindi katulad niya, parang malandi. Babaero ang dating. Ang ideal type of man ko yung one-woman man. Yung seryoso na talagang isa lang ang babaeng papakamahalin pero siyempre with sense of humor, yung masarap kausap at may utak, para pumasok ka sa criteria for judging. Si Barry nga ang nakikita ko na pasok sa banga. Parang hawig siya ni Aga Muhlach, ang cute niya. Pag ngumiti, nakakakilig pati mata ngumingiti. Kaso iba naman ang niligawan kaya hindi ko na siya crush, may gf na eh. Nakakawala ng dating sa akin pag may gf na. Gusto ko yung talagang magpupursige sa panliligaw at hindi basta susuko, harangan man ng sibat. Sabihin ng hindi uso ang ganun, pero gusto ko pa din ang ganoong way ng panunuyo at ang nanghaharana. Weakness ko yun, ang kakantahan ako. Pag ganun na, ang bilis ko na ma-fall eh. Pero secret natin yun, gusto ko kasi pinaghihirapan. Ayoko nung ihahain na lang sa kanila ang gagawin para suyuin ako. Ang gusto ko pag-isipan nila how to impress me at kung paano nila makukuha ang kiliti ko ha ha.. Joke lang. Tingin ko, tama nga si Ate, bata pa ko. Si Ate na naman. Basta talaga sinabi ni Ate, ang bilis kong maniwala. May naaalala ako dyan sa salitang "bata". Linggo ng Wika. Buwan ng Agosto. Ito ang ayaw na ayaw ko. Ang may program na kailangang may presentation ang bawat klase. Pinapakanta kami. Buti na lang grupo ang pagkanta. Nakakahiya kasi. Hindi naman kasi ako biniyayaan ng talento sa pagkanta. Pinagsuot kami ng damit na pangbata. Siyempre, hindi ako magsoshort, conservative ako bukod dun, wala rin naman akong ipapakita na siyang kinaiinggitan ko sa ate ko. May narinig nga ako na nagutya sa 'kin. Kasi flawless si Ate, unlike me na contrast talaga dahil nga mahilig akong papakin ng lamok. Masarap ata ang dugo ko kaya favorite nila ko. Sana hindi na lang. Eto na, ang pinili kong isuot ay yung jumper kong blue na palda na hanggang tuhod at nagmedyas ng hanggang tuhod din para walang kita. Conservative di ba? Yun ang akala nila, may itinatago lang talaga. May deepest secret na ayokong malaman nila. At nagpigtail lang ako ng buhok at ribbon na blue din kakulay ng damit ko. Nagulat na lang ako ng formation ng kanta ay katabi ko na si Ian sa unahan, samantalang ang pagkakatanda ko ay dapat sa likod siya dahil matangkad siya sa karamihan. Pero kahit nagulat ako na siya ang hahawak sa kamay ko dahil magkakapit-kamay paitaas habang nagsisway at sabay-sabay kinakanta ang "Batang bata ka pa" ng Apo Hiking Society. Hindi tuloy ako makakanta dahil naaasiwa ko sa pagkakahawak niya. May diin at para bang walang balak bitawan kahit tapos na ang kanta. Kaya tiningnan ko na ng masama, para matauhan. Sayang-saya sa pagkanta eh, parang ayaw pang paawat he he. Ako parang lip sync lang dahil nagalaw ang labi ko pero walang lumabas na boses sa sobrang nerbyos, may stage fright ako. Nanlalamig ako lalo at maraming tao ang nakatingin at nanonood. Kaya ang dasal ko ay matapos na para makapagbihis na din. Hindi ako sanay sa maiksing suot at dress pa. Dahil kung papipiliin ay jeans at tshirt lang ang suot ko pag civilian. Pagdating sa room, nakaupo na ko nang biglang lumapit si Kent. Pogi siya, siya ang escort sa classroom eh. Kamukha siya ni Mark Anthony Fernandez. "Nadaya mo ko 'dun ah" nag-atubili ako kung ano ang sasabihin ko. I didn't expect to hear it from him. Gusto ko na lang sana deadmahin. Dahil parang alam ko na ang gusto niyang sabihin. " Gusto pa naman kita nung una" pagpapatuloy niya. nakakaasar ang ngiti niya. Sabay sabing, " Di bale na lang..." sabay alis na iiling iling. Bakit ganun? Ang lupit naman. Kasalanan ko pa. Parang ginusto ko ang nangyari. Yun ang iniiwasan ko kaya ayokong makipaglapit sa mga lalaki. At first, gusto ka nila. Pero mababaw lang. Dahil physical appearance lang ang basehan nila at kasalanan mo pa kapag hindi mo nameet ang expectation nila. At hindi dahil kilala ka na nila for who you really are. Wala na ba talagang consideration na ang attitude ang bigyang importansya. Sanay na naman ako sa ganung reaksyon ng tao sa akin. Kaya siguro napakababa ng self-esteem ko at puno ako ng self-doubt sa sarili ko. Ang nakakapagpasaya lang sa 'kin ang idol kong sa Carmina. Pero bukod kay Carmina, idol ko din ang ate ko. Kaya pati yung isip ko nakokondisyon, na kung ano ang gusto ni Ate, yun din ang gusto ko. At pag ayaw ni Ate, ayaw ko na din. Idol ba ang tawag dun? Kaya noong sabihin ni Ate na si Lino ang maging crush ko. Parang napapasunod ako. Dahil hindi ko namalayan, lagi ko na siyang pinagmamasdan. Sa harapan kasi siya nakaupo dahil Alcazar ang apelyido niya. Sabi kasi ni Ate, kilala yung kuya niya na matalino. Nag-aaral sa UPLB dahil boyfriend ng kapitbahay namin na si Vivian, kaibigan ni ate. At guwapo din naman. Kamukha ni Joshua Garcia. Maputi at ang ganda ngumiti, parang pati mga mata niya ay ngumingiti pag tumatawa. Haaaayyyyss... Pero nalaman ata niya, hindi ko alam kung paano, kanino at bakit??? Panic mode talaga ko nang lumapit siya sa akin. Wala naman akong pinagsasabihan. Iniisip ko nga kung may mata ba to sa likod? Para malaman niya na nakatingin ako samantalang nasa unahan siya at nasa bandang likod naman ako. 3 rows pa ang pagitan. Bigla siyang lumapit at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko, at nakatanghod ng paharap sa akin. "Hi!" sabi niya habang nakangiti. Kita ko na naman na ang mga mata niya parang kumikislap. Ngumiti lang ako pero wala akong maitugon. Naumid ang dila ko, wala akong masabi. At hindi ko ineexpect na ito ang itatanong niya. "Crush mo ba 'ko?" confident ang tanong niyang yun. At bigla para kong binuhusan ng yelo sabay sabing, "Hindi noh" pero hindi ako natingin. Nanghagilap ako ng papel at ballpen at parang naisip kong magsulat. Ayoko kasi siyang tingnan at baka ako ipagkanulo ng nararamdaman kong kaba. Pero parang hindi siya naniniwala sa sagot ko. Hinawakan niya ang baba ko para tumunghay ako at tumingin sa kanya. "Eh bakit nahuhuli kitang nakatingin sa 'kin?" nakangiti pa rin siya na parang may hinuhuli sa mga mata ko. Dun na ko nahighblood kaya nakapagtaray na ko sa pagsasabing "Ang kapal ng mukha mong iconclude na sa'yo ko nakatingin, hindi mo ba naisip na baka sa blackboard ako nakatingin at nakaharang ka lang. Dahil madalas akong nagsusulat di ba kung mapapansin mo?" paglilitanya ko sa kanya. At dahil dun, napahiya ata sabay talikod at malungkot na bumalik sa kinauupuan niya. Gusto kong maguilty pero hindi ko na rin binawi ang sinabi ko, ang yabang niya kasi kaya yan ang napapala. Akala ko pa naman humble siya.. yun pala, isa ring makapal ang mukha katulad ni Ian. Kung inayos niya lang sana ang pagtatanong, baka inayos ko rin ang pagkakasagot ko sa kanya. Lahat ba talaga ng guwapo ngayon, makapal na ang mukha? At kailan pa naging guwapo sa paningin mo si Ian, asik ko sa sarili ko. Ang bilis nagbago ng ihip ng hangin ah. At guwapo na sa paningin mo si Ian ah, tudyo ko sa sarili ko. Baliw lang. Parang nagbabago na ata ang pananaw natin sa salitang guwapo. Pakishare nga ang reason behind that. Sinabi ko lang kasi yun, dahil iyon ang tingin ng lahat ng kababaihan sa kanya. Hindi ako kasama dun. depensa ko. Mukha pa ding tatay ang tingin ko sa kanya. Lalo na pag kasama niya si Ricky na classmate naming maliit, na parang lumalabas na anak niya pag magkasama sila. Speaking of the devil, balita na girlfriend na niya si Tina na isa sa pinakamaganda at ma-appeal sa classroom. Balita ko din ayon sa aking source na mayaman daw si Tina dahil nasa States ang mga magulang at tanging mga katulong lang ang kasama sa bahay. Good for him, na may nagkamali sa kanya. Bitter lang 'neng? Minsan mahirap ding kausap ang sarili eh. Nakakaloka. Matatapos na ang school year. Hindi ko namalayan. Nakasurvive ako ng isang taon. At siyempre, with honors. First honor si Bella na maituturing ko na bff ko for life. At si Karla naman ang second honor. At ako naman ang third honor. Not bad para sa isang mahiyain na tulad ko na hindi masyado aktibo sa recitation, nabawi na lang talaga ko sa written exam. Sana ganoon ang buhay, na bawat frustration na haharapin mo sa buhay. May kalakip na ibang ipagkakaloob na biyaya na ang kapalit ay tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD