“So, ayos na kayo ni Alec?” tanong ni Bea habang nakatingin sa mga bata. Tumango naman si Andy bilang sagot. “Hindi pa naman kami gano’n ka-okay, but we’re trying. Sinusubukan namin maging maayos kahit medyo mahirap.” Tinapik nito ang likod niya. “Ayos lang ‘yan. Hindi naman talaga madaling maging okay, at gawing maayos ang lahat lalo na’t fresh na fresh pa sa ‘yo ang lahat.” Napabuntong-hininga naman siya. “Pero nararamdaman ko talaga sa sarili ko na nagbago ang pakikitungo ko kay Alec. Ayaw ko man pero parang may sariling isip ang katawan ko at kusang gumagalaw.” Tumingin ito sa kanya. “Naiintindihan naman ‘yon ni Alec, Andy, kahit ako nga maiintindihan ko. Talagang mag-iiba ang pakikitungo mo sa kanya lalo na sa nangyari. Alam ko na inaasahan na din ‘yon ni Alec, at iyon ang ikinata

