bc

Loving The Tormented Ex-Wife

book_age18+
3.6K
FOLLOW
20.6K
READ
possessive
second chance
goodgirl
CEO
drama
twisted
bxg
city
office/work place
shy
like
intro-logo
Blurb

Simple lang ang pangarap ni Andy, ang maging masaya, at bumuo ng pamilya kasama ang asawa nitong si Alec. Pero sa limang taon na pagsasama nila ay hindi pa din sila binayayaan ng anak dahil sa may deperensya siya.

Nagulat na lang siya nang malaman na may relasyon pala ang asawa niya at ang matalik niyang kaibigan. Itinuring niya itong kaibigan at pinatira sa sarili nitong bahay. Hindi niya aakalain na aahasin pala nito ang asawa.

Sa mga panahon na lugmok at gusto na lang niyang mamatay para matapos na ang sakit ay isang binata ang makikilala niya. Ang binatang magliligtas sa kanya.

Sa sakit na naramdaman niya noon sa dating asawa, makakaya niya kayang magmahal at masaktan ulit?

chap-preview
Free preview
Prologue:
“Anong ibig sabihin nito?” Nanginginig ang mga kamay ni Andy habang nakatingin sa papel na binigay sa kanya ng asawa. Tumingin siya nang nagtatanong dito, umaasa na nagbibiro lang ito. “Annulment papers,” simpleng sagot ng asawa niyang si Alec. Limang taon na silang kasal ng asawa at sa limang taon na ‘yon ay masaya naman sila. May parte pa din ng buhay nila na may kulang. Kahit na limang taon na silang kasal ay hindi pa din sila matatawag na pamilya dahil wala pa din silang anak. Kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mabibigyan dahil may deperensya siya. Hindi siya mabubuntis kahit kailan. Pero kahit gano’n ay maayos naman sila, ‘yon ang akala niya, Hindi niya alam na may namumuo na pa lang relasyon sa asawa niya at sa tinuturing niyang kaibigan. “Alam ko kung ano ito, Alec. Ang gusto kong malaman ay kung bakit mo binibigay sa akin ito?” Galit niyang itinapon ang mga papeles sa asawa. Unti-unti na namang namumuo ang mga luha niya pero pinipigilan niyang huwag maiyak. “Bakit, Alec? Pinatawad naman kita, ah. Bakit kailangan mo pangmakipaghiwalay sa akin? Mahal mo na ba siya?” Parang piniga ang puso niya ng hindi ito sumagot. “Akala ko ba ako lang, Alec?” Tinuro niya ang sarili habang umiiyak. “Pinangako mo ‘yon sa akin at sa harap ng Diyos.” “Buntis si Savanna.” Nawala bigla ang lakas niya at napaupo siya sa kama nilang mag-asawa. “Kailangan ko siyang panagutan, Andy.” “P-Paano naman ako?” Tumingin siya dito at hindi na niya napigilan ang mas maiyak. Ayaw niyang makita siya ng asawa na mahina pero sa ganitong sitwasyon ay hindi niya kayang magpanggap. “Asawa mo ako, Alec.” “At may anak ako sa kanya. Dugo at laman ko ‘yon, Andy, at hindi ko pwedeng talikuran ang anak ko. Alam mo naman kung gaano ko kagusto ang magkaanak, eh.” Parang isang matalim na bagay ang tumusok sa puso niya sa sinabi nito. Parang sinasabi nito sa kanya na kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mabibigyan ng anak. “P-Pwede mo naman suportahan ang bata, eh. Kaya kong ampunin ang bata, basta huwag mo lang akong iwan, Alec.” Tumayo siya saka lumapit sa asawa at lumuhod dito. Wala na siyang pakialam kung anong tingin sa kanya nito ngayon. Hindi niya kayang iwan siya ng asawa. “Nagmamakaawa ako, Alec. Please, huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya ang wala ka.” Hindi niya maisip ang sarili na hindi kasama ang asawa dahil simula pa nang high school ay kasama na niya ito. Ito ang una at huli niyang nobyo. Nang mag-graduate sila ay dalawang taon lang ang nakalilipas ay nagpakasal na sila. Mahal na mahal niya ito kaya wala siyang dahilan para hindi tanggapin ang alok nitong magpakasal. Nasanay na siyang palaging nandiyan ang asawa kaya hindi niya alam ang gagawin kung iiwan siya nito. “Get up, Andy.” Hinawakan siya nito sa braso at pilit na pinapatayo pero nagmatigas siya. “No.” Umiling-iling siya. “Hindi ako tatayo dito kapag iiwan mo ako.” “Ganyan ka na ba talaga kadesperada, Andy?” Napatingin siya sa pinaggagalingan ng boses. Sinamaan niya nang tingin si Savanna na kakapasok lang sa kwarto nila. Mabilis siyang tumayo at susugurin na sana ito nang bigla siyang awatin ng asawa. “Hayop ka! Ahas ka!” galit niyang sigaw dito habang pilit niya pa din itong nilalapitan. “Pagkatapos ng ginawa ko para sa ‘yo. Pagkatapos kitang tulungan ay ito lang ang gagawin mo sa akin?” “Hindi ko na kasalanan kung bakit hindi mo siya mabigyan ng anak. Hindi ko na kasalanan kung baog ka.” Ngumisi ito. “At saka, kahit hindi ako ang pinatulan ng asawa mo ay maghahanap pa din siya ng iba. Yong maganda, sexy, kaya siyang bigyan ng anak, at hindi kagaya mo na lusyang.” “At ano? Ipagpapalit niya ako sa isang malanding katulad mo? Walang ibang ginawa kung hindi ang magpaganda? At least ako, may alam sa gawaing bahay, ikaw? Ni maglaba nga ng panty mo ay hindi mo pa magawa.” Savanna flip her hair like a b*tch. “Like what I’ve said, hindi kagaya mo lusyang. At isa pa, hindi ko na poproblemahin ang mga gawaing bahay dahil may katulong naman. All I have to do is to rest, enjoy my life, at hintayin ang paglabas ng anak namin ni Alec para may matawag na kaming sarili naming pamilya.” Napatingin siya sa tiyan nito nang haplusin ito ng dalaga. “Malandi!” Susugurin na sana niya ito pero tinulak siya ni Alec dahilan para mapaupo siya sa kama. “Tama na, Andy. Tumigil ka na, okay?” “Oo nga naman, Andy. Tama na dahil kahit anong gawin mo ay panalo na ako.” Masama niya itong tiningnan. “At sinong nagsabi sa ‘yo na panalo ka na? As long as I’m Alec’s wife, you’re still the mistress.” “Tama na, Andy, please.” Tumingin siya kay Alec na nagmamakaawa nang nakatingin sa kanya. “Itigil mo na ito. Pakawalan mo lang ako dahil kahit anong gawin mo ay hindi na ako magiging masaya sa ‘yo. Hindi mo maibibigay ang gusto ko.” “Akala ko ba mahal mo ako? Nasaan na ang mga pangako mo noong kinasal tayo, Alec? Ang sabi mo ako lang ang mamahalin mo.” “I still remember that, okay?” Napapikit ito nang mariin at malungkot siyang tiningnan nang dumilat ito. “But you can’t give me a child.” Muli na naman siyang napayuko. “Please, permahan mo na ang annulment papers para matapos na ito lahat.” Mahigpit ang naging hawak niya sa kumot. “Ayoko.” “What?” Masama ang tingin na pinukol niya dito dahilan para magulat ito. “Ang sabi ko ayoko! Kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko pepermahan ang annulment papers. Kaya kahit anong mangyari,” tumayo siya saka tumingin sa babaeng ahas. “I am still the legal wife and you’re just a snake mistress.” Napabaling siya sa kabila nang dumapo sa mukha niya ang kamay ni Savanna. “Desperada!” “Tama na ‘yan, Savanna! Ano ba?” pag-awat ni Alec dito. “Anong tama na, Alec? Hindi mo ba nakikita ang pagiging desperada ng babaeng ‘to?” Muli itong tumingin sa kanya. “Kahit na anong sabihin mo, Andy, kabit man ako o hindi, hindi mo pa din mababago ang katotohanan na hindi magiging masaya sa ‘yo si Alec dahil kahit anong gawin mo ay hindi mo siya mabibigyan ng anak! Gano’n ka na ba talaga ka-selfish? Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mong maging masaya siya at sa akin siya sasaya kasama ng magiging anak namin.” “I said stop!” Hinawakan nito ang babae sa braso. “Let’s go.” Hinila na nito ang babae palabas ng kwarto nila. Naiwan siyang mag-isa sa madilim na kwarto habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya inaasahan na ang limang taon nilang kasal na inaalagaan niya ng mabuti ay aanayin lang pala ng sarili niyang kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook