Chapter 1

1994 Words
Si Andy Lomotos ang isa sa pinakamaganda sa batch nila sa high school. Maliban sa maganda ito ay may kabaitan din itong taglay, matulungin sa kapwa estudyante at sa mga guro. Kapag may nangangailangan ng tulong ay hindi ito nagdadalawang isip na tumulong. Kaya naman nagustohan ito ng isang Alec Silvia, ang kilalang heartthrob at basketball captain sa kanilang campus. “Andy!” Napalingon si Andy sa may pinto nang tawagin siya ng kaibigan niyang si Savanna. “Halika dito, bilis!” Isinara niya ang librong binabasa at lumapit sa kaibigan. Si Savanna ang pinakamalapit niyang kaibigan. Ulila na ito kaya nagpa-part time job ito at umaasa lang sa scholarship nito para makapag-aral. Gusto nga niya sana na sa bahay na lang nila ito tumira total ay para na din naman niya itong kapatid, pero hindi ito pumayag dahil nahihiya ito. Hindi na iba sa kanya si Savanna dahil simula elementary ay kilala na niya ito. Humahanga nga siya dito, eh, dahil kahit ulila na ito ay hindi pa din ito nawawalan ng pag-asa sa buhay. Nag-iisa lang itong anak kaya wala na talaga itong pamilya. “Bakit ba?” tanong niya nang tuluyan nang makalapit dito. “Tingnan mo ‘yon, oh.” Tumingin naman siya sa kung saan ito nakaturo. Nakita niya ang mga basketball player ng kanilang eskwelahan na naglalakad sa may hallway. Mukhang katatapos lang nito mag-practise dahil nanggaling ito sa gym at nakasuot pa ng mga uniforn nito pang-basketball. Malapit na din kasi ang school feast sa kanila kaya todo insayo ang mga basketball player nila dahil makakalaban ng school nila ang kabilang school. “Bakit? Anong meron sa kanila?” Inilapit ni Savanna ang mukha nito sa kanyang tenga. “Kilala mo ba si Alec Silvia? Yong captain ng team nila?” “Yon bang naka-number twelve?” Biglang nailayo ng dalaga ang mukha nito dahil sa gulat habang nakatakip pa sa bibig ang dalawa nitong kamay. “Oh my!” Sinamaan siya nito nang tingin. “Sinasabi ko na nga ba, eh. May gusto ka kay Alec, no?” Natawa naman siya saka nailing. “Wala, no. Ano bang pinagsasabi mo?” Pinanliitan siya nito ng mga mata. Tiningnan siya ng hindi naniniwala. “Kung wala, paano mo siya nakilala? At saka alam mo pa talaga kung anong number niya.” Natawa na naman siya. “Hindi porque kilala ko siya ay may gusto na ako sa kanya.” Tumingin siya dito nang naka-cross arm habang nakataas ang isang kilay. “Sinong hindi makakakilala sa kanya, eh, sikat siya sa campus natin, heartthrob pa. Isa pa, nakalagay ‘yong mukha niya sa malaking tarpaulin kasama ng mga ka-teammates niya. And lastly,” itinaas niya ang hintuturo. “Kaya ko nalaman ang number ng t-shirt niya ay dahil ‘yon ang nakalagay sa basketball uniform niya. See that?” Tinuro niya ulit ang binata. “Ahh… Oo nga pala.” Napakamot na lang ito sa batok habang natatawa. Napailing na lang siya sa kaibigan. Kung anu-ano ang pinag-iisip, eh. Nang tumingin siya ulit sa mga basketball player ay nagulat siya nang nakatitig pala sa kanya si Alec. Ngumiti ito na agad niyang ikinaiwas nang tingin. Tinakpan niya ang bibig. Bakit gano’n? Bakit parang biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang ngumiti ito sa kanya? Gwapo ang binata at mabait kaya walang sino mangbabae ang hindi magkakagusto dito. Hindi niya ito pinapansin dati dahil hindi naman siya interesado dito. Ito ang unang beses na nagkatinginan sila sa isa’t-isa. Ito ba ang nararamdaman ng mga babae kapag tinitingnan sila ng heartthrob sa campus nila? Umiling-iling siya saka sinampal pa ang dalawang pisngi dahilan para ikakunot ng noo ni Savanna. Hindi. Wala lang itong nararamdaman niya. Nagulat lang siya kaya naging gano’n ang reaksyon niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang nagwawala niyang puso dahil sa isang ngiti na ibinigay sa kanya ng isang Alec Silvia. “Hoy, ayos ka lang?” tanong ni Savanna sa kanya saka bahagya pa siyang tinulak sa balikat. “A-Ayos lang ako.” “Sigurado ka?” Kumunot ang noo niya nang ilagay nito sa noo niya ang palad nito. “Hindi ka naman nilalagnat, pero bakit namumula ang pisngi mo?” Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umiwas dito. “W-Wala ‘to. Ano lang… mainit. Oo, tama. Mainit nga.” Pinaypayan pa niya ang sarili na tila naiinitan. Tumingin naman ang dalaga sa kalangitan. “Hindi naman, eh. Makulimlim nga ang langit, eh.” Napapikit na lang siya ng mariin. “Pumasok na nga tayo sa loob at mag-aral. May quest pa tayo mamaya, ‘di ba?” Nanlaki ang mga mata nito ng maalala ang quest nila mamaya. “Hala! Oo nga. Tara na.” Nauna na itong pumasok sa room nila. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil mukhang na-distruct niya ang kaibigan. Sigurado siyang hindi siya nito titigilan kapag nalaman nito ang dahilan kung bakit namumula ang pisngi niya kanina. Napailing na lang siya saka sumunod sa kaibigan sa loob. NASA library si Andy at hinahanap ang kailangan niyang libro. Napangiti siya nang makita ito pero mabilis na napasimangot nang makitang hindi niya ito maabot. Tumingin siya sa magkabilang gilid niya para maghanap ng hagdan pero wala. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumalon nang tumalon para lang makuha ang libro. Napabuga ng hangin si Andy nang ilang talon na ang nagawa niya ay hindi pa din niya nakukuha ang libro. Bumuga siya ng malakas na hangin para sa pagtalon niyang muli. She can’t give up. Wala ‘yon sa bukabularyo niya. Akmang kukunin niya na sana ang libro nang may kamay na kumuha dito. Mabilis siyang napalingon dito. “Ako ang nauna sa librong ‘ya—” naiwan sa ere ang sinasabi niya nang makita kung sino ito. Napalunok siya ng mariin nang ngumiti ito sa kanya. Napakurap-kurap siya nang mapansin na ang lapit nito sa kanya. Napapikit siya saka tumikhim. “A-Ang lapit mo masyado sa akin.” “Oh, sorry.” Umatras naman ito dahilan para makahinga siya ng maluwag. Napatingin siya sa libro nang ilahad nito ito sa kanya. “T-Thank you.” “Next time, kung may hindi ka maabot na libro dito ay huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa akin,” nakangiti nitong sabi dahilan para magwala na naman ang puso niya. Hindi na nakapagtataka kung bakit naabot ng binata ang libro dahil matangkad ito, kaya nga member ito ng basketball team, eh. Captain pa. “Thank you ulit. Sige, mauna na ako.” Tumalikod na siya at saka maglalakad na sana nang pigilan siya nito. “Wait, Andy.” Napatingin siya dito nang may gulat. “Kilala mo ako?” Tinuro pa niya ang sarili. Binitawan nito ang kamay niya saka napakamot sa batok. “Y-Yeah.” Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Isang Alec Silvia na nahihiya habang namumula pa ang pisngi. Ito ang unang beses na nakita niyang ganito ang binata—kahit pa minsan wala siyang pakialam dito. Nagtataka siya kung bakit ito nahihiya. “Kung wala ka nang sasabihin pa ay aalis na ako.” Ilang minuto na kasi ang nakakalipas ay hindi pa din ito nagsasalita. Aalis na sana siya nang magsalita ito. “I like you, Andy.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “W-What did you say?” Ang kaninang nahihiya nitong mukha, at hindi makatingin na mga mata, ngayon at diretso nang nakatingin sa kanya dahilan para kumabog ng mabilis ang puso niya. “Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?” NATAPOS na ang buong klasi ni Andy at wala pa rin siya sa sarili niya. Napatingala siya nang may kumalabit sa kanya. Nakita niya si Savanna na may pag-aalalang nakatingin sa kanya. “Ayos ka lang ba, Andy? Kanina ko pa napapansin na para kang wala sa sarili mo. May problema ka ba?” Napailing-iling siya para mawasik sa isipan ang nangyari kanina sa library. “W-Wala. Ayos lang ako. Iniisip ko lang ang magiging exam natin.” Napabuntong-hininga ito. “Hay naku, Andy. May isang buwan pa para sa exam natin pero ‘yan na agad ang inaalala mo?” Napailing ito. “Oh, siya. Mauna na ako sa ‘yo. Kailangan maaga ako ngayon sa pagtatrabahuan ko.” “Sige, mag-iingat ka. Magkita na lang tayo bukas.” Kumaway siya sa kaibigan na nagmamadaling lumabas ng room. Pagkatapos ng klase nila ay didiretso si Savanna sa pinagtatrabahuan nito para may pambili ito ng pagkain nito araw-araw. Kaya bilib na bilib siya sa kaibigan niya, eh. Para itong hindi napapagod. Inayos na niya ang mga gamit niya saka tumayo para lumabas na din. Kailangan na din niyang umuwi para sagutan ang mga assignment niya. Nang makalabas na siya sa gate ng campus ay bigla siyang napahinto nang makita si Alec. Mukha itong may hinihintay. Nanlaki ang mga mata niya at iiwasan na sana dito nang tawagin nito ang pangalan niya at lumapit sa kanya. “Pwede ba tayong mag-usap?” Hindi siya makatingin sa mga mata nito, lalo na’t naaalala niya ang ginawa kanina. Pagkatapos kasi nitong umamin na may gusto ito sa kanya ay bigla na lang siyang tumakbo dahil sa gulat. Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang gagawin o magiging reaksyon niya kanina. Tumango lang siya bilang sagot dito na ikinangiti naman nito. Huminga siya ng malalim habang nakasunod dito. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili, lalo na’t kumakabog ng mabilis ang puso niya sa tuwing nakikita ang ngiti nito. Dinala siya nito sa isang coffee shop na malapit lang sa campus nila. “Pasensya ka na kanina.” Napaangat siya nang tingin dito. Napakamot ito sa batok na tila nahihiya. “Mukhang nagulat kita.” “H-Hindi… I mean, ako dapat ang humingi ng sorry sa ‘yo kasi bigla na lang kitang tinakbuhan.” Napayuko siya dahil hindi niya kaya itong tingnan sa mga mata. “Naiintindihan ko.” Napatingin siya ulit dito nang marinig niya ang mahina nitong tawa. “Nakakagulat naman talaga ang ginawa ko kanina. First time kasi natin magkausap kanina kaya nadala lang ako sa nararamdaman ko.” “Gusto mo ba talaga ako?” Pareho silang nagulat sa naging tanong niya. Ewan ba niya, bigla na lang ‘yong lumabas sa bibig niya. “Matagal na.” Natigilan siya nang seryoso siya nitong tiningnan sa mga mata. “P-Papaano?” “Matagal na kitang tinitingnan sa malayo. At saka hindi lang naman ako ang may gusto sa ‘yo, marami. Maliban kasi sa maganda ka na sa labas na anyo, pati puso mo ay maganda. Palagi kitang nakikita na tumutulong sa school.” Nakikita niya ang pamumula ng mukha nito. “Actually, second year pa lang tayo ay crush na kita. Gusto kitang lapitan pero nahihiya ako. Kaya no’ng nakita kita sa library, feeling ko ‘yon na ang chance ko para makausap ka, kaya kahit kinakabahan ay nilapitan kita.” Bahagya siyang natawa nang takpan nito ang namumulang mukha. “Nakakahiya man dahil ako ang lalaki pero ako itong kinikilig.” Bumuga ito ng malakas na hangin para pakalmahin ang sarili. “It’s okay. Natutuwa nga ako sa ‘yo, eh.” Napatingin ito sa kanya ng may gulat. “Bibihira lang ang mga lalaki na kagaya mo. Yong tipong maglalakas-loob na umamin sa taong gusto nila at hindi nahihiya na ipakita na kinikilig sila. You’re such an honest person.” Biglang nawala ang ngiti niya dahil sa titig na titig ito sa kanya. “B-Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” Umiling ito habang nakatitig pa din sa kanya dahilan para medyo mailang siya. “Wala. Naisip ko lang na mas maganda ka kung nakangiti ka at nakikita ko ito ngayon sa malapitan. Noon kasi, hanggang sa malayo lang kita nakikitang ngumiti.” Huminga ito ng malalim. “Alam kong kakikilala lang natin kanina, pero ayaw ko ng palamapasin ang pagkakataong ito. Andy Lomotos, pwede ba kitang ligawan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD