Simula nang umamin si Alec kay Andy ay nanligaw na ito sa kanya. Hindi niya lubos akalain na gano’n kaseryoso ang binata sa panliligaw sa kanya. Pati kasi sa mga magulang niya ay nagpaalam ito. Sinabi nitong handa itong maghintay kung kailan handa na siya. Sinabi pa nitong aalagaan at poprotektahan siya nito.
Siya itong kinakabahan para sa binata. Nakikita niya sa binata na kinakabahan ito habang kaharap ang mga magulang niya pero pinapatatag nito ang sarili. Mas lalo siyang humanga sa binata dahilan para unti-unti nang mahulog ang loob niya dito.
Dumaan ang isang taon at first year college na silang dalawa. Sa iisang school pa din sila nag-aaral. Ayaw kasi nitong mahiwalay sa kanya dahilan para ma-touch siya dito. Lahat na ata ay ginawa na nito para sa kanya kahit hindi niya hinihiling. Nagkukusa itong ginagawa ang mga bagay na alam nitong ikakasaya niya.
“Andy, nandito na ang sundo mo,” sabi ng classmate niya.
Napangiti siya nang makita si Alec sa may pintuan at hinihintay siya. Kumaway ito sa kanya. Minadali niya ang pagliligpit ng mga gamit niya at mabilis na lumabas ng room.
“Hi, how’s your class?” tanong nito saka kinuha nito ang mga hawak niyang libro.
“Okay naman. Sa ‘yo?”
“It was good.” Ngumiti ito sa kanya.
Palagi itong nakangiti sa kanya lalo na kapag magkasama sila pero hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay bumibilis pa din ang t***k ng puso niya. Yes, she will admit that she is in love with this man.
“Punta na tayo ng canteen. Medyo nagugutom na ako, eh.” Lunch time na din kasi.
Kahit magkaiba sila ng course at oras ng klasi ay kapag may time sila ay magkasama sila, lalo na kapag lunch time. Sa hapon naman, kapag ito ang nauunang matapos ang klasi ay hinihintay siya nito. Gano’n din naman ang ginagawa niya kapag siya ang nauunang matapos ang klasi.
“Sa may kubo na lang tayo. May dala akong lunch para sa atin.”
Nagningning ang mga mata niya. “Really?”
Nakangiti itong tumango saka mahinang pinisil ang ilong niya. “Yeah. Ni-request mo, eh.”
Napangiti naman siya. Hindi naman gano’n kagalingan magluto si Alec pero gusto niya pa din ang mga pagkain na niluluto nito para sa kanya. Feeling niya kasi ay may kasamang pagmamahal ang luto nito which is meron naman talaga. Pumunta na sila sa kubo saka sabay na kumain ng niluto nito.
NAGLALAKAD na si Andy papunta sa room ni Alec. Siya ang naunang matapos ang klasi kaya siya itong maghihintay sa binata para sabay na silang umuwi. Naupo siya sa isang bench kung saan malapit lang sa classroom ng binata. Habang naghihintay dito ay kinuha niya muna ang libro niya saka nagbasa.
Kalahating-oras ang lumipas at napatingin siya sa classroom ng binata nangg makarinig ng ingay at tawanan. Isa-isa nang lumalabas ang mga estudyante. Tumayo na siya at nakangiti para salubungin ang binata pero nawala ang ngiti niya nang makitang may kasamang babae ang binata, kausap, at katawanan.
Wala naman siyang problema doon dahil alam niyang mabait, at friendly ang binata, sa lalaki man o sa babae. Pero ang hindi niya nagustohan ay ang paghawak ng babae sa braso ng manliligaw niya. Siya nga ay hindi pa ‘yon nagagawa dahil nahihiya siya tapos itong babaeng ito ay may lakas ng loob na hawakan ang binata.
Huminga siya ng malalim saka hinanda ang ngiti kahit pa sa kaloob-looban niya ay nanginginig na siya sa inis.
“Alec!” tawag niya sa pangalan ng binata para makuha ang atensyon nito na hindi naman niya ikinabigo.
Malaki ang naging ngiti ng binata nang makita siya. Nakita niya kung paano tanggalin nito ang kamay ng babae sa braso nito saka mabilis na lumapit sa kanya.
“Kanina ka pa?” Kinuha nito ang mga librong dala niya na nakasanayan na niya. Kapag magkasama sila ay ayaw nitong may dinadala siya dahilan para kunin ito ng binata.
“Medyo.”
“Pasensya ka na kung naghintay ka ng matagal. Medyo natagalan ang class namin ngayon.”
“Ayos lang.” Ngumiti siya dito para ipakita na ayos lang talaga siya.
“Alec, let’s go?” Hindi niya napigilan ang mapataas ng kilay dahil sa malanding boses ng babae na nakahawak sa braso ni Alec kanina.
“Ha? Saan?” nagtataka naman ang binata.
Nalaglag ang panga nito. “You weren’t listening to me kanina?” maarte nitong tanong.
Napakamot naman sa batok ang binata. “Pasensya na. Ano ba ‘yon?”
“Magvi-videoke tayo kasama ng mga classmate natin.”
“Ahh… I’m sorry, but I’m not going.”
“Why?” Napatingin naman ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Who’s she? Your best friend? Well, she can come along.”
“No—” napatigil ito sa pagsasalita nang ipulupot niya sa braso nito ang kamay niya.
“I’m his girlfriend.” Sabay na nagulat sina Alec at ang babae sa sinabi niya. “May date pa kami kaya hindi siya pwedeng sumama at kahit kailan ay hindi siya pwedeng sumama.”
Natawa ang babae. “Hindi pa nga kayo mag-asawa pero sinasakal mo na siya.” Natigilan siya sa sinabi nito. “Alam mo bang nasasakal ang mga lalaki kapag pinagbabawalan sila? Lalo na kapag kasama ang mga kaibigan niya. Sige ka, kapag nasakal itong si Alec ay baka iwan ka nito.”
Hindi niya namalayan na mahigpit na pala ang hawak niya sa braso ng binata. Ngayon niya lang napagtanto na masyado siyang naging oa lalo na’t wala pa naman talaga silang relasyon hanggang ngayon dahil hindi pa niya ito sinasagot. Nasabi niya lang ‘yon dahil nadala siya ng selos.
Napatingin siya sa binata nang hawakan nito ang kamay niya. Ngumiti ito sa kanya saka bumaling sa babae.
“Hindi niya ako sinasakal at saka nasa lalaki naman ‘yon kung masasakal siya. She own me at may karapatan siyang pagbawalan ako. And besides, mas gusto ko siyang kasama kaysa sa mga kaibigan ko.” Muli itong bumaling sa kanya. “Let’s go, Hon.”
Parang may humaplos sa puso niya nang marinig niya ang tinawag nito sa kanya. Hindi niya namalayan na nakalabas na pala sila ng campus. Wala siya sa sarili dahil sa narinig nitong tinawag sa kanya.
“Sorry about her, Andy.” Napatingin siya dito. “Hindi ko aakalain na magsasalita siya ng gano’n.”
Napabuntong-hininga naman siya. “Ayos lang at saka may point naman siya, eh. Dapat hindi kita pinagbabawalan kasi nakakasakal naman talaga ang gano’n.”
“Hey, hey.” Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi saka pinatingin sa kanya. “Mas matutuwa pa ako kung pagbabawalan mo ako.” Napakunot-noo naman siya dahilan para ikinatawa nito ng mahina. “Kasi kapag pinagbabawalan mo ako ay nakakasiguro ako na may pakialam ka sa akin. Mas nararamdaman ko na mahalaga ako sa ‘yo.” Napapikit siya nang halikan siya nito sa noo. “Kaya pagbawalan mo lang ako hangga’t gusto mo.”
“Bakit ang bait mo sa akin?”
“Kasi mahal kita.” Napanguso na lang siya. Kahit kailan ay hindi pa talaga sila nag-aaway dahil masyadong mabait at maintindihin ang binata sa lahat ng ginagawa niya. Palagi siya nitong iniintindi.
“Yon nga pa lang sinabi mo kanina.”
Kumunot na naman ang noo niya dahil sa magandang ngiti nitong pinapakita sa kanya. Tila nakarinig ito ng magandang balita.
“Alin doon?”
“Yong sinabi mong girlfriend na kita. Totoo ba ‘yon?” Nanlaki ang mga mata niya dahil ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang sinabi niya kanina.
“N-Nabigla lang ako kanina.” Umiwas siya nang tingin dito. “Kasi naman, kung makahawak sa ‘yo ‘yong babae, akala mo linta.”
Natawa na lang ito. “Don’t worry, hindi na ako lalapit sa kanya at sa kahit kaninong babae para hindi ka na magselos.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Sinong nagsabi na nagseselos ako? Hindi naman, ah.”
Mas lalo itong natawa. “Hindi nga. Tara na nga.” Napanguso na lang siya. Maglalakad na sana ito pero hinawakan niya ang laylayan ng damit nito. “Bakit? May problema ba?”
Nakayuko siya. “Hindi mo ba ako tatanungin kung sinasagot na kita?”
Ilang buwan na kasi siyang hindi tinatanong ng binata. Muli itong humarap sa kanya saka bahagyang ginulo ang buhok niya.
“Sinabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Hindi kita kukulitin dahil hindi naman ako nagmamadali. Hihintayin ko na lang kung kailan mo ako sasagutin basta ang mahalaga sa akin ay ganito tayo, magkasama, at alam natin kung ano talaga ang nararamdaman natin para sa isa’t-isa.”
“Paano kung sabihin ko sa ‘yong oo?”
Nagulat ito. “Oo? A-Anong ibig mong sabihin?”
Umiwas siya nang tingin dito. “Oo, means sinasagot na kita.”
Napatingin siya dito nang hindi siya nakakuha ng sagot mula dito. Nakita niyang hindi ito nakagalaw dahil sa gulat. “Totoo ba ‘yan, Andy?”
Tumango naman siya. Unti-unting sumilay sa mukha nito ang isang magandang ngiti at walang ano-ano’y binuhat siya at inikot-ikot. Napapikit naman siya dahil para siyang mahihilo.
“Alec, nahihilo ako.”
Mabilis naman siya nitong binaba. “Sorry, sorry.” Niyakap siya nito ng mahigpit. “Natuwa lang ako sa sinabi.” Tumitig ito sa mga mata niya. “Sinasagot mo na ba talaga ako?”
Natawa naman siya dahil parang paulit-ulit ito. “Oo nga. Ang kulit mo.”
Niyakap na naman siya nito. “Bahala nang makulit ako basta masiguro ko lang na tama ang narinig ko. Gosh! Ang saya ko, Andy. Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal hinihintay na sagutin mo ako. Hindi lang kita tinatanong kasi baka makulitan ka sa akin at baka mamaya ay hindi mo na ako sagutin.”
Natawa naman siya saka niyakap ito. “Kahit kailan ay hindi ako makukulitan sa ‘yo, Alec dahil mahal na mahal kita.”
Naramdaman niyang hinalikan nito ang buhok niya kaya naman napapikit siya. “Mahal na mahal din kita, Andy. Mahal na mahal.”
Hindi niya inaasahan na masasagot niya agad ang binata dahil sa selos na nararamdaman niya nang makita ang babaeng humawak sa binata. Pakiramdam niya kasi ay mas may karapatan siyang magselos kapag may relasyon na sila. Isa pa, magdadalawang taon na din na nanliligaw sa kanya ang binata kaya tama lang na sagutin niya ito lalo pa’t nakikita niyang seryoso ito sa kanya at araw-araw pinapakita sa kanya na mahalaga at mahal na mahal siya nito.
Para sa kanya ay si Alec na ang una at magiging huli niyang boyfriend dahil pareho nilang iniintindi ang isa’t-isa kaya alam niyang magtatagal sila. Ayaw na din niyang pakawalan ang binata dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makakahanap ng kagaya nito.