Chapter 3

1928 Words
Naging maayos ang relasyon nina Andy at Alec. Sa loob ng isang taon na may relasyon sila ay hindi sila nagkaroon ng malaking away dahil kapag may tampuhan sila ay agad siyang sinusuyo ng binata kahit pa siya ang dahilan ng tampuhan. Hindi naman siya isang matampuhin na tao, pero hindi niya alam kung bakit pagdating kay Alec ay madali siyang nagtatampo. Madali din siyang magselos. Nang minsan tanungin niya ang ina ay sinabi nitong gano’n talaga kapag mahal mo ang isang tao. Naiinip ka sa paghihintay sa kanya dahil gusto mo na agad siyang makasama. Minsan naman ay gusto niya lang magpalambing sa binata kaya nagtatampuhan-tampuhan siya. “Sigurado ka ba talaga na hindi na kita sasamahan?” tanong sa kanya ni Alec. Nasa loob sila ng kotse ng binata na naka-parking sa harap ng isang coffee shop. Hinawakan niya ang kamay nito saka ngumiti. “Oo nga. Magkikipagkita lang naman ako kay Savanna. Kilala mo naman siya, ‘di ba?” Tumango naman ito. Magkakilala na ang dalawa dahil nang manligaw sa kanya si Alec ay pinakilala niya ito sa kaibigan. Syempre gusto niyang makilala ng lalaking gusto niya ang matalik niyang kaibigan. Naalala niya tuloy ang araw nang ipakilala niya ang dalawa. UMALIS na si Alec dahil may practice pa ito ng basketball kasama ang mga ka-team mates nito. Mas naging busy ang schedule ng binata dahil pagkatapos ng klasi nila ay magpa-practice pa ito ng basketball hanggang sa umabot na ng gabi. May laban kasi ito sa susunod na dalawang buwan kaya todo practice ito at ang mga ka-team mates nito. “Bruha ka!” Bahagya pa siyang tinulak ni Savanna sa braso nang mawala na sa paningin nila si Alec. Natatawa na lang siyang bumaling sa kaibigan. “Bakit ba? At saka, makabruha ka naman. Akala mo naman mangkukulam ako.” “Eh, sa bruha ka nga.” Naiiling na lang siya saka natawa. Wala lang sa kanya ang pinagsasabi nito dahil isa ito sa ekpresyon nang pagsasalita ng dalaga. “Akala ko ba wala kang gusto kay Alec? Eh, ano ito?” “Bakit? Hindi ba pwedeng magkagusto sa kanya ng ngayon-ngayon lang?” Sinamaan siya nito nang tingin. “Kailan pa siya nanliligaw sa ‘yo? Nakakatampo ka. Hindi mo sinabi sa akin.” Kumain ito ng cake saka napanguso. “Eh, ano bang ginagawa ko ngayon? At saka kakaligaw niya lang sa akin kaya nga sinabi ko sa ‘yo dahil best friend kita. Ayaw ko kayang maglihim sa ‘yo.” “Dapat lang talaga! Dapat lang na hindi ka maglihim sa akin at dahil may manliligaw ka na, ililibre mo ako ng isa pang-cake.” Napailing na lang siya at nilibre ito dahil alam niyang paborito ito ng kaibigan. MINSANAN na lang magkita sina Andy at Savanna dahil pagkatapos nilang mag-graduate ng high school ay naghiwalay sila ng eskwelahan na papasukan. Medyo malayo ang University nila, pero nagte-text pa naman sila sa isa’-isa. Nami-miss na nga niya ang kaibigan niyang ‘yon pero sa tuwing gusto niya makipagkita dito ay palagi naman itong busy kaya wala siyang magawa. Ayaw naman niyang istorbuhin ito lalo pa’t alam niyang nagsisikap ito sa pagtatrabaho habang nag-aaral. “At saka susunduin mo naman ako mamaya, ‘di ba?” Hinawakan niya ang mukha nito. Napangiti siya dahil ang cute-cute ng boyfriend niya. Alam niyang gusto siya nitong samahan pero hindi pwede. “May group project pa kayo.” “Pwede naman siguro ‘yon ipagpabukas.” Napailing na lang siya. Ang kulit din kasi nito minsan. “Huwag ka ngang ganyan, Babe. Ito ang araw na pinag-usapan niyo at saka unfair naman kung ikaw lang ang wala.” “Pwede naman akong bumawi sa kanila.” Umiling siya dahilan para mas mapanguso ito. “Hindi ba talaga pwede?” “No.” Natatawa na lang. “Stop it, Alec.” Niyakap siya nito. “Mami-miss kasi kita, eh.” “Ang oa mo.” Mahina niyang hinampas ang balikat nito. “Oa na kung oa. Eh, sa totong mami-miss agad kita, eh.” Naiiling na lang siya habang natatawa. “Sige na, lalabas na ako.” Kumalas na siya mula sa pagkakayakap nito. “Mag-text na lang tayo.” “Sige na nga.” Napabuntong-hininga ito nang makitang wala na itong magagawa pa. “Basta i-text mo ako mamaya kapag papauwi ka na dahil susunduin kita at ihahatid sa bahay niyo.” “Kailangan pa ba? Baka mamaya busy ka.” Sinamaan siya nito nang tingin. “Nag-usap na tayo, Babe. Ihahatid kita mamaya pag-uwi mo. Even if I’m busy with something else, always remember that I always have time for you. Kahit saang lupalot pa ako ng mundo, kapag kailangan mo ako ay pupuntahan kita.” Kinilig naman siya sa pinagsasabi nito. Isa ito sa mga nagustohan niya kay Alec. Ang matatamis nitong salita. Hindi lang naman kasi ito puro salita dahil ginagawa din naman nito ang mga sinasabi nito. Palagi nitong tinutupad ang mga pangako nito sa kanya. “Okay.” Sinapo nito ang mukha niya. “I love you, Babe.” Napangiti na lang siya. “I love you, too, Babe.” Napapikit siya nang halikan siya nito sa noo. Alec always kiss her forehead not in her lips. She don’t know why. Kahit gusto niyang halikan ito sa labi ay ayaw naman niya na siya ang mauna. Nakakahiya kaya. “Okay. Mag-iingat ka,” sabi niya saka lumabas na ng kotse nito. “You, too, Babe.” Natawa na lang siya nang mag-flying kiss ito. Naglakad na siya papunta sa coffee shop kung saan sila magkikita ng kaibigan niya. Huminto muna siya sa may pinto saka tumingin kung saan si Alec. Nandoon pa ito. Mukhang hindi pa ito aalis hangga’t hindi pa siya nakakapasok. Kumaway na siya dito at gano’n din ang ginawa nito. Pinaandar na nito ang sasakyan saka umalis. Napapailing na lang siya. Napaka-overprotective talaga ng boyfriend niya. Kahit sa paghatid nito sa bahay nila ay gano’n din. Hindi ito aalis hangga’t hindi pa siya nakakapasok sa bahay nila. Ano pa bang ugali ng binata ang hindi niya mamahalin? For her, Alec is everything. Alec is a walking green flag. Nang makapasok na siya sa coffee shop ay agad niyang hinanap si Savanna at agad naman niya itong nakita. Nakangiti niya itong nilapitan pero agad ding nawala nang makita ang itsura nito. “Savanna, what happen?” Umupo siya sa kaharap nitong upuan saka hinawakan ang kamay nito. Ngumiti ito kahit pa nakikita niyang hindi ito maayos. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na tila wala pa itong tulog. Nakikita niya sa mukha nito ang pagod. Nangangayat na din ito. “Oh my gosh! What happen to you?” “Pagod na ako, Andy,” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “What do you mean?” Tiningnan niya ang kabuoan nito. “Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Hindi ka naman ganito nang huli tayong magkita.” Napahilamos ito sa mukha. “Tumigil na ako sa pag-aaral, Andy.” Tuluyan na itong umiyak. Itinabi niya ang upuan niya sa upuan nito saka niyakap ito. “Hindi ko na kaya pangpagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Pagod na ako.” “Bakit ngayon ka pa susuko? College ka na at isang taon na lang ay ga-graduate ka na.” Umiling-iling ito. “Hindi ako makakaipon kung mananatili ako sa puder ng tiyahin ko, Andy. Kaya nga napatigil ako sa pag-aaral dahil ang itinago kong pambayad sa eskwelahan ay kinuha ng tiyuhin ko at saka sinugal. Wala akong magawa kung hindi tumigil dahil hindi na ako tatanggapin sa eskwelahan. Wala akong pambayad.” Nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan. “Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Sana sinabi mo agad sa akin para natulungan kita.” “Iyon na nga, eh. Kapag sinabi ko sa ‘yo ay alam kong tutulungan mo ako. Nahihiya na ako sa ‘yo at sa pamilya mo, Andy. Ang laki na ng naitulong niyo sa akin kahit noong high school pa ako. Nahihiya na ako.” “Hindi mo naman kailangan mahiya, Savanna, dahil alam mo naman na para na din kitang kapatid at alam ko na tinuturing ka na din na anak nina mommy at daddy.” Umiling-iling ito habang umiiyak pa din. “I don’t know, Andy. Kahit pa alam ko na ganyan ang turing niyo sa akin ay hindi ko pa din maiwasan na makaramdam ng hiya. Nakakatawa nga, eh. Kahit hindi niyo ako kadugo ay tinutulungan niyo ako. Samantalanng ‘yong mga kadugo ko, imbes na tulungan ako sa pagtapos ng pag-aaral ay mas hinihila pa ako pababa.” Napabuntong-hininga siya. Kahit pa sabihin niya dito na tutulungan niya ito ay alam niyang tatanggi ito. Kilala niya si Savanna. Kahit nahihirapan na ay tatanggihan pa din nito ang tulong niya dahil mahihiya ito. “Anong plano mo ngayon?” Napatingin siya sa malaking bag na ngayon niya lang napansin na nasa tabi pala ng paa ng dalaga. Napatingin siya sa kaibigan. “Are you leaving?” Tumango ito saka pinunasan ang mukha. “Pupunta muna ako sa probinsya. Doon muna ako sa kapatid ni mama. Magbabakasakali na baka nandoon ang kapalaran ko.” “But why?” Naiiyak na siya sa isiping aalis ang kaibigan niya. “I mean, pwede ka naman sa bahay. Kung nahihiya ka ay pwede ka naman bumawi kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral.” Hinawakan nito ang kamay niya saka ngumiti. “Ang bait mo, Andy, at naiingit ako sa ugali mong ‘yan.” Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. “Kaya ka siguro pinagpala at sinuswerte dahil mabait ka.” “Ano bang pinagsasabi mo diyan? Mabait ka din naman, ah.” “Pero hindi kasing bait mo para bigyan ng mabait na mga magulang. Nang boyfriend na mahal na mahal ka.” Tumawa ito ng mapakla. “Anyway, tanggap ko naman ang buhay ko. Hindi ko lang maiwasan na mapatanong kung bakit ako.” “Savanna…” Hindi niya alam kung ano pa ang pwede niyang sabihin sa kaibigan. Hindi niya ito mabigyan ng mga advice dahil hindi naman niya alam kung ano ang hirap na pinagdadaanan nito kahit pa sabihin niyang makakaya nito ang mga pagsubok sa buhay. Madaling sabihin para sa kanya ang mga bagay na ‘yon pero alam niyang mahirap gawin ‘yon para sa kaibigan. “Hindi na ba tayo magkikita niyan?” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Pinunasan ni Savanna ang luha niya saka ngumiti. “Hindi ko alam kung kailan tayo ulit magkikita, pero ito ang nasisiguro ko sa ‘yo. Hindi ito ang huli nating pagkikita, Andy. Balang araw, magkikita ulit tayo.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Simula nang magkakilala sila ni Savanna ay ito ang unang beses na malalayo sila sa isa’t-isa at hindi niya alam kung kailan sila ulit magkikita. “Basta ite-text mo ako pa din ako, ah.” “Oo naman.” Muli nitong pinunasan ang luha niya. “Huwag ka nang umiyak. Baka mamaya sabihin ng mga tao dito na inaway kita.” “Inaway mo naman talaga ako, eh,” nakanguso niyang sabi saka pinunasan din ang luha ng kaibigan niya. Ngumiti ito. “Mami-miss kita, Andy. Sa lahat ng nakilala ko ay ikaw ang naging matalik kong kaibigan. Hindi mo ako iniwan.” “Pero ikaw itong mang-iiwan sa atin.” Ngumiti lang ito. “Mami-miss din kita, Savanna. Ang baliw kong kaibigan.” Muli niya itong niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD