Chapter 4

1628 Words
“Nakakaawa naman ang batang ‘yon,” komento ng ina ni Andy. Ikweninto kasi niya kung ano ang nangyari kay Savanna sa mga magulang niya nang magkita sila ng kaibigan kanina. Alam niyang nag-aalala din ang mga ito sa dalaga dahil para sa mga magulang niya ay hindi na naiiba ang dalaga. Itinuturing na din ito ng mga magulang niya na isang anak. “Kaya pala hindi na pumupunta ang batang ‘yon dito,” komento naman ng ama niya. “Nahihiya na daw po kasi siya, eh.” Napailing ang ina niya. “Kahit kailan talaga ang batang ‘yon. Sinabi naman natin sa kanya na hindi niya kailangan mahiya sa atin dahil bahagi na din siya ng pamilya natin. Kung alam ko lang na magiging ganito ang sitwasyon niya ay sana mas pinilit ko siya na ampunin siya hanggang sa pumayag siya.” Napailing ang ama niya saka hinaplos ang likod ng ina niya. “Wala na tayong magagawa, Hon. Kahit pa pinilit natin siya kung ayaw naman niya ay wala tayong magagawa. Hindi natin siya pwedeng pilitin para lang masunod ang gusto natin.” Napayuko na lang siya saka huminga ng malalim dahil naiiyak na naman siya. Pagkatapos nang pag-uusap nila ni Savanna kanina ay hinatid niya ito sa terminal ng bus. Gusto pa sana niya na mamasyal sila sandali para kahit papaano ay makasama muna niya ito bago ito tuluyang umalis pero hindi na ito pumayag dahil baka gabihin ito sa daan lalo na’t malayo pa ang byahe nito. Binigyan niya ito ng kaunting pera. Ayaw pa sana nitong tanggapin pero pinilit niya ito. Kahit doon man lang ay matulungan niya ang kaibigan. Magiging malayo na sila sa isa’t-isa at hindi na siya nito basta-basta mapupuntahan kapag kailangan nito ng tulong. Napabuntong-hininga ang ama niya nang makitang malungkot pa din ang ina niya. Sobra kasi itong nalulungkot sa pag-alis ng dalaga. “Ginusto na ‘yon ni Savanna. Sa ngayon ay ipagpanalangin na lang natin na maging maayos ang buhay niya kung saan man siya pupunta.” Sabay silang tumango ng ina. Wala din naman silang magagawa kung hindi ‘yon na lang. BINUKSAN ni Susan—ang ina ni Andy—ang pinto ng bahay nila ng may kumatok. Ngumiti naman si Alec nang makita ang ginang. “Good evening, Tita.” Humalik ito sa pisngi ng ginang. “Nandiyan po ba si Andy?” “Nasa garden.” Napabuntong-hininga ito dahilan para mag-alala siya. “Hanggang ngayon ay nalulungkot pa din siya sa pag-alis ni Savanna.” Nakaramdam naman ng lungkot ang binata dahil alam niyang nasasaktan ngayon ang dalaga sa nangyari. Nang sunduin niya ito kanina ay wala itong imik. Hindi na din siya nagtanong dahil gusto niya ay kusa itong magsabi. “Ayos lang po ba kung kausapin ko siya?” Tumango ito. “Mas mabuti pa nga na kausapin mo siya, Hijo, para kahit papaano ay gumaan naman ang loob niya.” “Sige po, Tita.” Tinapik nito ang balikat niya. “Thank you, Alec. Thank you for always being there for Andy.” “It’s nothing, Tita. Ginagawa ko lang naman ang gusto ko dahil mahal ko po ang anak niyo.” Napangiti ito. “Andy is such a lucky girl to have you.” Nagapasalamat siya dito. Masaya siya dahil tanggap siya ng pamilya ng babaeng mahal niya. Medyo nahirapan man siya na kunin ang tiwala ng mga ito, lalo na ang daddy ni Andy ay hindi siya sumuko. Pinatunayan niya sa mga ito na maganda ang hangarin niya para sa anak nito at mahal niya ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga na ngayon ay nakaupo sa swing. Nakasandal ang ulo nito sa bakal at mukhang malalim ang iniisip. Hinalikan niya ito ng mabilis sa pisngi dahilan para magulat ito. “A-Alec.” Napakurap-kurap ito. “Kanina ka pa?” “Kadadating ko lang.” Inilahad niya ang isang bouquet ng chocolate dito. Medyo napangiti ito nang makita ang chocolates. “Thank you for this.” Napangiti siya dahil alam niya na kahit papaano ay napagaan niya ang pakiramdam nito. Chocolate is Andy’s comforter. Kapag masama ang loob nito o nagtatampo sa kanya ay nawawala agad kapag binibigyan niya ito ng chocolate. “Malungkot ka pa din hanggang ngayon?” Tumabi na siya sa katabi nitong swing. Hinawakan niya ang kamay nito saka pinagsiklop. Napabuntong-hininga ito. “Hindi ko naman ‘yon maiiwasan. Nalulungkot lang din ako dahil magkaibigan kami, pero hindi niya sinabi sa akin ang mga problema niya.” “Siguro ay ayaw niya lang na mag-alala ka.” “Alam ko. Pero ‘di ba kapag magkaibigan ay nagsasabihan ng mga problema? Nagtutulungan?” “Pero may iba hindi gano’n ang iniisip.” Naging malungkot ito kaya napabuntong-hininga siya. “Isipin mo na lang na nagiging matapang si Savanna dahil hinaharap niya ang mga pagsubok sa buhay niya ng mag-isa.” “Pero mas gagaan ang buhay niya kapag may tutulong sa kanya.” “Babe, look at me.” Hinawakan niya ang baba nito saka pinaharap sa kanya. “Alam kong gusto mong tulungan si Savanna, pero nasa sa kanya na kasi ‘yon kung tatanggapin niya. I know that she appreciate your kindness at ayaw niyang abusuhin ‘yon. “Alam ko na iba ang iniisip niyo sa kanya pero may parte pa din sa kanya na nahihiya and we can’t do nothing about that. All we can do right now is to support her decisions in life, na kahit ayaw niyang tanggapin ang tulong natin ay alam niyang nandito pa din tayo kapag kinailangan na talaga niya ng tulong,” dagdag pa niya. “I’m just sad.” “I know and I know that Savanna is also, pero kailangan mong maging matatag dahil gano’n din ang ginagawa niya.” Umalis siya sa swing saka pumantay dito at niyakap ito. “Don’t be sad anymore, Babe. You know I don’t want to see you sad.” Sa lahat ng ayaw niya ay nagiging malungkot ang babaeng mahal niya. Kaya nga ginagawa niya ang lahat para hindi ito maging malungkot. Ginagawa niya ang lahat para maging masaya ito sa piling niya. “I’m sorry, Babe. Alam kong nasasaktan ka din dahil malungkot ako.” “It’s alright. I understand it.” Hinaplos niya ang likod nito. “You can be sad, but please, not too long.” Tumango ito. “Okay. Thank you, Babe.” Niyakap siya nito ng mahigpit. ILANG buwan na ang nakakaraan at naging maayos na si Andy. Unti-unti na nitong tinatanggap ang pag-alis ng kaibigan. Naghihintay ngayon si Andy sa tambayan nila ni Alec. Hinihintay niya ang binata dahil lunch time na at sabay silang kakain. Nasa malayo pa lang ay naririnig na niya ang tawa ng isang malanding higad. Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin dito. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ‘yong babae na kung makadikit sa boyfriend niya ay parang isang linta na uhaw na uhaw sa dugo. Napataas ang isa niyang kilay. Hindi pa din pala ito tumitigil sa panlalandi nito sa boyfriend niya kahit pa alam na nitong may relasyon sila ni Alec? Sabagay ano ba namang aasahan niya sa isang linta? Kahit pa pilit itong tanggalin ay kakapit pa din ito. “Hi, Babe. Kanina ka pa naghintay?” Humalik ito sa pisngi niya nang makalapit na ito sa kanya. “Hindi naman. Ilagay mo na ang mga gamit mo sa loob.” Tumango naman ito saka pumasok sa kubo nang hindi man lang binigyang pansin ang kasama nitong babae. Nang makapasok na ito sa kubo ay tumingin siya sa babae habang nakataas ang isang kilay. Maldita na siya kung maldita, pero kumukulo talaga ang dugo niya sa babaeng ito. Kahit pa alam niya sa sarili niya na mahal siya ni Alec at hindi siya ipagpapalit sa ganitong babae ay wala pa din siyang tiwala sa babaeng ito at kahit kailan ay hindi siya makakampanti. “Oh, the boring girlfriend is here.” Ngumisi naman siya dito. “Okay ng boring basta girlfriend. Eh, ikaw?” Tiningnan niya ito mula sa paa hanggang sa mga mata nito. “Isang linta na dikit pa din nang dikit.” Napatiim ang bagang nito. Halatang nagalit sa sinabi niya pero wala siyang pakialam. “Umalis ka na. Hindi na nga nagpaalam sa ‘yo si Alec, eh. Ibig sabihin wala siyang pakialam sa ‘yo. Kaya choo! Alis!” Natawa siya nang makita ang umuusok nitong ilong dahil sa inis habang papaalis. Napapailing na lang siya. Nagiging maldita talaga siya kapag ito ang kaharap. Pumasok na din siya sa kubo. Nakita niya si Alec na inaayos na ang mga pagkain nila. “Bakit ang tagal mong pumasok?” tanong nito nang makita siya. “May binugaw lang akong langaw.” Kumunot ang noo nito. “Langaw?” Napatingin naman ito sa paligid. “Wala namang langaw dito, ah.” Natawa na lang siya sa pagiging inosente nito. “Nakaalis na kasi ‘yong malaki, at malanding langaw.” Bahagya itong natawa. “May malandi bang langaw?” “Meron kaya kahit kailan ay huwag kang lumapit doon ng hindi ka madumihan.” Napailing na lang ito. “Ewan ko sa ‘yo, Babe. Halika na nga dito. Kumain ka na at baka nagugutom ka na kaya kung anu-ano na ang nakikita mo.” Natatawa na lang siya dahil wala itong kaaalam-alam na ang classmate nito ang tinutukoy niya na malaki, at malanding langaw. Napangiti na lang siya dahil alam niyang wala talagang pakialam ang binata sa ibang babae na nakapaligid dito. Alam niyang marami ang nagkakagusto dito, pero kahit kailan ay hindi nito tiningnan ang mga babae at bukod tanging sa kanya lang ito nakatingin. Tanging siya lang ang nakikita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD