Naglalakad si Andy papunta sa classroom nina Alec. Tapos na ang klasi niya kaya naman pupuntahan niya ito para doon na din maghintay. Habang papalapit siya sa classroom ng binata ay nagtataka siya ng magulo doon na tila walang klasi. Kahit na hindi pa man siya gano’n kalapit ay maingay na doon.
“Excuse me, miss,” tawag niya sa isang babae na sa tingin niya ay isa sa mga classmate ni Alec. “Bakit ang ingay sa loob? Wala ba kayong klasi?”
“Wala. Wala kasi ang Prof namin. May meeting sila.” Napakunot-noo siya dahil wala namang nabanggit sa kanya ang binata na wala itong klasi. Ni text ay wala siyang natanggap mula dito.
Napailing na lang siya. Baka kaya hindi nito sinabi sa kanya ay dahil isu-surprise na naman siya nito. Mahilig pa naman siya nitong i-surprise.
“Nakita mo ba si Alec?”
“Si Silvia?” Tumango naman siya nang banggitin nito ang apelyedo ng binata. “Ahh, nakita ko siya kanina papunta sa likod ng classroom.”
“Sige. Maraming salamat.” Ngumiti naman ito sa kanya saka tumango.
Naglakad na siya papunta sa likod ng classroom kung nasaan si Alec. Bigla siyang napahinto nang makita kung sino ang kasama ng binata. Iyong higad na naman. Nagtago siya para hindi siya makita ng mga ito.
Mabuti na lang ay medyo malapit siya sa mga ito kaya naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ano kayang ginagawa ng dalawa? Bakit magkasama ang mga ito?
Hindi naman siya nagdududa kay Alec. Kilala niya ang binata at alam niyang hindi ito gagawa ng mga bagay na alam nitong ikakasakit ng damdamin niya. Wala lang talaga siyang tiwala sa babaeng ito. Kahit kailan ay hindi talaga marunong mahiya. Alam na nitong may nobya ang binata ay patuloy pa din ito sa pagdikit sa binata.
“Ano bang sasabihin mo, Maris?” narinig niyang tanong ng binata.
“Well, you see, Alec…” Kumunot ang noo niya nang magpa-cute ito sa binata. “I like you. I really like you, Alec. Please be my boyfriend.”
Umusok ang ilong niya nang lumapit ito sa binata saka yakapin ito. Ang kapal naman ng mukha nito para yakapin ang boyfriend niya at ano ang pinagsasabi nitong, please be my boyfriend? Nakalimutan na ba nitong may girlfriend na ito at siya ‘yon?
Susugurin na sana niya ito para sabunutan ang buhok para malayo niya ito sa boyfriend niya pero hindi na niya nagawa nang makita niya kung papaanong itulak ito ng mahina ng binata. May pagka-gentleman pa din talaga ito.
“I’m sorry, Maris, but I can’t. Alam mo naman na may girlfriend na ako and that is Andy.”
Natawa ito habang naiiling. “That Andy? That boring Andy?”
“Don’t say such a word about her like that.” Nararamdaman niya ang inis sa boses nito kaya medyo na-touch siya dahil pinagtatanggol siya nito.
“Ano bang meron sa Andy na ‘yon at mas pinipili mo siya over me? I am much better that her, Alec. I know you can see that. I’m not as boring as her. I bet hindi niya nabibigay ang kailangan mo bilang isang lalaki.”
“Shut up, Maris!” Nakita niya kung paano kumuyom ang kamao ng binata. “Hindi ‘yon ang habol ko sa kanya. I love her for being who she is. Hindi siya boring, okay?”
Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumapit si Maris kay Alec saka niyakap ang batok nito at hinalikan ito sa labi. Mabilis itong itinulak ni Alec saka pinunasan ang labi nito.
“Ano ba?” sigaw nito sa dalaga. “Ganyan ka ba talaga kadesperada? Don’t lower yourself, Maris. Find someone that will love you for being you are. I can’t love you because I already have Andy.”
“B-But—”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya, Maris?” Nagulat ang dalawa nang bigla siyang magsalita.
“B-Babe…”
Lumapit siya dito saka hinawakan sa braso si Alec. “Kahit anong gawin mo ay hindi ka niya mamahalin dahil ako lang ang mahal niya.”
“Don’t be too confident, Andy.” Sinamaan siya nito nang tingin. “Lalaki pa din si Andy, matutukso, at maghahanap din ng mga bagay na hindi mo maibigay sa kanya.” Napakuyom siya ng kamao. Napa-cross arm naman ito saka ngumisi sa kanya. “I bet hindi pa kayo nagki-kiss, right?”
“P-Paano mo nalaman?”
Natawa naman ito saka umiling. “Alec told me.”
Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Stop this, Maris.”
“Hindi mo ba alam na kaya ka niya hindi hinahalikan sa labi ay dahil ayaw niya.”
Napatingin siya sa binata. “That’s not true, Babe. Don’t listen to her.”
“Bakit ayaw mo sabihin ang totoo, Alec? Mahal mo siya pero ayaw mo naman halikan. Anong klasing pagmamahal ba ‘yon?”
Hindi niya maiwasan na kumirot ang dibdib niya dahil sa loob ng isang taon na magkarelasyon sila ni Alec ay ni minsan ay hindi pa siya nito nahalikan sa labi. Sa noo, at pisngi niya lang ito humahalik. Iyon ba ang dahilan? Hindi naman siguro mabaho ang hininga niya dahil araw-araw naman siya nagto-toothbrush.
“Kung ayaw mong maniwala sa sinasabi ko, Andy, bakit hindi mo siya halikan ngayon sa harapan ko?” nakangising sabi ni Maris. Nakikita niya sa mukha nito na confident ito na hindi talaga siya hahalikan ng binata.
“Hey, Babe.” Napatingin siya kay Alec nang hawakan nito ang magkabila niyang balikat saka ipaharap siya dito. “Don’t listen to her. She’s just spouting nonsense.”
“Talaga ba, Alec? Nonsense ang sinasabi ko?”
“I told you to shut up, Maris!” Nakikita niyang nagagalit na ang binata dito.
“Kiss me.” Gulat itong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
“W-What?”
Seryoso niya itong tiningnan sa mga mata. Gusto niyang ipakita sa babaeng ito na hindi totoo ang mga pinagsasabi nito.
“I said, kiss me. Kiss me, Alec.” Nakita niya ang paglunok nito. Ayaw ba talaga nito?
“Come on, Alec. Patunayan mo sa kanya na hindi totoo ang mga sinasabi ko.” Sinamaan ito nang tingin ng binata.
“Babe…”
“Just kiss me, Alec. Is that too hard to do?”
Napabuntong-hininga ito. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanya. Napapikit naman siya at halos marinig na niya ang kabog ng dibdib niya. Hahalikan na siya ni Alec.
This will be their first kiss. Kinakabahan siya na natutuwa. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Medyo nanginginig na din ang katawan niya sa kaba. Kumunot ang noo niya nang bahagya siyang itulak ng binata.
Kumibot-kibot ang labi niya nang umiling ito. “I can’t do it, Babe.”
“Ha! See? I told you, Andy. Hindi ka niya gano’n kamahal para halikan.” Para siyang nabingi sa sinabi ni Maris.
Napayuko na lang siya. “Andy, wait!” sigaw ni Alec sa kanya dahil tumakbo na siya papalayo sa dalawa.
Ilang beses niyang narinig ang pagsigaw nito sa pangalan niya pero hindi siya tumigil sa pagtakbo habang umiiyak. Hindi niya alam kung saan na siya napunta dahil wala siyang ibang iniisip kanina kung hindi ang makalayo sa mga ito. Napatingin siya sa paligid at hindi niya namalayan na nasa gubat na pala siya. May forest ang loob ng campus nila.
Napahawak siya sa isang puno habang nakahawak ang isa niyang kamay sa dibdib niya. Sumisikip ang dibdib niya sa sakit. Iyon ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa tagal ng relasyon nila ay hindi pa din siya nito hinahalikan sa labi ay dahil hindi siya gano’n nito kamahal?
Alam niyang normal lang sa may relasyon ang paghalik sa labi. Minsan naiisip niya ‘yon pero binabaliwala lang niya dahil akala niya… Hindi ba siya nito gano’n kamahal? Napahagulgol na lang siya.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang umiiyak. Kanina pa din nagba-vibrate ang cellphone niya. Kanina pa siya tinatawagan ni Alec pero hindi niya ito kayang sagutin. Hindi niya kaya ang makipag-usap dito.
Napaangat siya nang tingin nang makita na may isang panyo ang nakalahad sa kanya. Nakita niya ang isang binata.
Bahagya itong ngumiti sa kanya. “You might need it.”
“N-No need. I have one.” Kumunot ang noo niya ng wala siyang panyo na makuha sa kanyang bulsa.
Kahit anong kapa niya sa bulsa niya ay wala talaga siyang makuha. Shocks! Nahulog kaya niya o naiwan kung saan ang panyo niya? Bakit wala na ito sa bulsa niya? Napatingin ulit siya sa binata.
“You don’t have one.” Bahagya itong natawa. “Come on. Just take it.”
Napakamot na lang siya ng batok saka kinuha ito. Hindi na siya mahihiya pa dahil malapit na ding tumulo ang sipon niya na kanina pa niya sinisinghot.
“Thank you for the handkerchief.” Una niyang pinunasan ang mukha niya na basa na ng luha, sunod na pinunasan niya ay ang kanyang ilong.
“It’s nothing.” Napatitig siya sa ngiti nito. “Anyway, aalis na ako. Gusto man kitang damayan pero hindi ko na magagawa pa dahil may klasi pa ako.” Napatingin ito sa relong pambisig nito.
“S-Sandali.” Pigil niya dito nang akma na itong aalis. “Iyong panyo mo?”
Ngumiti ulit ito. It was a warm smile. “You can have it. You need it more than I need it.” Hindi siya nakagalaw nang hawakan nito ang ulo niya saka bahagyang guluhin ang buhok niya. “Kung ano man ang rason bakit ka umiiyak ngayon ay malalampasan mo din iyan at magiging maayos din ang lahat. Lagi mong tatandaan na walang problema ang hindi nalulutas.”
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatulala habang nakatingin sa daan na dinaanan ng binata. Napailing na lang siya. Dahil sa sinabi nito ay medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Napatingin siya sa panyo na binigay nito. Kulay asul ito at napakunot-noo siya nang may mapansin. Tiningnan niya ang ilalim ng panyo at may nakalagay doon na M.U.G. Napakunot noo na lang siya. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Pangalan kaya ito ng binata?
Sayang at hindi niya natanong kung ano ang pangalan nito. Ni hindi man lang siya nakapagpasalamat dito. Kung sino man ito ay nagpapasalamat siya dito. Nagpapasalamat siya sa panyo nito at sa munti nitong payo.