Chapter 6

1676 Words
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang huling mag-usap sina Andy at Alec. Ilang beses nang pumupunta si Alec sa bahay nina Andy pero hindi niya ito pinapasok. Hindi pa din kayang harapin ni Andy ang binata. Kahit dalawang araw na ang nakakalipas ay nasasaktan pa din siya sa nangyari. “Andy, anak?” Napatingin siya sa may pinto nang kumatok ang ina niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga nang bumukas ito saka pumasok ang ina niya. “Bakit, Ma? May kailangan po ba kayo?” Maliit itong ngumiti sa kanya. Sa uri pa lang nang tingin nito sa kanya ay mukhang alam na niya kung ano ang pakay nito sa kanya. “Nandiyan si Alec sa baba. Gusto ka niyang makausap.” Hindi siya kumibo. Lumapit ito sa kanya saka umupo sa kama niya. “Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Alec? Sa isang taon niyo na may relasyon ay ngayon lang kayo nag-away at ganito pa.” Hinaplos nito ang buhok niya. Napabuntong-hininga naman siya. Hindi alam ng mga magulang niya ang nangyari dahil wala siyang sinabi sa mga ito. Bukod sa ayaw niyang mag-alala ang mga ito ay ayaw din niyang masira ang tingin nito kay Alec lalo na’t alam niya kung gaano nagpakahirap ang binata para lang makuha ang tiwala ng mga magulang niya. Nahihiya din kasi siya na magsabi sa problema nila dahil baka isipin ng mga magulang niya na nae-excite siya na mahalikan ang binata. Napayuko siya nang maramdaman na nag-iinit ang mukha niya. Nakakahiya. Kababaing tao niya ay siya pa itong gustong mahalikan kaagad. Tinapik ng ina niya ang kanyang balikat. “Kung ayaw mong sabihin sa amin ng daddy mo ang problema niyo ay naiintindihan namin dahil relasyon niyo ‘yan. Wala kaming karapatan na pakialam kayo. Ang maibibigay lang namin ay payo para sa inyo.” Hinawakan nito ang kanyang mukha. “Anak, ito ang lagi mong tatandaan. Sa isang relasyon ay kailangan ng communication kasi hindi magiging maayos ang problema kung hindi kayo mag-uusap. Lalaki at lalaki lang ang problema na dapat ay pwede pa maayos kapag hindi kayo nag-usap.” Inipit nito sa tenga niya ang kanyang buhok. “Kaya kausapin mo na si Alec para maayos na kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan.” Bigla siyang napaisip sa sinabi nito. May punto ang ina niya. Walang mangyayari sa kanila ni Alec kung iiwasan na lang niya ito at hindi kakausapin. Kaya kahit hindi pa siya handa na kausapin ang binata ay susundin niya ang payo ng ina niya. Aaminin niya sa dalawang araw na hindi nila pag-uusap ng binata ay nami-miss niya ito. Bahagya siyang ngumiti dito. “Sige, Ma. Thank you sa advice.” Niyakap niya ito. “Wala ‘yon, Anak. Basta kapag kailangan mo ng advice o tulong ay nandito lang kami ng daddy mo.” Tumango naman siya. Lumabas na siya ng bahay dahil doon naghihintay sa kanya ang binata. Pinapapasok ito ng ina niya kanina pero hindi na ito pumasok. Nang makita niya ito ay nakatayo ito sa kotse nito habang nakayuko. Binuksan niya ang gate. Nang marinig ng binata ang tunog nito ay tumayo ito ng matuwid. “Babe…” Gusto niya tuloy yakapin ng mahigpit ang binata dahil sa boses nito pero pinigilan niya lang ang sarili. Simula nang makilala niya ang binata ay hindi na siya sanay na hindi ito nakikita, nakakausap, o nakakasama. Kahit kasi busy ito sa ibang bagay ay naglalaan pa din ito ng oras para sa kanya. Nakikita niya sa mga mata ng binata ang lungkot. Nakikita niya din sa mukha nito ang pagod at hindi ito masyadong nakakatulog. “Hindi ka ba natutulog, Alec?” Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito dahil sa tinawag niya ito sa pangalan nito imbes na sa tawagan nila. Nagtatampo pa din siya dito kaya ayaw niyang tawagin itong babe. Napasuklay ito sa sariling buhok. “Hindi kasi ako makatulog kapag naiisip kong galit ka sa akin.” Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi niya makita ang sinasabi ni Maris sa kanya na hindi siya gano’n kamahal ng binata. Nakikita, at nararamdaman naman kasi niya na mahal na mahal siya nito pero hindi niya din kasi maiwasan, at masaktan sa isiping ayaw siya nitong halikan. “Ano bang sasabihin mo sa akin?” “Pwede ka bang sumama sa akin?” Kumunot ang noo niya. “Ngayon na?” Tumango naman ito. “Pero gabi na at sina mommy—” “Pinagpaalam na kita sa kanila at pumayag naman sila.” Napalingon siya sa likod at nakita niya ang mga magulang niya sa hamba ng pinto na nakatayo. Ngumiti saka tumango ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang malaki na talaga ang tiwala ng mga magulang niya sa binata dahil pumayag na itong sumama siya sa binata nang ganitong oras. “Fine.” Ngumiti ito sa kanya saka nagpasalamat. Pinagbuksan na siya nito ng pinto saka inalalayan sa pagsakay sa kotse nito. Nang makasakay na din sa binata sa drivers seat ay pinaandar na nito ang sasakyan. Habang nasa kalagitnaan sila ng pagbyahe ay hindi niya maiwasan na mapatanong. “Saan mo ba ako dadalhin ng ganitong oras?” Sandali itong bumaling sa kanya para ngumiti saka muling tumingin sa daan. “It’s a secret.” Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Napatingin na lang siya sa bintana para hindi nito makita ang pagngiti niya. Kinikilig kasi siya sa sinasabi nito. Kahit na alam niyang may galit, at pagtatampo siya sa binata ay hindi niya pa din maiwasan ang kiligin lalo na kapag ngumingiti ito. Kumunot ang noo niya nang makitang huminto sila sa isang restaurant. “Seryoso ka ba dito, Alec?” Napatingin siya sa binata. “Oo, bakit?” “Sana man lang sinabi mo na dadalhin mo ako sa restaurant para naman nagbihis ako ng desente.” Naka-short lang kasi siya na hanggang tuhod saka naka-tshirt. Pambahay talaga ang attire niya ngayon. Napatingin siya sa loob ng restaurant at nakikita niya kung gaano kaelegante ang suot ng mga tao na nasa loob. Baka mamaya pagpasok niya ay siya ay pag-uusapan ng mga ito dahil sa suot niya. Hinawakan ng binata ang kamay niya dahilan para mapatingin siya dito. “You look more beautiful with a simple attire, Babe.” Nanlaki ang mga mata niya nang halikan nito ang kamay niya saka kindatan siya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa gulat at sa sobrang pagkabog ng dibdib niya. Hindi nga niya alam na nakababa na pala ang binata. Pinagbuksan siya nito ng pinto saka nilahad nito ang kamay sa kanya na kanya namang tinanggap. Pumasok na sila sa restaurant pero imbis na sa loob sila umupo ay dumiretso lang sila hanggang sa may hagdan na sila. Nakakunot ang noo niya habang papaakyat na sila. Hindi nagtaggal ay narating na nila ang pinto palabas sa rooftop. Binuksan na ito ng binata. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bumungad sa kanya na mga balloon. Isang mesa na nasa gitna, good for two people. Naglakad na siya papunta dito. Napatingin naman siya sa gilid nang makarinig ng tutog ng violin. Napatingin siya kay Alec na may hawak ng isang bouquet ng red roses. Sa gitna nito ay may isang maliit na teddy bear na may hawak na heart at may nakalagay na ‘Happy monthsary, Babe. I love you.’ Napahawak siya sa kanyang bibig. “Happy monthsary, Babe.” Kinuha niya ito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. “Thank you dahil pumayag ka na makausap ako dahil kung hindi ay masasayang itong effort ko.” “Dahil ba dito kaya pumayag sina mom?” Tumango naman ito. Kaya naman pala. “Thank you, Babe.” Hindi na niya mapigilan na yakapin ito. “Hindi ko aakalain na may paganito ka sa kabila ng nangyari sa atin.” Niyakap din siya nito nang mahigpit. “Kahit magkaaway pa tayo ay gagawin ko pa din ito. Hindi ko makakalimutan ang araw kung kailan mo ako sinagot.” Bumitaw na ito mula sa pagkakayakap. Sinapo nito ang mukha niya saka hinalikan siya sa noo. “I’m sorry for what happen. Hindi porque hindi kita hinahalikan sa labi ay hindi na kita mahal. “The truth is, I want to kiss you on our wedding day.” Nakita niya ang pamumula ng mukha nito. “Kaya kahit gusto kitang halikan sa labi ay pinipigilan ko ang sarili ko dahil gusto kong kunin ang unang halik mo sa araw ng kasal natin,” dagdag pa nito. Napakagat-labi siya dahil kinikilig siya. Ngayon ay alam na niya ang dahilan nito. Mas lalo tuloy siyang kinikilig nang malaman niya ang rason nito. Bahagya siyang natawa. “Parang siguradong-sigurado ka na tayo talaga ang ikakasal, ah.” “Oo naman!” confident nitong sabi dahilan para mas kiligin siya. Napanguso naman ito. “Bakit? Ayaw mo bang maikasal sa akin.” Niyakap niya ang batok nito. “Hindi naman kasi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Malay mo pagkalipas ng ilang araw, buwan, o taon ay maghihiwalay din tayo.” “That won’t happen, Babe.” Napatingin siya sa seryoso nitong mukha. “Hindi ako papayag na magkahiwalay tayo kasi mahal na mahal kita at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Pinapangako ko sa ‘yo na ikaw lang ang mamahalin ko at kahit kailan ay hindi tayo magkakahiwalay.” Niyakap niya ito. “Thank you for loving me, Babe.” “No.” Umiling-iling ito. “I should be the one thanking you. Dahil simula nang dumating ka sa buhay ko ay naging masaya na ako. You are the source of my happiness, Andy, so you should never leave me.” “I won’t. Kahit ipagtabuyan mo pa ako ay hindi kita iiwan.” Naramdaman niyang hinalikan nito ang leeg niya. “Hindi mangyayari ang araw na ipagtatabuyan kita. Kapag dumating ang araw na pinagtabuyan kita ay lagi mong tatandaan na ako ang mas masasaktan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD