“Congratulations, Anak,” sabi ng ina ni Andy nang makalapit ito sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi saka niyakap nang mahigpit. “Thank you, Mom.” Niyakap din niya ang ama nang mag-congrats ito sa kanya. “Thank you po sa inyong dalawa. Hindi ko po ito mararating kung hindi dahil sa inyo, kung hindi dahil sa suporta na binibigay niyo sa akin.” Sinapo ng ina niya ang kanyang pisngi. “Hindi lang naman kami ang nagpakahirap, Andy. Ikaw din. At saka ikaw pa din ang dahilan kaya ka nakarating dito.” “Kahit na po. Thank you pa din po sa inyong dalawa.”Muli niyang niyakap ang mga magulang. “I’m so lucky to have a parents like you both.” “And we are also lucky to have a daughter like you, Anak,” sabi naman ng ama niya dahilan para makaramdam siya na tila parang may humaplos sa puso niya. Na

