“Paki-finalize na lang daw ito sabi ni Miss Kathy, Andy.” Napaangat nang tingin si Andy sa binatang nagsalita. Nakita niya ang nakangiting si George habang nakalahad ang files na hawak nito. Kinuha niya ito. “Sige. Ibibigay ko na lang sa kanya mamaya pagkatapos kong gawin ‘to." Tumango naman ito. Napakunot-noo siya nang hindi pa din ito umalis. “Bakit? May kailangan ka pa?” Umiling ito. “Wala naman. Itatanong ko lang kung okay lang kayo ng boyfriend mo.” Mas lalong kumunot ang noo niya. “Okay naman kami. Bakit mo naman naitanong? Mukha ba kaming hindi okay?” “Hindi naman. Well, kahit kasi hindi niya masabi ay alam kong nagseselos siya sa akin.” Napabuntong-hininga siya. “Iyon nga din ang ipinagtataka ko, eh. Wala naman tayong ginagawang masama kaya bakit siya magseselos?” “Gano’n ta

