“Take care, babe.” mahigpit na niyakap ni Taru si Mandie bago niya ito inalalayan na pumasok sa loob ng kotse. Kumaway ang dalaga sa kaniya bago niya isara ang pinto ng sasakyan. Kahit nang makalabas na ng garahe ng mansiyon ang kotse ay hinahatid pa rin niya ng tingin iyon. Mamayang gabi na ang flight nila patungong Italy. Mahigit dalawang linggo rin sila doon dahil gusto niyang mabigyan ito ng maraming oras para makasama ang ama. Nangingiting kinapa niya ang kahita na nasa loob ng slacks niya. Nakahanda na ang lahat para sa wedding proposal niya. Hindi na siya makapaghintay na ibigay ang pangalan niya sa babaeng mahal niya. Sa Italy niya napiling alukin ng kasal si Mandie dahil alam niya na maraming magagandang lugar doon. Idagdag pa na iyon din ang unang beses na magbabakasyon sila

