“Kimmy,” Napakunot noo si Mandie nang makita ang sekretarya ni Taru. Ilang oras na siya sa airport at hinihintay ang pagdating ng binata. Hinintay niya ito kanina sa mansiyon pero hindi naman ito dumating. Tinawagan rin niya ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Kahit ngayon na nasa airport siya ay patuloy pa rin niyang hinintay si Taru. “Nasaan si Taru?” nag aalalang tanong ni Mandie sa sekretarya na kararating lang. “May nangyari ba sa kaniya? kahapon ko pa siya sinusubukang tawagan,” Malungkot na umiling lang si Kimmy. “Ipinapasabi po ng boss ko na hindi siya makakasama sa’yo sa Italy. Ang tauhan daw po ng daddy mo ang susundo sa'yo sa airport pagkarating mo doon.” “A-ano?” tuluyan nang nagsikip ang dibdib ni Mandie. “Hindi ko maintindihan…galit ba siya sa akin? may

