Ilang araw nang nasa bahay nila Cedrick si Janna at si Mother Superior pero ang nakakatuwa lamang ay kahit na hindi pumapayag ang Mommy ni Cedrick sa binabalak ng anak nito na magpakasal sila ay hindi naman sila pinapakitaan nito ng masama bagkus maayos pa ito kung makiharap sa kanila, inaasikaso pa rin siya nito. Habang si Cedrick naman ay abala sa company ng mga ito dahil kasagsagan kasi ng mga orders na nagmula sa ibang bansa kaya naman sa gabi na lamang niya ito nakakasama pero gaya nga ng nais niya, kay Mother Superyor siya tumatabi. Ilang beses na rin siyang inatake pero kapag inaatake siya ay nagkukulong lamang siya sa CR. Hindi iyon alam ni Mother Superior, dahil ang akala nito ay naliligo lang siya o nagbabawas pero ang totoo inaatake na siya. Laking pasasalamat na lamang niya da

