"Mommy mag-usap tayo, please makinig ka naman po muna." pakiusap ni Cedrick sa ina. Ito talaga ang kinakatakot niya kapag malaman nito ang lahat, tapos gnito nga ang magiging reaction nito. Ito ang kauna-unahang tututol sa kanila ni Janna. Naiintindihan naman niya na nag-aalala lamang ito sa kanya at para rin sa ikabubuti niya ang iniisip nito pero dapat niyang maipaintindi dito na handa niyang harapin ang lahat para lang makasama si Janna. Gagawin niya ang lahat makasal lamang silang dalawa. Pero syempre hindi naman niya mapapahintulutan na ikasal siya ng walang basbas ng kanyang ina. Dati nasabi na niya iyon dito pero syempre hindi siya papayag na maikasal sila ni Janna ng wala ito sa kasal nila at masama ang loob sa kanilang dalawa. "Tumigil ka sa kalokohan mo na iyan Cedrick! Binab

