Isang linggong nanatili Si Janna sa ospital. Nang makalabas naman sila ay hindi na pumayag ang Mommy ni Cedrick na bumalik pa sila sa condo. Kaya bumalik silang muli sa bahay ng mga ito. Si Mother Superior naman ay nanatili lamang din sa bahay ng mga ito dahil nakiusap ito sa Mommy ni Cedrick na kung maaaring manatili muna doon dahil gusto nitong magabayan siya. Si Janna Mae naman daw ay bumalik ng muli sa bahay ampunan. Mukhang hindi nakayanan ng mga umampon dito ang kamalditahan nito. Isa pa gumawa daw ito ng kalokohan, matapos nitong lumabas sa ospital. Naglabas daw ito ng napakalaking halaga, at nang kinompronta ng mag-asawa. Ipinamukha pa daw nito na kulang pang kabayaran iyon sa kasalanan ng mga ito sa mga namayapang magulang ni Janna Mae. Doon na daw nagalit ang Daddy nito na si M

