Parang bombang sumabog sa pandinig ni Cedrick ang rebelasyon sa kanya ni Janna tungkol sa sakit nito at pangalawa ang pagsisiwalat nito na nakipag s*x ito sa sakristan ng simbahan. Kung hindi siya nagkakamali ito ay iyong lalakeng kasama nito noon sa farm noong nag-aani sila ng bunga ng mangga. Hindi agad siya nakapagsalita nanlamig ang kanyang buong katawan at parang hindi niya kayang tanggapin na may ibang lalaki umangkin sa kanyang mahal. Pakiramdam niya'y namanhid ang kanyang buong katawan at ni hindi niya magawang kumilos. Nymphomaniac, hindi man niya alam ang lahat ng tungkol sa sakit na iyon pero isa lamang ang batid niya. Ang babaeng may sakit na gano'n ay hindi nakukuntento sa isa. Maghahanap at maghahanap ito ng iba't-ibang lalake para ma-satisfy lamang ang pangangailangan nito

