Agad siya nitong niyakap ng mahigpit iyong yakap na tila ayaw na siyang pakawalan pa. Damang dama niya ang init ng yakap nito maging ang mabilis na pagkabog ng dibdib nito. Siya naman ay walang masabi kundi paulit-ulit na binibigkas lamang ang pangalan nito habang lumuluha. "Janna?! Ano iyon?! Anong nangyari, b-bakit parang wala ka yata sa iyong sarili? M-Magpapakamatay ka ba?! Diyos ko sabi ko na nga ba, kaya pala para akong sinisilihan na bumalik dito iyon pala may mangyayari talagang masama sayo! Diyos ko buti na lamang talaga at hindi pa ako nahuli."garalgal ang boses na wika nito habang yakap-yakap siya ng mahigpit. Ngunit hindi siya nagsalita ng kahit na ano, patuloy lamang na namamalisbis ang luha niya sa kanyang pisngi. Wala siyang maisip na sabihin ngunit yinakap na lamang niya

