Trina
“I knew it, Trina!” nang gigil na saad ni Nikki habang nakatingin sa akin nang may halo pang inis.
She’s my best friend, and of course, siya ang unang-unang nakaalam ng tungkol sa hiwalayan namin. Isang break-up na hindi ko man lang alam na nangyayari na pala. Noon pa man ay tutol na tutol na si Nikki kay Shawn pero naging sarado ang tenga ko at hindi ako nakinig sa mga babala niya.
Palagi ko pa ngang pinagtatanggol si Shawn sa kanya noon pero saan ba ako dinala ng mga pagpapakumbaba at kabutihang ginawa ko para sa kanya? I ended up right here. Sa isang maingay na bar kasama ang best friend ko. Kahit kailan ay hindi ko naisip na darating kami sa puntong ganito ang bagsak ko.
I never truly expected that Shawn would betray me like that. Ang dali-dali lang para sa kanya. Kaya niyang itapon ang apat na taong pinagsamahan namin para lang sa panandaliang kasikatan at atensyon ng iba.
“F*ck him!” sigaw ni Nikki sa gitna ng maingay at walang nakapansin dahil sa sobrang dami ng tao at sa lakas ng tugtog sa loob ng The Ridgefield, ang bar kung nasaan kami ngayon.
Ayokong magmukmok lang sa kwarto at lamunin ng lungkot kaya sumama na lang ako sa lakad nila ni Tawfeeq, ang boyfriend niya na tahimik lang naman na nakaupo sa tabi niya. Hindi umiinom si Tawfeeq dahil siya ang maghahatid sa amin pauwi mamaya. Mas mukha tuloy siyang third wheel sa aming dalawa pero mukhang wala namang pakialam at ayos lang naman sa kanya.
“Hayaan mo na ang gagong ‘yon, Trina. Engineer ka na. Magtatrabaho ka na next week sa SkyWing. Ang laki na ng narating mo sa buhay. Let’s focus on your career first.”
I smiled weakly at her saka tinungga ang natitirang shot glass na may laman na tequila. Napangiwi ako sa hapdi at pait na agad din namang nawala sa lalamunan ko. I am so thankful that my best friend is right here to anchor me. Tama rin naman siya. Graduate na ko at pagkalipas ng ilang taon kapag laos na ang career ni Shawn, ako may marangal at sigurado pa ring trabaho habang siya ay wala na. Loser.
“You know what, Trina? Maganda ka, matalino at independent. Bakit hindi mo na lang kaya palitan agad si Shawn?” biglang biro ni Nikki.
Natatawang napailing na lang ako sa kaibigan ko. Para kasing nagpapalit lang ako ng damit o panty kung makapag-suggest siya ng bago.
Nang buksan ko ang purse ko para kunin ang wallet ko napansin ko na wala roon ang phone ko. Mukhang naiwan ko yata sa loob ng kotse ni Tawfeeq. Tumayo ako mula sa mataas na stool na kinauupuan ko dahilan para mapataas ang dalawang kilay ni Nikki.
“Wow, hahanap ka na talaga agad ng bago kaya ka tatayo dyan?” nagtatakang tanong niya.
“No, kukunin ko lang ang phone ko sa kotse. Naiwan ko yata sa dashboard. Pahiram ng susi.” Inabot naman kaagad sa akin ni Tawfeeq ang susi ng kotse niya nang walang tanong-tanong.
Magsasalita pa sana si Nikki at alam ko na sasabihin niyang sasamahan niya ako pero tinalikuran ko na agad siya para hindi na sila maabala. Para naman magkaroon sila ng kahit konting oras para sa isa’t isa. Alam kong date nila ‘to at sumingit lang naman ako dahil sa biglaang breakup namin ni Shawn.
I am so unlucky pagdating sa maraming bagay sa buhay. Maswerte lang talaga ako dahil may kaibigan akong tulad ni Nikki at dahil sa trabahong naghihintay sa akin sa SkyWing. Pero hindi lang naman basta swerte ‘yon dahil talagang pinaghirapan ko nang husto na makuha ang posisyon na ‘yon. I graduated as summa c*m laude, and I poured all my late-night engineering projects into my portfolio when I applied.
Bilang babae, alam ko sa sarili ko na hindi madaling makahanap ng trabaho sa engineering field kung saan makakakuha ka ng sweldo na patas at kapantay ng mga lalaki. But SkyWing doesn’t care about your gender. As long as nagagawa mo nang tama ang trabaho mo, susuweldo ka nang naaayon sa trabaho mo.
“Mason, we are not done talking!”
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng isang babae na galit na galit at basag na ang boses sa inis. Sinundan ko ng tingin kung nasaan ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakatalikod sa gawi ko habang mahigpit siyang hawak ng dalawang lalaki na halatang mga bouncer. Nasa gitna sila ng malawak na parking lot habang ako naman ay naglalakad sa may sidewalk. May hilera ng mga mamahaling kotse ang namamagitan sa amin.
Dahil nasa likod kami ng bar, wala masyadong tao rito, madilim ang paligid at tanging ang mga nakaitim na bouncer lang ang nag-aabang.
“There’s nothing between us. I don’t even know your name,” madiin at malamig na sagot ng pamilyar na boses ng lalaki.
Napaawang ang labi ko nang mapatingin ako sa lalaking nasa harapan nila. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ‘yon! Si Mason!
Lagi na lang ba talaga kaming magkikita sa mga parking lot? Wala na bang iba?!
“I know you know me, Mason! Huwag mo akong lokohin!” sigaw pa noong babae.
Ayokong makisali sa madilim at magulong drama nila kaya iniwas ko ang tingin ko at nagkunwaring walang nakita. Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa kotse ni Tawfeeq. Late na kaming nakarating dito kanina kaya sa pinakadulo pa ng likod na ‘to siya nakakuha ng bakanteng parking spot.
“Everyone knows in this club that we are dating, Mason!”
“Oh, I am only dating one woman. Trina.”
Nalaglag ang panga ko at literal na napatigil sa paghakbang dahil sa pagbanggit ni Mason sa pangalan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila at nakita ko na ang mga madidilim na mata ni Mason ay diretsong nakatutok sa akin.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang huminto ang pagtibok ng puso ko sa sobrang gulat at kaba. Mason? Did he just say my name in front of this woman? And why on earth would he claim out of nowhere that we’re dating?!
The girl, who looked absolutely furious, slowly turned her head to look in my direction. Her eyes narrowed angrily, scanning me from head to toe, as if she were trying to measure my worth and finding me completely lacking. "Her?" she spat, her voice dripping with disbelief and deep disdain. "You're trading me for… this?"
My heart was pounding against my ribs like a desperate jackhammer. Nandito lang naman ako para kunin ang naiwan kong phone, not to get dragged into some messy, high-stakes romantic confrontation!
But then, it hit me. I vividly remembered that night in the parking lot. When Shawn broke my heart into pieces, when I was at my lowest, sobbing until my chest felt like it was going to cave in, Mason was there. Hindi niya ako pinagtawanan, hinusgahan o inasar. He didn't make it weird. He just gave me space, and honestly, that simple act of human decency meant more to me than he’d ever know.
Humugot ako ng malalim na hininga, pilit nilalabanan ang kagustuhang tumakbo palayo. Nanginginig ang mga kamay ko kaya kinuyom ko ito para itago, pilit na pinatatag ang sarili ko. If he wanted to play this dangerous game, I guess I had to play along. Sabi ko nga sa sarili ko, ayokong mapasok sa mga drama pero heto na naman ako ngayon.
Naglakad ako palapit sa kanila, pilit na pinapanatili ang kalmado kong mukha kahit parang jelly na ang mga tuhod ko sa kaba. I walked right up to Mason, slipping my arm through his bago pa ako tuluyang matumba. Ang tigas at maskulado ng braso niya na kabaligtaran naman ng nanginginig kong katawan.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sa isang iglap, nakita ko ang pagdapo ng gulat sa mga mata niya bago ito agad napalitan ng pamilyar na kalmado at seryosong ekspresyon.
"Yes, me," saad ko, surprisingly steady kahit magulo ang isip ko. Binalingan ko ang babae, binigyan siya ng matalim na tingin. "Is there a problem with that? Kasi kung may issue ka, puwede mo namang i-address sa amin nang maayos, hindi ‘yung nagwawwala ka rito sa parking lot at nanggugulo sa boyfriend ko.”
The girl scoffed, her face turning a deep, ugly shade of red in the dim light. "You're lying! I know for a fact he isn't seeing anyone!"
Mason tightened his grip on me, his touch firm, warm, and grounding. He leaned down slightly, his voice a low, smooth rumble right near my ear, "Sorry, babe. Mukhang hindi yata siya naniniwala na girlfriend kita."
I wanted to laugh nervously pero pinilit ko na lang na ngumisi sa harap niya. "Well, let me clarify it for you then. Mason and I have been seeing each other for a while now. Private lang kami kasi you know, we don't really care about club gossip hindi tulad mo na parang ‘yon lang ang ikinabubuhay mo. And honestly? You're just making yourself look so pathetic right now."
I felt Mason’s arm tense around me, and I knew na nagulat din siya sa tapang ng mga sinabi ko. But deep down, there was a tiny, rebellious part of me that felt… empowered.
After everything Shawn put me through, standing here tall with someone like Mason felt like a weird, twisted kind of justice. I wasn't just some helpless girl crying alone in a parking lot anymore. I am a career-focused woman, and I am definitely not going to let this stranger disrespect me in front of him.
Hindi lang ‘yon dahil kahit papaano, naiisip ko na rin na sinusuklian ko lang ang ginawa ni Mason na kabutihan sa akin.
The girl glared at me with pure venom in her eyes. Tumingin ulit siya kay Mason, nanginginig ang boses sa galit. "You'll regret this, Mason. Everyone will find out what you really are."
"I doubt it," Mason said coolly, his hand still firmly resting on my waist. "Now, if you're done making a fool of yourself, we have better places to be. Or do you want to keep making a scene? Because I'm sure the bouncers would love to escort you straight to the police station if you don't leave on your own right now."
The girl sneered at us one last time, turned sharply on her heels, and stormed off into the dark pavement of the parking lot. Once she was completely out of sight, napabuntong-hininga ako nang malalim. Akmang aalisin ko na ang braso ko kay Mason pero hinawakan niya pa rin ako nang mas matagal kaysa sa inaasahan ko.
"Trina," simula niya, nawala ang mayabang na tono na ginamit niya kanina. Nakatitig siya sa akin at wala akong mabasa sa mukha niya. "You didn't have to do that for me."
Tiningnan ko siya nang diretso habang ang puso ko ay mabilis pa ring tumitibok dahil sa ginawa ko. "I know. But you helped me before, remember? Back at the parking lot when my ex dumped me. I was a total mess, and you didn't judge me even once. Consider this even, I guess."
He stared at me for a long moment, a slow, faint smile tugging at the corners of his mouth. "You're a dangerously brave one, aren't you?”
Tumingin ako sa mga bouncer na isa-isa na ring umalis para iwanan kaming dalawa sa gitna ng madilim na gilid ng bar. Pero sa kabila ng sitwasyon, walang takot na namuo sa sistema ko kahit alam kong mas malaki at mas delikado siya kaysa sa akin.
“You think I’m brave?” natatawang tanong ko habang nakataas ang kilay.
Walang sinuman sa buhay ko ang nagsabi na matapang ako. Dahil lumaki akong laging inaasahan ng lahat na maging matatag na para bang obligasyon ko nang maging matapang sa bawat pagsubok.
“You saw me crying because of my ex–”
“Oh, you mean that ash*le ex of yours,” singit niya na ikinangiti ko nang bahagya.
Masyadong mabilis at matamis ang dila niya. Dalawang beses pa lang kaming nagkikita pero pansin na pansin ko na agad ang epekto niya sakin.
“What do you really want from me, Mason?” diretsong tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi niya. “You don’t want to know what I want from you, Trina.”
“Why don’t you try me? Sabi mo matapang ako, di ba? Let’s see—"
Mabilis siyang humakbang palapit sa akin kaya napatikom ang bibig ko sa biglang distansya. Napatingala ako sa kanya nang pinalibot niya ang isang braso sa bewang ko, ikinulong ako sa pagitan ng katawan niya at ng malaki niyang braso.
“If you really need to move on from your trash ex-boyfriend... use me to distract yourself."