SABRINA POV
Pagdating ko sa bahay dahil kakagaling ko lang kay kuya sandro sa hospital nagmamadali akong pumanhik sa kwarto ko at naligo muna ako kahit subrang pagod at antok ko na, sasaglit tulog lang ako nito dahil maaga ako babalik sa hospital kina umagahan.
Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako ng ternung pajama na pang tulog at tinuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga at di ko na namalayan na nakatulog na ako.
Pag daan ko sa park natanaw ko may naka upong lalaki sa mahabang bench, biglang kumabog ang dibdib ko dahil parang kilala ko yong lalaking naka upo 'parang si jake' sabi ko sa sarili ko at tumakbo ako para lumapit dito pero naka ilang hakbang pa ako bigla akong matalisod sa maliit na bato, kaya huminto muna ako sa paghakbang at pagtingin ko sa deriksyon ng bench wala ng taong naka upo doon, kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero walang ka tao tao, kaya nalungkot ako dahil sa katahimikan ng paligid "na malik mata lang pala ako" sabi ko sa sarili ko at don ako may na rinig na tunog na alarm na nanggagaling sa phone ko, dahan-dahan kung menulat mga mata ko at pamilyar sakin yon kulay puting kesami at ginalaw ko ulo ko pakaliwa at nakita ko yong kurtina na kulay puti, na komperma ko nga na kwarto ko ito at kinapa ko ng kanan kung kamay ang phone ko sa may ulunan at habang ito ay tumutunog, inabot ko ito at binasa 'Going to hospital.. kuya' napa balikwas ako ng bangon pagkabasa ko at tumingin sa bintana ng kwarto, naisip ko na panaginip lang pala yong, akala ko totoo na, na makikita ko s'ya ulit.
Kaya nalungkot ako bigla kaya humiga ako ulit sa kama ko at nagpa gulong gulong ng dalawang beses saka ako tumihaya at tumingin sa kisame
"Kailan ba kita makikita ulit?" na usal kung tanong habang nakatingin sa kisame
"Sana bigyan ako ng pagkakataon na magkita tayo ulit! miss na kita jake!" malungkot na dugtong ko, At mga ilang sandali pa tumunog ulit ang alarm ng phone ko, bumangon na ako ng tuluyan sabay kuha sa phone ko at tuluyan ko ng pinindot ang stop ng alarm 'Hay naku alarm clock ikaw ang number one na reminder ko at disturbo sa mga panaginip ko' singhal ko sa phone ko at nilapag ito sa kama.
Dali-dali akong tumakbo patungo sa closet at kinuha ang towel at pumasok sa pinto ng banyo naligo at nag-ayos ng sarili ko para maka punta agad ako kay kuya sa hospital.
Sa hospital
Habang nag aayos ako ng mga pinamili kung prutas biglang gumalaw at nagising si kuya, kaya napalingon ako at tinawag ko ito pati sila daddy't mama.
"kuya! daddy gising na po si kuya" konperma ko, at nagsitayuan sila daddy't mama at lumapit kina sa hihigaan ni kuya.
"Sandro anak, thanks God gising ka na" sabi ni mama at nilapitan at niyakap ito ni mama.
Si kuya Sandro ay sinugod sa hospital kahapon dahil may tamang ng baril, nalaman namin balak kami surpresa hin sa kanyang pag uwi galing sa states at may inasikaso muna siya sa Singapore at sa mga oras naman yon kakagaling pa lang ni kuya sa airport nong time na may nadaanan sya engkwentro ng mga pulis at sibilyan ang kanyang sinasakyan.
Lubos nga talaga kami na bigla lalo na si mama sa pangyayari, ngayon ay nagpapasalamat kami dahil stable na ang kalagayan ni kuya.
At narinig ko sa usapan nila kuya't daddy na kaya napa uwi ng biglaan si kuya dahil sa nalaman nya problema sa kompanya at ang arranged marriage ng kambal ko na si Sabria.
Sabi ni daddy, si kuya nga raw sana ang naka arranged marriage nagkataon naman bata pa ang anak na babae ng kompadre niya kaya kay Sabria nalang para sa panganay na anak nito. Malinaw na sakin ito, ang problema nalang ay pano ang pagbubuntis ni Sabria.
Dalawang linggo nalang ikakasal na ang kambal ko at kina usap kami ni kuya na makipag tulungan kami para sa kompanya.
Wala akong nababalitaan na nobya si kuya pero tutol sya sa ganoong bagay, kaya nakita ko sa mukha ni kuya na malungkot habang nakikinig sa paliwanag nila daddy samin.
"Rina" tawag ni kuya Sandro sakin ng kami nalang dalawa sa kanyang prebadong kwarto.
" Yes kuya" sagot ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Bakit may kailangan ka ba?" dugtong na tanong ko.
"A-anong pinagkakaabalahan ni Ria? tanong ni kuya "apat na araw na ako dito hindi niya ako dinadalaw, sabi niya sa chat pupunta siya hanggang ngayon wala pa busy raw sya sa opisina" nagtatampong paliwanag ng kapatid.
"Busy lang yon kuya dahil nape-presure
sa trabaho at dagdag pa ang paparating na kasal niya" pagpapaliwanag ko.
"Hayaan mo kuya isasabay ko siya mamaya pagpunta ko dito" pagsiguro ko sa kanya.
"Sige kuya aalis na ako, magpa hinga ka na " pagpapaalam ko kay kuya.
Tinanguan ko na lang si kuya at gumayak na akong umalis, ngayon ay papasok na ako, papunta na ako ngayon sa opsina.