Naging busy ang lahat sila mommy at sabria naririnig ko minsan na nagtatalo tungkol sa pag aayos ng kasal at ipapaubaya nalang nila sa event coordinator sa pamilya ng groom ang mga kakailangan sa kasal.
"Sis, pwedeng ikaw nalang umatend ng free taste ng food at cake mamayang 10am masama kasi pakiramdam ko eh" pakiusap sakin ng kambal ko habang nandito kami sa loob ng opisina ni Ria.
"S-sige, pupunta ako" alanganin pagsang-ayon ko
"Salamat sis" pasasalamat nito sakin.
"At sya nga pala bukas naka schedule din ang fitting ng wedding gown" dugtong nito at habang abala ang mga mata nito sa pagbabasa ng inabot kung folder "magkasing katawan naman tayo di ba" pagpapatuloy ni Ria
"Ha! P-pero" nabigla kung turan mag dadahilan pa sana ako pero pinutol na niya ang sasabihin ko.
"Please?" pakiusap ni Ria habang tumingin sakin saglit at napatango na lamang ako.
Ang inaalala ko nalang ay baka nandoon si mama at pumunta rin pero wala na akong nagawa dahil mukha nahihirapan ang kambal ko sa pagbubuntis niya at nakita ko hinawakan ni Ria ang kanyang sintido at sumandal sa kanyan swivel chair.
"Are you okey?" tanong kong pag-aalala ko sakanya.
Tango lamang ang naging sagot niya sa tanong ko, kaya nagpasya na lang ako magpa alam na may tatapusin pa ako paper works sa aking mesa kaya lumabas na lang ako sa kanyang opisina dahil napansin ko parang wala siya sa mood na makipag usap sakin.
Pagka 9:30 ng umaga, nagpasya na akong gumayak pa punta sa hotel na magiging venue ng kasal ng kambal ko.
Madali lang naman ang food tasting lahat naman nagustuhan ko, ang pinagtataka ko lang ako lang ang nandoon yong family ng mapapangasawa ng kambal ko ay walang pumunta. Kinabahan nga ako ng sabihin ng staff ng hotel na nandon si Mr. Carter ang groom to be ng twin sister ko.
Pero bigla raw umalis dahil may mahalagang pupuntahan kaya naka hinga ako ng maluwag nong malaman ko iyon.
Bumalik na lang ako sa opisina dahil may mga tatapusin pa akong trabaho. Habang nasa parking lot ako ng kompanya. Pagkabukas ko ng pinto at bumaba ko sa sasakyan ko ay may naglalakad na lalaki papunta sa deriksyon ko habang abala sa kanyang phone, tinuwid ko ang pagka tindig ko at tinitigan ko ito habang naglalakad.
This man is an epitome of gorgeousness, a Greek God. Nakasuot ito ng three piece suit na bakat ang matipuno nitong katawan. Umakyat ang tingin ko sa mukha ng lalaki at hindi ko mapigilan ang panghinaan, naramdaman ko pa na parang may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan.
Panandaliang nagtagpo ang aming mga mata bago ito yumuko at tumingin sa phone nito.
Holy crap! His eyes! Ang ganda ng mga mata niya, nakakalunod sa subrang ganda, parang pamilyar sakin parang di ko lang maalala kung san ko nakita.
"Ganyan ba tumingin ang isang Ms. Sanchez" puna nito sakin sabay ngisi ng tumapat sakin at may narinig akong tunog ng pindutin nito ang remote sa ng kanyang sasakyan.
Bigla akong natauhan sa sinabi nito naisara ko nalang ng malakas ang pinto sa hulihang pinto ng aking sasakyan habang nakatingin sa kanya. Dumaan lang siya sa harap ko at nilagpasan ako tuloy tuloy itong lumapit sa tabi ng kanyang sasakyan na kasunod ng sasakyan ko kung saan din naka park ang kanyang sasakyan.
Naka tingin lang ako sa kanya at inayos ko ang bag sa balikat ko at pag tingin ko uli sa kanya sabay kindat niya sakin, inirapan ko na lang ito at binuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya at pumasok na ito. Pagsara ng pintuan ng sasakyan nito tinalikuran ko na lang ito at lumalis na ako doon.
Pagka upo ko sa swivel chair may nagsalita sa side ko si karen.
"Maam dumaan dito si Mr. Carter hinahanap si Mr. Sanchez ang daddy nyo" imporma nito "At nag pa appointment po siya dahil gusto niya raw maka usap ng personal ang daddy niyo" tugtong pa nito.
"ah okey Thanks Karen" tugon ko dito.
JAKE POV
Biglang tumawag ang tauhan ko habang nandito ako sa hotel kung saan naka schedule ang food tasting para sa kasal ko, ay iniwan ko ito dahil mas importante ang tawag ng tauhan ko kaya umalis na lang ako maiintindihan naman siguro ng mga Sanchez pati na si mommy na busy ako na mas importante ang lakad kung ito na nagkataon na nagkasabay.
Pagkagaling ko sa meeting dumaan ako sa kompanya ng mga Sanchez ang SSanchez Corporation dahil nabili ko na ang 60% na shares doon kung tutuusin ako na dapat ang ang magpatakbo pero pinagbibigyan ko lang dahil sa pakiusap nila daddy at sinasa alang-alang ko ang pinagsamahan namin ng bestfriend ko na si Sandro Sanchez. Hindi ko naabutan si Mr. Sanchez kaya umalis din agad ako. Paglabas ko ng building naka tanggap ako ng chat at message kaya nereplyan ko ito habang naglalakad, pero sa paglalakad ko pakiramdam ko may naka tingin sakin kaya nilingon ko ito at nakita ko ang babae nakatingin sakin at nakilala ko naman ito si Ms. Sanchez ang aking future wife pero naninibago ako sa mga titig niya sakin, yong para bang kinikilala niya kung sino ako na para bang ngayon niya lang ako nakita kaya ng malapit na ako sa kanya "Ganyan ba tumingin ang isang Ms. Sanchez" pakiramdam ko sinusuri niya lahat ng buong mukha ko kaya ang weird niyang tumingin kaya kinindatan ko nalang at napa ngiti ako sa reaksyon ng mukha niya.
Kahit ako sa sarili ko di ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko kanya eh unang beses ko palang siya nakita ngayon sa personal ang future wife ko na para bang matagal ko na syang kilala, yong mga mata niya parang tumatak na sa isip ko pamilyar sa paningin ko.
Napapangiti na lang ako habang nagmamaneho ng sasakyan ko papunta sa opisina. Bigla akong napapreno ng sasakyan ko ng napaisip ako kahawig ng mga mata niya si Rina.
Ito ba ba ang sign na kalimutan ko na si Rina? tanong ko sa sarili. Sa mga taon na nagdaan iisang babae lang ang pinangarap ko makita at titigan ang kanyang mga mata ay iyon ay si Rina ang first love ko.
Kaya imbes na papunta ako sa opisina nag ibang direksyon ako ng daan, pupuntahan ko kung saan kami unang nag kita ni Rina sa park, nabili ko ang lugar na yon dahil ayaw ko itong baguhin dahil nandoon ang alaala ng babaeng gusto kong makasama habambuhay. Papatayuan sana ito ng malaking building ng isang negosyante ng malaman ko iyon ang plano pinilit kung bilhin kahit malaki ang halaga nito dahil nagbabakasakali ako makikita ko ulit doon si Rina ang first love ko.
Pinabilis ko ang patakbo ng sasakyan para makarating agad ako sa aking pupuntahan.