JAKE POV
Habang naglalakad ako tanaw ko nang may mga tao sa mini park ng subdivision, may naka upo sa paborito kong dating inuupuan noon. Gumanda na ulit ang paligid nito dahil nong time na umalis ako napabayaan ito ng Ria Subdivision balak na nga itong tanggalin para daw mapakinabangan ng dating may ari at mapatayuan pa ng mga estraktura.
Ngayon na ako na ang nakabili ng subdivision pina renovate ko ito, dinagdagan ng mga beach, medyo nilawakan ang park at ngayon may under construction na tree house at meron na din garden na may mga nakatanim na mga namumulaklak na halaman at sa bandang dulo naman may swing at playground na para sa mga bata.
Naupo muna ako sa isang beach sa lilim ng isang puno ng pili, dahil yong gusto ko sanang maupuan ay may taong naka upo. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko may dalawang batang naglalaro't naghahabulan, sa kabilang dako naman may naglalaro sa kanyang tablet na isang cute na dalagita sa mga oras na yon napangiti ako ng may biglang akong naalala..
Flashback ...
Natanaw ko ang isang dalagita na naka upo sa beach na lagi kung tinatambayan. 'Parang kilala ko ito' sabi ng isip ko kaya nilapitan ko ito. Abala ito sa pagtipa ng kanyang phone. Hindi niya napansin ang paglapit ko nang titigan ko ito na komperma ko na sya nga iyon si Rina.
Nakalugay ang kanyang mahabang buhok lagpas balikat na paalon-alon habang ang ibang buhok nito ay tumatakip sa kanyang mukha ang cute niyang tingnan.
Kaya ang ginawa ko dahan-dahan ko itong nilapitan at bigla kung ito ginulat at sa pagka gulat niya nabitawan niya ang phone niya sabay tili ng malakas.
Bago pa man siya magalit sakin sa ginawa ko pinulot ko ang phone niya nahulog at humingi ako ng sorry sa pang gugulat ko sa kanya.
"W-whatt?" gulat niya at tumingin ng matalim sakin.
"Sorry! sorry!" hingi kong paumanhin at pagkapulot ko ng cellphone niya ay inabot ko agad ito sakanya. Hinablot niya naman ito sa kamay ko at tumayo sa harap ko. Pansin ko hangang dibdib ko lang ang taas ng dalagita. Kaya kita ko kung sinuri niya kung maayos pa ang phone niya. Pinindot niya ang switch on sa gilid ng phone nya at umilaw ang screen nito.
Nakita ko na okey naman ang phone hindi naman ito nabasag o nasira kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit ka ba nanggugulat?" singhal niya sakin habang sine swipe niya ang screen ng phone niya.
"Sorry talaga, hindi ko alam na magugulatin ka pala" paumanhin na paliwanag ko. Tiningnan niya lang ako ng matalim at binalik ang tingin nito sa phone niya.
"Sorry-" ulit ko.
"Tama ng ngang kaka sorry" putol niya sasabihin ko.
"So bati na tayo?" tanong ko.
"Kala mo sakin bata para tanungin mo ko kung bati na tayo!" kontra niya sa tanong ko.
"Bata ka pa kasi sa paningin ko" sagot ko sakanya na napapangiti. At inirapan niya ako ulit bago nag salita.
"FYI lang po dalaga na po ako" imporma niyang sagot.
"Saan banda?" tanong ko
"Ayy ewan ko sayo! gurang!" pang aasar niyang sagot sakin. At hahakbang na itong paalis ng pigilan ko sa kaliwang braso niya.
"What?" tanong niya at nagkatinginan kami.
"Sorry na baby" paglalambing kong sagot. Binitawan ko ang braso niya at pormal na pinag-aralan ang reaksyon niya.
"What baby? uulitin ko po hindi na ako bata okey!" pagtatama nito.
"Okey kung ayaw mo ng baby ano gusto mong itawag ko sayo?" dugtong na tanong ko pa.
"You can call me Rina' my name is Rina" pagpapakilala niya.
"I know! Your Rina. Remember we met last time here?" pagpapaalala kung tanong at tumango nman ito sa pag sang-ayon niya sa sinabi ko, "can we be friends Rina?" tanong ko at inilahad ang kanang kamay ko sa dalagita. Nang tumingala sya sakin nagkatinginan kami kaya nginitian ko ito. Sa panandaliang nagkatitigan kami ni Rina may kakaiba akong naramdaman na hindi maipaliwanag na ngayon ko lang naramdaman. Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na sa pangalawang pagkakataon nahawakan ko ang kamay nito. Ngumiti ito sa akin at nagbitaw na kami ng aming kamay.
Umupo sya sa bench at tumingin sa malayo. Nang tumingin ako sa mukha niya sinundan ko kung san sya naka tingin at nakita ko ang papalubog na araw at kulay kahel na kalangitan sa harapan. Lumalamig ang simoy ng hanging humahampas habang papalalim ang araw.
"Magandang tingnan" turan ko sakanya at tumingin ulit ako sa maganda niyang mukha.
"Yes, this is the second time I have seen the sunset" sagot niya at sabay namin ito pinanood hanggang sa lamunin ang liwanag ng dilim sa kalangitan.
Kaya sa ilang sandali pa nagpaalam na kami sa isa't isa bago pa tuluyang dumilim.
Hindi naglaon nasundan pa ang pagpunta ko sa park at naging magkaibigan nga kami ni Rina. Lagi kami nagkikita dalawang beses sa isang linggo lalo na pag araw ng sabado sa tuwing palubog ang araw doon ako tumatambay dahil alam ko nandon siya.
End of flashback
Nakaramdam ako ng pagkalam at paghapdi sa tiyan at tumunog pa ito. Tinignan ko ang oras sa pupulsuhan ko at nakita ko ala una na ng hapon. Napa iling na lamang akong napangiti tanghaling tapat pala ako pumunta dito, hindi pa ako nakapag lunch kaya pala kumakalam na sikmura ko.
Kaya tumayo na ako at bago ko pa ako humakbang papalayo tumingin muna ko sa paligid at pinangako ko na babalik ulit at nagbabakasakali pa na makita ko siya ulit dito.
Bumalik ako sa opisina dahil may tatapusin pa pala akong trabaho. Kung noon marami akong hawak na negosyo sa ngayon dumuble pa pero sa susunod na dalawang linggong madadagdagan pa ito dahil ako na ang hahawak ng SSanchez Corporation pagkatapos ng kasal.
"Hi kuya! surprise!" Tiffany greeted me.
"What are you doing here?" nagtataka kung tanong dito.
" Ouch! I'm just visiting my big brother, what's wrong with that?" she said.
Hindi ko alam kung ano agenda ng kapatid ko kung bakit siya napadalaw dito.