Chapter 10

1058 Words
SABRINA POV Pabalik na ako sa opisina, nasa hallway ako habang naglalakad galing sa baba kasabay kung nag snack si mara, nakasalubong namin si Ria na umiiyak, sigurado akong galing ito sa opisina ni daddy. Tinawag ko ito pero hindi ako pinansin kaya sinundan ko hanggang sa elevator. Dumiretso na si Mara sa cubicle niya at tamang tama pagbukas naman na elevator magkasunod na kaming pumasok ni Ria at wala itong imik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan sa loob ng elevator. "What happened?" tanong ko at umiling lang ito bilang sagot sa tanong ko. Kaya napabuntong hininga na lang ako at hinagod ng palad ko ang likod nito habang naka yuko. Pagbukas ng elevator may nakasalubong kaming dalawang babae na empleyado na taga ibang department binati kami na papasok sa elevator. Naglakad na kami patungo sa opisina nito. "Mag re resign na ako" imporma nito "Why?" tanong ko. "Aalis na ako at magpapaka layo-layo muna" sabay pag pihit ng siradura ng pinto at humakbang patungo sa kanyang upuan. Umupo ito sa kanyang swivel chair at sumandal dito. "Saan ka pupunta?" tanong ko at inangat nga tingin sa mukha ko.Umupo na rin ako sa katapat na upuan ng desk na inuukopa nito "Maybe France hindi ako pwede sa Singapore at Hongkong dahil lagi pumupunta don si kuya" paliwanag nito "Ayaw mo ba dito na lang? Sa Cebu? sa probinsya para malapit lang kitang madalaw." suhestiyon ko dito "Baka may makakita pa sakin doon, makarating pa kila mommy." "Ikaw bahala, pero nakikita ko parang hirap ka sa pagbubuntis mo eh nag aalala ako sa kalagayan mo" turan na pag aalala ko. "Don't worry update kita lagi, Sana wag na magbago isip mo ah tutulungan mo ako." tanong nito, tango lang naging sagot ko dahil may kumatok sa pinto. "Yes beth" "Ma,am ito na po ang food na inorder nyo!" imporma ng boses sa labas "Please come in" ani ni Ria Aaalis na sana ako pero pinigilan ako ni Ria na samahan ko raw siyang kumain ng snacks. Subrang nagca craving daw siya sa mga pagkain ngayon. Ang dami nga niyang inorder pang tatluhang tao na yata iyon kaya, pinanood ko lang siya dahil sa busog pa ako dahil kakatapos ko palang kumain. Ganun pala kapag buntis parang oras-oras nagugutom, sarap niya panoorin habang kumakain. _________ JAKE POV One day before the wedding ay ginanap ang stag party. Isinagawa ng mga kaibigan ko ang stag party ngayon gabi para sa huling buhay binata ko. Ganon din ang sa aking fiancee na sabay daw gaganapin stag party ko at bridal shower. Pero napag alaman ko walang bridal shower na magaganap ngayon dahil ayaw raw ng fiancee ko. Kahit ayaw ko sa kasalang ito ay sinunod ko parents ko dahil matagal na itong plano nila. "Bro, magpakasaya ka na ngayon! Itodo mo na ang huling gabi na buhay binata ka!" ani ng mga kaibigan ko. Tumango naman ako bilang sagot sa mga kaibigan ko. Pagkaraan ng ilang sandali naglabasan na ang mga babaeng magsasayaw sa harap namin ng hubad. "Woah, sige pa baby igiling pa ninyo, iyong tipong titigasan ng husto itong groom natin sige pa" sigaw ng mga kaibigan ko habang may gumigiling giling sa harap at likod ko. Wala sa mga babaing nagsasayaw ang isip ko "Bakit ganito ang nararamdaman ko, I feel something not right?" turan ko sa sarili ko. Nang naramdaman ko hinuhubaran ako ng mga babae, pinigilan ko ito. "No ladies, this body is belong to my wife only. Kaya sa kanila na lamang ninyo gawin ang nais ninyong mangyari" sabay turo ko sa mga kaibigan ko. "This is your night bro, not us. Kaya mag enjoy ka lang" sigaw ni Franco. Umiling ako at tinaas na lang ang basong may laman na alak " Cheers!" Hindi rin nagtagal ay pinauwi ko na ang mga babae. Mahirap na baka matukso pa. "Bro nahuli na yata ako!" sabi ng boses sa likod ko. Nilingon ko ito at nakilala ko ang best friend ko si Sandro kapatid ng fiancee ko. "Kumusta bro? Hindi ka nahuli sakto lang. Buti nakarating ka! tara iinuman pa tayo" turan ko dito "Balita ko kakagaling mo lang sa hospital?" tanong ni Teddy kay Sandro. "Kakalabas ko lang last week, malungkot isipin pero pangalawang buhay ko na ito mga bro." ani ni sandro. "Na identify na ba ng mga pulis kung sino nakabaril sayo bro?" tanong ni Franco. "Hindi pa, under investigation pa-" sagot ni Sandro. "Wag na natin pag usapan yan, dahil ngayon lang tayo nagkita kita ulit, mag saya na lang tayo, cheers!" putol naman ni Teddy sa usapan. "Oo nga, cheers sa future mag brother in law" sabay taas ng basong may laman alak ni Franco. "my brother in law" sabay tawa ko at taas ng baso ko "Sige lang, past muna ako ngayon hindi pa pwedeng uminom." tanggi ni sandro. "ok lang bro ang importante nandito ka" sabay tapik ko sa balikat nito. Nakapag usap naman kami ng kaibigan ko si Sandro sabi niya ingatan ko ang kapatid niya, mabait naman daw kapatid nito. Hindi nagtagal tinapos na namin ang inuman, nag kanya kanya na sila okupahin sa nakatalaga nilang kwarto dito sa hotel na pagmamay-ari namin at bandang alas dos ng madaling araw ng maka tapos ako sa shower. Kung nagkataon na sa tamang edad na ang bunso namin si Tiffany baka siya ang nasa kalagayan ko ngayon ipapareha kay Sandro dahil panganay din ito. Dahil sa pamilya namin ako ang panganay ako ang naka arranged marriage. Nakita ko na ng ilang beses ang fiancee ko at masasabi kong maganda siya. Nitong huli ko siya makita iba siya maka makatingin sakin ang weird nga, nakita ko sa mga mata niya may kahawig pero hindi ko matukoy kung sino. Sa mga sandaling nakita ko sya ni hindi pa kami nagkaka usap man lang. "Anong ginagawa mo?" pukaw sakin ng boses babae, kaya nilingon ko ito at nakita ko ang ningning na mga mata na iyon, ito ang mga mata na gustong-gusto kung nakikita araw-araw. Bigla ako nakarinig ng tunog ng alarm clock mula sa phone ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nakita ko ang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto dito sa hotel. Napabalikwas ako ako ng bangon at inabot ang tumutunog na phone. Binasa ang nakalagay sa screen at nakita ko ang reminder 'your wedding day'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD