Special Chapter ONE The Forgiveness and Closure “Sigurado ka ba dito, LAY? Paano kung ipagtabuyan ka nila, paano kung sampalin ka na naman ng ina ni Tantan?” Magkahawak kamay sina LAY at Athena habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay ng mga magulang ni Kristan, matapos lahat ng nangyari at napabagsak na nina LAY ang kalaban nila na si Zourab. Matapos ng muli silang nagkasama ni Athena matapos ang dalawang buwan na pagkakahiwalay ay bago sila tuluyang maging masaya sa nalalapit nilang kasal ay gusto ni LAY na muling humingi ng tawad sa mga magulang ni Kristan. Alam niyang hanggang ngayon ay nangungulila ang mga ito sa panganay nilang anak na may magandang pangarap sa pamilya nila, pero nawala ‘yun dahil sa nangyari sa kanila sa Persia. “I can’t be happy knowing that Kristan’s pa

