Special Chapter TWO A Friends Who Supports Sa hide out nina Taz ay agad na sumalampak si LAY sa sahig malapit sa counter bar na muntik ng ikatumba ng mga high stool chair doon matapos siyang ibalibag ni Lu dahil sa galit na nararamdaman nito ngayon sa ginawa ni LAY na pakikipaghiwalay dito after nitong malaman ang pagkakawala ng anak nila. “Santos?!” gulat na bulaslas ni ToV dahil sa ginawa ni Lu kay LAY na kararating lang ng hide out nilang magkakaibigan. Nang magpatawag si Taz ng meeting sa hide out nila kinabukasan ay hindi na nakapagtimpi si Lu ng makita niya si LAY dahil ginawa nitong p*******t at pagpapa-iyak kay Athena lalo na sa kalagayan nito. Kitang-kita niya kung paano sobrang nasaktan si Athena sa ginawa nito dahil nawala na nga ang baby sa sinapupunan nito ay nakipaghiwal

