Special Chapter THREE The Talk: Calissi’s past with the head founder Isang araw bago maganap ang laban nila LAY kay Zourab Farsov ay nasa malawak silang garden ng Royal Palace upang paghandaan ang magaganap na laban sa pagitan ni LAY at Zourab kung saan nagpa-plano sila kung may gawin ang kalaban nila na hindi papabor sa laban na ito mismo ang nagtakda. Naging abala sila simula ng makarating sila sa Royal Palace kaya pag may time na need nilang magpahinga ay sinusulit nila. Sina ToV ay kinakausap nina Uncle Nemesis tungkol sa mga dati nilang laban para sa Royal Palace, ang mga underbosses naman ni Taz ay tahimik lang na nakapwesto sa malilim na puno kung saan nakapwesto din ang ilan sa guard ni LAY na si Demitri at Eros. Abala naman ang ama ni LAY sa pagka-usap sa mga council kasama an

