MAYAMAN AT MAHIRAP

1060 Words
Kinausap ni allan ang mga naglilingkod sa kanya at binigyan niya ito ng mga kanya-kanyang trabaho. "Kelzy batayan mo mabuti ang mga pera sa palasyo, Fabie maghanap ka ng kahit anong impormasyon tungkol kay prinsipe George, At sunny ikaw ang sasama sa akin" Umalis ang kanyang taga-sunod at ang naiwan lang ay si sunny nag aalala si yumi kay allan na kung anong mangyari sa prinsipe. "Kuya" Makikita sa kanyang mukha at mga mata ang labis na pag aalala. "Yumi manatili ka dito sa palasyo upang masiguradog ligtas ka" "um" Tumango naman ito at sumunod sa mga sinabi ni allan. kinaumagahan si allan at sunny ay naghahanda lumabas ng bayan para mag imbistiga sa lupain ni prinsipe George. "Naka ayos naba ang lahat?" "Opo andito na ang mga kabayong gagamitin" Nabigla si allan ng makita niya ang dalawang kabayo paparating, sumakay si sunny sa kabayo at nag aantay ng sinyales sa prinsipe. "Eto na ang sasakyang paalis?" Si allan ay hindi marunong magpatakbo ng kabayo at kahit kelan ay hindi siya nakasakay sa likuran nito. "sir meron po bang problema?" Tanong ni sunny. "Hindi ako marunong magpasunod ng kabayo, ibang kabayo lang ang dati kong nasakyan" "Nasa Stone age pala ako wala sa moderno" Nag-tataka si sunny sa sinabi ni allan at napaisip ng maling ideya. "Ahh pasensya na sir hindi mo na gustuhan ang kulay ng kabayo" Napaluhod si allan sa sahig dahil hindi niya kayang masakyan ito, ilang minuto lang ay dumating ang isang kariton upang sakyan ni allan. Habang naka upo si allan sa duluhang bahagi nito ay naka yuko ito na tila dismayado. "Komportable kaba diyan sir?" Habang naglalakad ng mabagal ang kabayo ay ramdam ni allan ang sobrang pag alog ng kariton, nakita niya na isa ang prolema nila ay ang mga lubak na daanan. "Ugh ang hirap ng gantong buhay" Hindi nakita ni sunny ang isang lubak na daanan at ang kariton ay tumalbog ng mataas. "Wee" Tumingin si sunny ng makita niya na si allan ay nahulog sa putikan na naka lubog ang ulo, agad itong nag panik. "Kyah sir okay kalang pasensya na po" Tarantang taranta si sunny at hindi alam ang gagawin niya. "aww" Ang ulo ni alan ay balot ng putik sa sobrang dumi ay hindi mo itong mapagkakamalang isang prinsipe. "Sir wag ka pong gagalaw" Nag cast si sunny ng isang cleaning spell sa prinsipe para maalis ang mga dumi sa kanyang mukha. "wipe" Ang paligid ay nabalutan ng liwanag at naka paikot ang mga hangin sa katawan ni allan, ngayon lang nakakita si allan na tunay na mahika. "Wow totoo nga na nasa loob ako ng isang fantasy world" nabighani si allan sa mahika ni sunny at tinanong niya ito kung pwede siyang turuan sa susunod. "Sunny pag natapos natin ang mga problema ay pwede mo ba akong turuan ng mahika" Agad naman itong tinanggap ni sunny. "Okay sir" Matapos ang ilang oras na pag biyahe ay narating na nila allan ang lupain ni prinsipe George. ang ama niya ay ang hari na si haring gregorio at ang lupain nila ay gregor luicita. Ang kanilang bayan ay may aking yaman may sapat na tubig at pagkain pero ang mga bahay na nakatira dito ay kaparehas ng nasa bayan ni allan. Itinago nila allan ang kanilang mga mukha upang hindi sila makilala sa harap ng madaming tao. "Sir sobrang baho ng amoy pag pasok palang natin" Naamoy namin ang masamang amoy ng bayan, pinag halong ihi at dumi ng tao, ang tao ay sobrang dumi. ayon ay fabie ang lupain nila prinsipe George ay nahahati sa dalawang parte. Ang isa ay para sa mahihirap ang isa ay sa mga merong pera, ang batas dito ay para lang sa mga mayayaman. "ngayon nakita ko na ang posibling dahilan kung bakit niya balak sakupin ang kaharian ng aking ama" Naglakad lakad sila allan sa loob ng bayan na kung saan nakatira ang mga mayayamang tao, may naka harang na pinto, naka bantay sa pagitan nito ang mga guwardya. Ang mga bata ay nanghihingi ng pagkain sa harap ng pintong bakal. "Maawa na po kayo pagkain lang tatlong araw na kaming hindi kumakain" awang awa si allan sa mga ito pero wala siyang magawa dahil tinatago nila ang kanilang pagkatao. "Sir ano ang plano natin?" tinalikuran ni allan ang mga ito at naghanap ng mapapasukan. lumabas ang mga ugat sa mukha ni allan sa sobrang galit. Natakot si sunny sa ekpresyon na nakita niya sa prinsipe. "Hindi pa ito ang tamang oras" may ideya si sunny para makapasok sa malaking harang. "sir may alam akong mabilis na paraan upang makapasok" Ang ideya ni sunny ay mag papakawala siya ng isang mahika na hangin upang matulak sila paitaas. "Maganda ang na isip mo nice pero safe naman yan diba?" Ngayon palang susubukan ni sunny ang gantong klasing ideya pero ngumiti lang ito, kumapit si allan sa balikat ni sunny at nag pakawala ng isang malakas na hangin pababa. pero napasobra si sunny sa lakas at umabot ang lipad na kasing taas ng tatlong pinag patong patong na gusali. "AHHHHHH" sa sobrang taas ay napa-tili si allan at napayakap sa takot, ilang segundo sa ere ay naka tapak sila sa bayan ng mga mayayaman ng ligtas. "Akala ko katapusan ko na" Napahiga si allan sa takot na nangyari sa kanya. "Haha pasensya na sir hindi ko na tansya ang lakas ko" Natawa nalang si sunny sa nangyari pero ang lakas niya ay hindi mapagtatanto na ibang klase at walang katulad. Tumayo si allan sa at nakita ang magagandang bahay malinis na kalsada ay walang bahid na dumi. "Eto pala ang kabilang parte ng lupain nila, kung titingin ka sa kabila ay parang impyerno ang lagay" Ang lupain ni prinsipe George ay parang langit at impyero na kung saan ang mga mayayaman lang may kakayahan sumaya at ang mga mahihirap ay nag dudusa at nagugutom. Lumubog na ang araw at bumalik na sila allan sa kanilang bayan, matapos obserbahan at makita ang kalagayan ng mga tao. nag iisip si allan upang mapabagsak ang ekonomiya ni prinsipe George pero ang kanilang bayan ay sobrang yaman. "Ngayon lang ako ulit na excite sa buong buhay ko sa makabagong pamumuhay HAHAHA" Ang mga napadaan sa opisina ni allan ay natakot ng makarinig ng isang tawang may balak gawing masa. "Ayan nanaman siya nakakatakot marinig ang tawa ng prinsipe"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD