PROBLEMA

1106 Words
Habang nag lalakad sila allan ay napansin nito merong kakaibang amoy na sobrang baho. ang amoy ito ay nanga-galing sa lawa na kinukuhaan nila bilang tubig inumin. "Ang lansa ng amoy" Sabi ni yumi ang tenga at ilong niya ay napaka sensitibo kesa sa natural na tao, agad niyang tinakpan ang kayang ilong upang hindi na muli malanghap. Lumapit si allan upang tignan ang tubig at laking gulat niya na ang mga ito ay sobrang delikado, agad niyang pinatakbo si sunny pabalik upang masabihan ang mga naninirahan malapit sa lawa na wag inumin ang tubig galing lawa. "Sunny magmadali ka sabihin mo sa buong bayan na wag uminom ng tubig galing lawa at magkakaroon sila ng sakit rito" Agad umalis si Sunny upang masabihan niya ang mga tao, ang tubig galing lawa ay kontaminado ng isang kemikal, nakita din si allan ang ilang lalagyang palutang lutang sa sa tubig kinuha at inamoy niya ito. "Ugh Halos kaparehas ito ng botulinum toxin" Ang botulinum toxin ay tinatawag din miracle poison pag naka inom ka at ito'y nakapasok sa katawan mo ay maaring lumabo ang iyong paningin,hirap sa paghinga at hirap mag salita. "Meron taong gustong lasuin ang mga naninirahan sa Villa luna palace" Agad na inalis ni allan ang mga naka lutang lalagyan na naka halo sa lawa, agad na gumawa ng hakbang ang prinsipe upang masulusyonan ang problema. "Bantayan nyong maigi ang lawa" Pansamantalang naka sarado ang lawa at ang buong bayan ay guwadyadong, maigi pina-punta din ni allan sila fabie at kelzy ubang bumili ng sapat na tubig upang may mainom at magamit ang mga ito. "Fabie ikaw na ang bahala makipag usap o maki pag negosyo para sa tubig isama mo si kelzy" Agad na pumunta sila fabie sa kabilang bayan upang bumili ng sapat na tubig ang lawa ay pansamantalang nakasarado sa mga tao. "Ano kaya ang Plano ng prinsipe?" tanong kelzy kay fabie Iniisip ni allan ang isang bagay na dahilan at posibling mangyari sa susunod, kinuha niya ang mapa at pinag masdan ito tinanong din niya kung tuwing kelan dumadating ang mga nagbebenta ng suplay ng pagkain sa kanilang bayan. "Tuwing kelan dumadating ang mga nag hahatid ng pagkain?" Nagkatinginan ng sekretarya ng kanyang ama at si sunny. "dalawang beses sa isang linggo lunes at byernes mahal na prinsipe" Tuwing lunes ng umaga, ang araw ngayon ay linggo bukas na ang lunes agad na pinapwesto ni allan ang mga guwardya upang bantayan ang dadaanan ng maghahatid ng mga pagkain. habang nag aabang ng madaling araw kung saan naka pwesto na ang isa't isa tila naguguluhan ang mga ito kung bakit sila nagtatago sa madilim na kagubatan, imbis na batayan ang mga taong malapit sa lawa. "Brad ano kaya nasa isip ng prinsipe dapat sa lawa tayo nag babantay hindi dito" "Oo nga eh ang aga aga pa" Habang nag uusap ang dalawang guwardya nakita nila ang dalawang kabayo hila-hila ang mga pagkai, biglang humito ang mga ito na parang may naramdaman sa paligid. Ilang segundo ang lumipas naglabasan ang grupo ng tulisan balak nakawin ang mga ito. "HAHAHA sulit ang malaking bayad sa atin" "Boss may bonus ba kami dyan" nagbigay sinyales si allan upang umataki, itinaas ang kamay bilang hudyat at lahat ng guwardya ay sumugod. "Ahh" agad na nahuli ni allan ang mga grupo ng tulisan at kinulong ito sa selda. pinilit itong paamin ngutin bigo sila, nanghigi si allan ng mga gamit pang kusina. "Hanapin mo nga ang mga ito at patulisin mo na din ang magkabilang dulo" Bumaba si allan sa selda bit-bit ang isang bagay na siguradong katatakutan ng isang tao, ang selda ay tahimik tanging maririnig mo lang ay yabag ng sapatos. "Tak,Tak" sumisigaw ang preso na wala siyang alam at wala silang malalaman. "HAHAHA wag mo na saying oras mo mahal na prinsipe babae pa ang kasama mong guwardya" Binukasan ni allan ang pintuan at pumasok ito sa loob, biglang tumayo ang tulisan at sumugod sa prinsipe, na alarma si sunny dahil hindi naka tali ang kamay ng preso. "Prinsipe allan" "uto uto pumasok ka ng hindi ako naka tali" Inambahan na suntukin si allan pero kalmado lamang ito nailagan ni allan ang mga suntok ng tulisan ay hindi tuma-tama, tinadyakan nya ito sa bibig. "Ang ingay mo masyado" Bago malipat si allan sa mundong ito ay naging heavyweight taekwondo master siya, nakita ni sunny ang mabilisang pag sipa na tila ba ngayon niya lang nakita. "Ang galing mo po sir" Tinali at ang kamay ng tulisan habang naka hubad, inilagay din ni allan ang kayang pinakuha sa kusina sa leeg nito, ang bagay na ito ay tinidor itinali sa leeg at pinalakad ito sa buong bayan. "Sir ano po iyan?" "Makikita mo mamaya kung paano mag paamin ng kriminal" ang gantong uri ng torture ay nang-galing pa sa sila unang pamamaraan na tinawag na heretics fork, pag ibinaba mo ang iyong ulo ay maaring bumaon ang naka tusok na tinidor sa leeg mo. manghang-mangha si sunny kay allan ngayon niya lang din narinig ang gantong uri ng pag papahirap. "Alam ko na madami akong matutunan sayo sir" Naglakad sila allan kasama ang tulisan hawak hawak ang kadinang naka tali sa kamay nito, pero ang pagpapahirap na ito ay tila ba nakakaya ng preso. "Ha Ayan lang ba" sigaw ng preso huminto sila allan pansamanta, naka tingin ang mga taong bayan sa eksinang nasa harapan nila. "Tignan mo ayan ang mangyayari pag naging kriminal ka" "Nakakatakot magalit ang prinsipe" Ilang oras ang lumipas ang tulisan ay nakaramdam ng ngalay at nag mamakaawa na sa prinsipe, pero si allan ay naka-titig lang sa kanya. "Prinsipe patawarin mo na ako" "Handa kang pumatay para sa pera ng walang awa at ngayon nag mamakaawa ka" Patuloy na humingi ng patawad ang tulisan kay allan pero hindi niya pa din ito pinapakawan, na tila may inaantay siyang marinig na galing sa preso, ang leeg niya ay unti unti ng dumudugo at nag sisigaw na sa sakit. "AHHH mag sasalita na ako" "Si prinsipe George ang nag utos" "Gusto nyang sakupin ang lupaing ito" Pinatanggal ni allan ng naka tali leeg ng tulisan at nawalan ito ng malay, si prinsipe George ay anak ng isang hari sa kabilang bayan. Napa ngiti si allan na ang kabilang bayan ay may masamang balak sa kanila naalala niya ang pangyayari dati sa kumpanya niya noon, kaparehas na pang yayari ang naganap ngayon. "Ha Prinsipe George sana masaya kapa sa maliligayang araw mo" "Antayin mo ako siguradong babalik lahat ng ito sayo hindi lang doble, higit pa" Si allan ay bumalik sa kanyang opisina ng naka ngiti na tila ba'y sobrang saya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD