“May problema ba ang gripong ito? Bakit ayaw yatang sumara kahit sinara ko na? Bakit tumatagas pa rin at tuloy-tuloy pa rin yata ang tubig?” tanong ni Eve at saka na nga sinusubukan na mahigpit na patayin ang faucet ngunit lalo lamang sumirit ang tubig na tumama na sa mukha at katawan ni Eve kaya naman basang-basa na siya. Lalo pang sumirit ng sumirit ang tubig sa gripo kaya naman agad nabasa ang mga damit na ipinatong ni Eve para mapigila ang pagkalat pa ng tubig. Madali pang humanap ng mga basahan Eve para punasan ang nagkalat at mga talamsik ng tubig sanhi ng sirang gripo o tubo ng kanyang lababo. “Ano ka ba namang gripo ka? Bakit sa lahat ng mga araw at oras na gusto mong masira ay bakit ngayon ka pa na wala akong kasama? Wala pa ang asawa kong si Elmer dito sa bahay kaya sinong

