“Hon, mabuti na nga lang at tinulungan ako ni Adan kung hindi ay baka bago pa dumating ang tubero ay basa na lahat ng mga gamit dito sa kusina o kaya ay bumaha na,” ang kwento ni Eve habang kausap ang asawang si Elmer sa video call. “Mabuti tinulungan ka ni Adan? Ang alam ko sa kapitbahay natin na yan ay masungit sa ibang tao at ayaw na ayaw nakikipag-usap sa kahit na kanino.” Ang kwento ni Elmer tungkol kay Adan. “Baka naawa sa akin dahil nga kailangan ko ng tulong ng agaran?” ani naman ni Eve na ngayon lang naman nakilala si Adan dahil nga kapitbahay ng bahay ng asawa. “Basta mag-ingat ka na lang, hon. Huwag ka na lang masyadong makipagusap sa lalaking yan dahil kahit kapitbahay ko yan ay hindi ko naman masyadong kilala. Hindi ko nga alam kung paanong isang araw na lang ay may kapit

