“Grabe ka naman at pati mga halaman na walang muwang ay hinahalintulad mo sa s*x life ng tao,” saway ni Eve kay Adan na pinagkukumpara siya at ang kanyang mga halaman na sagana sa dilig na samantalang siya ay walang dilig. “Kanino naman kita ikukumpara? Alangan naman na ikumpara kita sa sarili ko na hindi naman tayo magkatulad,” ani pa ni Adan. “Hindi talaga naman talaga tayo magkatulad, Adan. Hindi dahil hindi ko kaya na makipagsiping sa ibat-ibang lalaki para lang madiligan ako,” sabi sa isip ni Eve dahil alam niya ang ginagawa ng kapitbahay na sagana sa mga magagandang halaman na dinidiligan. “Huwag ka na kasing mangumpara dahil hindi naman tayo pareho ng sitwasyon. At saka, naiintindihan ko naman nga ang asaw ko dahil maging siya naman ay nagtitiis din na magkalayo kami dahil sa kan

