“Wow!” sabay sipol pa ni Adan ng makita si Eve na paalid ng bahay at mukhang may importanteng pupuntahan dahil sa damit na suot. Inayos naman ni Eve ang kanyang dress na hindi naman bastusin ang dating kaya nagtataka siya kung bakit sumipol ang kapitbahay na si Adan ng makita siya. “May pupuntahan ka yata, Eve? Mag aanak ka ba ng Ninang sa isang bata o magiging ninang sa isang kasal?” ang biro na tanong ni Adan. Napasimangot si Eve sa narinig dahil hindi naman sa binyagan ang punta niya at mas lalong hindi sa isang kasalan. “Hahaha, nakakatawa.” Balik niyang pang-aasar kay Adan. “Hindi sa binyag ang punta ko at lalong hindi sa kasalan. Punta ako sa airport dahil susunduin ko ang asawa ko,” proud na proud na sabi ni Eve. Kagabi ay tumawag ang kanyang asawang si Elmer at nagsabi nga na

