Chapter 15

1142 Words

Walang pagsidlan na tuwa ang nararamdaman ni Eve ng mula sa bugso ng mga taong pakaliwa at pakanan ay nakita niya na ang kanyang asawang si Elmer. Gusto na ngang magtatalon sa tuwa ni Eve ngunit pinigilan ang sarili at baka makatawag pansin at ikahiya siya ni Elmer kaya kinawayan niya na lang ito para lumapit. Ngumiti naman na rin si Elmer ng makita si Eve at nagtungo sa babae. Hinanda na ni Eve ang mahabang nguso para sa halik ni Elmer ngunit sa noo niya lumapat ang halik nito. “Miss you, hon,” ang sabi ni Elmer at saka inakbayan ang asawa. “Miss you so much, hon,” ganti ni Eve at saka pa yumakap ng mahigpit sa asawa. Hindi talaga maitago ni Eve ang kasabikan na makita ito at mayakap dahil ilang buwan din itong nawala. “Hon, okay lang ba sayo na may daanan muna ako sa opisina tapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD