“Anong oras na?!” sabay balikwas ng bangon ni Elmer at dampot ng kanyang cellphone para tingnan kung anong oras na. Si Eve ay pupungas-pungas din namang napamulat ng mga mata dahil sa pagkagulat din sa malakas na boses ng asawa. “s**t! Isang aras na lang flight ko na!” bulalas ni Elmer at nagmamadali ng hinanap ang kanyang mga gamit. Dali-dali rin namang bumangon si Eve at tinulungan ang asawa na magligpit ng mga gamit nito. “Sorrt, hon at napasarap din ang tulog ko,” paghingi ng sorry ni Eve dahil madaling araw na rin siyang nakatulog dahil sa paghihintay na baka magising ang asawa at magtalik sila. Ngunit heto at parang trumpo na mabilis kumilos si Elmer dahil nga isang oras na lang ay aalis na ang eroplanong sasakyan nito pabalik sa bansa kung saan siya nakadestino. “It's okay, ho

