“Ang sasarap naman nitong mga ulam! Baka tumaba na ako kapag ganito ng ganito ang pagkain ko,” komento pa ni Adan ng iabot na nga sa kanya ni Eve ang ilang putahe ng ulam kasabay din ng pagbalik ng lalaki sa mga tupperware ng mga naunang binigay na ulam sa kanya ng babaeng kapitbahay. “Marami talaga akong niluto para nga sa pagdating ng asawa ko pero ang nangyari ay hindi na pala siya uuwi ng bahay. Kung alam ko nga lang ay dinala ko yan noong umalis ako para sunduin siya sa airport,” malungkot na saad ni Eve. “At saka bakit ang bilis naman niya yatang umalis ulit? Hindi naman sa tsismoso akong tao, Eve. Pero sinubukan mo na ba talaga na mag imbestiga o kaya naman ay hindi ka ba man lang naghihinala na baka mamaya ay may ibang babaeng inaasikaso ang asawa mo?” ani ni Adan kaya napatitig

