Nagtungo si Eve sa kumpanya kung saan nagtatrabaho ang asawa na para ba siyang nagmamanman na hindi niya alam kung sino ang mamanmaman. “Para ka namang tanga, Eve. Sino naman ang pagghihinalaan mong babae ng asawa mo sa trabaho niya samantalang nasa ibang bansa nga siya,” sermon ni Eve sa kanyang sarili at saka na nagdesisyon na umalis na dahil talagang para siyang tanga sa kanyang ginagawa. “Kung bakit ba naman nagpapaniwala ka diyan kay Adan, Eve. Natural na masasabi niyang may iba ang asawa mo dahil siya ang nangungunang babaero,” sermon pa ulit ni Eve sa kanyang sarili at inis na inis habang palayo sa bulding kung saan mismo nagtatrabaho ang asawa. Paghinto ng taxi ay saktong namataan niya si Adan na isang magandang motor ang nililinisan. “Eve, mukhang napapadalas ang pag-alis mo,

