Chapter 43

1355 Words

“Napaka babaero talaga ng Adan na to!” ngitngit na ngitngit na sambit ni Eve habang nakasilip sa bintana ng bahay na nasa unang palapag. Narinig niyang may huminto na sasakyan kaya naman agad niya itong sinilip kong si Adan ba. At hindi nga siya nagkamali ng makita si Adan na may kasamang babae na kulay blonde ang buhok. Pagbaba pa lang ng sasakyan ng dalawa ay panay na ang paglalambing sa isa't-isa kaya naman lalong naiinis si Eve lalo pa at naririnig ang malanding boses ng babae kapag hinahalikan ni Adan o kaya ay kapag biglang manghihipo sa kanyan katawan. “Ay!” tili ng babae sabay hampas sa braso ni Adan. “Grabe, hindi na nahiya na ang malalandi. Talagang pinangangalandakan ang kalandian nila kahit pa nasa labas pa lang ng bahay. Magsipasok na muna kayo bago kayo maglandian diyan,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD