Gaya ng kung paano tawag ng tawag si Eve sa kanyang asawa na si Elmer ay ganun din ang ginagawa niya kay Adan ngunit patuloy din ang lalaki sa hindi pagpansin sa kanya. Hindi rin binabasa ni Adan ang kanyang mga message online o kaya naman ay naka restrict ang account ni Eve kaya hindi nababasa ni Adan ang kahit na anong chat niya. “Adan, nariyan ka ba?” tanong ni Eve ng magtungo sa bahahy ni Adan. Nakita niya kasi na nakaparada ang sasakyan nito sa tapat ng bahay kaya malamang na nasa loob ang binatang kapitbahay. “Adan, may dala akong ulam. Niluto ko to kaya kumain ka na habang mainit pa,” pagyaya pa ni Eve pero wala talagang kahit na anong sagot mula sa loob. “Nasaan na kayo itong lalaki na ito? Bakit parang hindi ako naririnig?” tanong pa ni Eve at saka nilibot ang labas ng bahay

