Habang masaya naming binabagtas ang lubak na daan ng mga kaibigan ko ay pana'y silip ako sa aking likuran. Di ako mapakali' paano kung mapagtripan si krab ng mga loko loko dito?
Alam ko lalaban siya, pero iba ang probinsya sa siyudad masyadong seryoso at matapang ang mga tao dito.
"Si louie boy, baka daw di na muna siya makaka-uwe"—Naringig kong sambit ni Joaquin na naka-akbay parin sa akin.
"Tinext ka niya?"—- Tanong ni TonTon.
"Amo.. ku usad na aldow", Muling sagot ni Joaquin. "Uyy dennis salita ka naman diyan.. parang kame sana nag-iisturyahan dine aaa. Dina masupog' da man baga kita mga supog"—Sabay tawanan kameng lahat sa sinabing yun ni Tonton.
"Wala may iniisip lang ako"
"Ano?"—Tanong ni Lourd
"Wala, akin nalang yun.. Si louie pala di yun makaka-uwe dahil dun muna daw sila sa Tarlac, probinsya ng Nanay niya magbabakasyon"
"Aaa.. ganun ba. Ikaw dennis parang iba kana ngayon pre aa.. sosyal mo na talaga. Musta naman dame na ba chicks sa Manila?"— Tonton
"Oo nga.. matumal ka narin magtext sa amin. Kaya nga kala namin nakalimutan mo na kame ee.."—Hinigpitan lalo ni joaquin ang pagkaka'akbay sabay tingin sa akin.
"Ahh di naman sa ganun, sabihin nalang natin na nagfocus ako sa eskwela"—Sagot ko naman.
"Ehh di iwas ka muna pala sa mga chicks?"—Nakakatakot talaga pag si Joaquin ang nagtatanong! Sa amin kaseng magkaka-ibigan parang siya yung pinaka matured. Anong isasagot ko? Chicks daw?
"Focus na nga muna sa school diba?"
"Ohh men talo ka pa ni Lourd ohh. May girlfriend na yan"—Malakas na sabi ni Joaquin. "Talaga? May girlfriend kana lourd?", napahinto ako at napatingin sa kanya.
"At kilala mo yung girlfriend!"—Si Tonton sabay akbay kay lourd.
"Si Myra lang naman dhenz!"—Mabilis naman na sagot ni Joaquin. Ngumiti naman ako sa kanila. "Ohh bat parang?.. may problema ba?"
"Dhenz.. sorry", lumapit sa akin si Lourd. "Adik tohh! Bat ka nagsosorry sa akin? Wala na kame ni Myra.. tsaka almost sa text lang naman kame nun nagkalapit. Tsaka di yun seryoso. Kaya naman lourd alagaan mo si Myra.. wag mo kong gayahin na iniwan lang siya".
Sa totoo lang kase, wala kameng naging maayos na paghihiwalay nun ni Myra. Ewan ko ba, pagkagising ko nalang isang araw biglang bumaligtad ang pananaw at gusto ko sa buhay pag-ibig. My heart goes to the heart of a man too @#^__^#@
Naaala ko nanaman tuloy si KrabyLabs ko!
"Oo dhenz pangako yan.. Ehh yung isa nga rin diyan dennis kilala mo rin ang girlfriend."—Biglang napabitaw naman si Tonton at parang alam na niyang siya ang tinutukoy ni lourd.
"Hmmm si tonton? Kilala ko yung girllfriend?"
"Si Mariel yung pinsan mo.. boyfriend yang si Tonton."—Sabi naman ni Joaquin. "Wala namang probs dun diba dhenz? Boto ka naman sakin diba?", Sabay lapit naman sa akin ng loko.
"No problem.. basta ba alam na yan nila tita at nila kuya stanley?"
"Yun nga problema dennis ehh.. Secret pa muna ang relasyon namin. Pero 6 months na kameng mag-bata."
"Basta.. ingat ingat nalang. Alam ko namang mabait ka ehh. Pero yung pinsan ko unawain mo yun minsan may pagkakulit yun."
"Oo nga ehh.. makulit na sweet."—- Hahahaha! Kinilig ang loko. "Ehh ikaw joaquin? Sino namang sayo? Wag mo sabihing may kinalaman din kanako? baka naman su damulag namung babaye?"—Muling nabuhay ang aming tawanan. At sa mga oras na yun ay si joaquin ang biktima.
"Grabe.. sige ganyan kayo..."
"Sino nga kase yung malas na babae? .. joke!"—Sabay tawa ko.
"Taga ibang barangay Dhenz.. basta papakilala ko rin siya sayo. Sa fiesta tiyak andito yun"
"Astig kayo aa, lahat na pala kayo may GF, si Louie maganda rin ang girlfriend nun sa manila."
"Ahh oo nakita nanamin sa Facebook.. nga pala dennis. Anong f*******: mo? Panay hanap kame pag nakaka gamit kame ng computer minsan, pero walang lumalabas."
FACEBOOK? Hehehehe sa totoo lang sa buong taon na nasa manila ako, never ako nag-access sa site na yan. Medyo naging abala kase ako sa pagreresearch. Tsaka di narin ako gumawa dahil baka pag-awayan lang namin yun ng Krab ko. Hayyy.. kung alam lang nila lahat na kame may kanya-kanyang lovelife hehehehehehe.
Lahat? Pero..
Napahinto ako saglit. "Aaaa si Milo bat di niyo siya kasama?", tanong ko agad. "Aaa si milo, hindi namin nasabihan ehh lage kaseng kasama nung jowa niya.", si TonTon.
"Jowa? May chicks na rin siya?", tanong ko ulit. "Hahahahahaha hindi yun chicks dennis! Isa yung Balot!"—tawanan silang tatlo. Hindi ko alam kung anong pinagtatawanan nila. Pero isa lang ang malinaw ngayon.. meron ng iba si Milo.
#('___')# . BAKIT? bat parang may mumunting kirot sa aking puso?.. Hindi maari! hindi ito maari! "Wag ka mag alala dennis pupuntahan natin yung lokong yun pagmakarating na tayo sa baryo!", sigaw naman ni tonton. "Ahh sige..", matipid kong sagot, pero puno ng kaba. Paano ko siya haharapin sakali mang magtagpo na ulit kameng dalawa?
Mula sa likuran ay nakaringig kame ng ingay, ingay ng isang papalapit na dyip. Napatingin naman kame at gumilid, isang lumang mahabang jeep na bumabyahe sa daan. Huminto naman ito sa harap namin.
"Bunso sakay na kayo..", nagulat ako ng makita si kuya Brenth na nasa loob ng jeep. Mabilis na nagtakbuhan yung tatlo. Sumunod naman agad ako papasok sa loob ng Jeep.
Nakita ko dun yung mga gamit namin ni Krab pati yung binili namin sa Jollibee. "Kuya asan si Ganny?", tanong ko agad kay kuya brenth. "Dhenz, upo ka na dito ohh..", sabay hila sa akin ni joaquin napa-upo naman ako sa kabilang upuan paharap kay kuya.
"Andun sa unahan.. iniwan mo daw siya."—Napatingin naman ako sa pwesto sa unahan, nakita ko siyang naka-upo. Umandar na nun yung jeep kaya di na ako nakalabas at puntahan siya para tabihan.
"Kuya san ka galing? Paano mo nalamang nandito na kame"
"Ang totoo niyan dennis, kasabay namin si kuya brenth mo.. di lang namin sinabi"—Biglang singit ni Tonton.
"Sabi ko sa kanila dito ka nalang nila hintayin, ako naman pumunta sa may palengke. pinabile ako ni kuya vince ng ma-isasahog sa lulutuing ulam. Tutal naman daw susunduin ko kayo"
"Bat di ka nagsabi? Di sana naghintay nalang pala kame dun sa may sabungan", sabi ko naman. "Sorry dhenz.. utos talaga samin ng kuya mo na hintayin mo siya para sabay na daw kayo. Pero namiss ka talaga namin pre ehh.. xenxia na kuya brenth"—Si Joaquin na mahina ang boses.
"Okey lang yan mga tropa.. walang masama dun. Pero dapat sinama niyo yung bestfriend ko. Hindi pa nun kabisado dito."
"Aaa si Kuya Danny po ba?"—Si TonTon.
"Ganny", sabi ko naman.
"Hehehehe biro lang..", sabay ngiti niya.
"Buti may Jeep paderetso dito sa atin?", tanong ko. "Ahh oo nga ehhh sakto kaya naman di ako nahirapan"—Sagot naman ni kuya brenth.
Hindi lang pala kame ang nasa loob, may ibang pasahero rin palang nakasakay dito sa mahabang jeep. Mga ale na halatang galing sa palengke. Pero muling napako ang tingin ko dun sa nakaupo sa unahan. Isang lalaki na nakatanggal yung damit, pero nakatamong ito sa mukha niya.
Pero makikita mo yung nakaka-akit at napakakisig niyang katawan. May katabi itong isang batang babae, na tila napansin na nakatingin ako sa kasama niya. Mali! mali! nanaman tong nasa kukute ko! Si Krab, kaylangan ko siyang lapitan at kumustahin. Tampo nanaman at galit yun sa akin.
"Buti kuya, nakita mo si Ganny?"
"Ahh oo nakatext ko rin siya ngayon ngayon lang.. nitong pauwe na ko"
"Sige kuya .. pwedeng puntahan ko muna siya? May itatanong lang ako"
"Tara lapitan natin si kuya Danny.."—Pang'aasar ulit ni Tonton. "Ako nalang Ton, may itatanong lang naman kase ako."
"Hehehehe biro lang naman.. dito na muna kame kay kuya Brenth"
"Geh diyan kaya humingi ng payo sa mga problema niyo.. magaling yan si kuya. Diba kuya?"
"Medyo. Bat may mga problema ba ang mga ito?"
"Marami kuya, mga chongoloid na yan.."—Sabay iwan ko ng ngiti sa apat.
Iniwan ko na sila at nakiraan ako dun sa mga taong nakaupo sa bandang gitna, medyo nahirapan ako kase madaming gamit na nasa gitna ng dyip mismo. Pero gayunpaman ay nakarating ako sa aking patutunguhan sa upuan sa unahan kung nasaan malapit ang kinauupuan ng krabylabs ko.
Pero napatingin rin ako sa lalaking nakabalandra ang katawan, magkatapat kase kame ng kina-uupuan. Sa harap namin ay may malaking dalawang basket na natatakpan ng dyaryo sa ibabaw. Pero kung sisilipin mo ay makikitang santol na kay dami ang nakalagay dito.
Nakakamiss tuloy kumain ng santol.
Pa-ipli kong hinawi yung buhok niya, ng krabylabs ko. Hindi man lang nito pinasin ang ginawa ko. Tumingin ako sa front mirror at nakita ko naman na mulat siya at nakatingin sa may labas.
"Galit ka?"—Pabulong ko namang tanong. Pero wala parin akong response na natanggap. Kaya naman ay kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan siya. Pero kinakansela niya ito.. Krab naman ehhh! Bakit nanaman siya ganito !__!
Bat mu pinapatay? (Text ko sa kanya)
Ewan(Mabilis niya namang sagot)
Galit ka nanaman ehh. Sowie na Krab ko Sowie n pu(Reply ko)
Ewan!(Text niya ulit sabay may emoticon pa yun na devil na galit at pulang pula)
I Love Yu. Chury na +__+(Reply ko naman)
Bukas aalis na ko. |~__~| (Nagulat ako bigla sa reply niyang ito)
Krab naman. Wag mu naman ako takutin ng ganya.......
.....
.....
HINDI KO NA NATAPOS PA YUNG PAGTATYPE SA CELLPHONE. NABITAWAN KO YUN DAHIL SA MALAKAS NA PAG UMPOG NG DYIP SA MGA LUBAK NA DAAN. PARA KAMENG MGA BATO SA LOOB NG MALAKING BOTE AT SHINESHAKE.
SHAKE! SHAKE! SHAKE!
Halos nagsisigawan yung ibang pasahero, sila tonton naman ay parang nagtatawanan. Ako naman ay di alam ang gagawin. Wahhhhhhh parang nasa lubak na roller coaster kame! Nakahawak ako nun sa may mahabang tubular metal ng. Nagshake ulit!
OUCH!
Na-untog akodun sa metal! Tapos muli pang nagshake! At papuntang kaliwa ang pag yugyug. Para akong diver na dumive sa harapan ng aking kinapepwestuhan!
"Dennis!"—Nadinig kong pag tawag sakin ng KrabyLabs ko! Pero tuluyan na akong dumive. San kaya ako mapapadpad? Sana dun sa kumpol na nakabasket ng CottonFruit (Santol in Tagalog).
Ohh kaya naman sa kumpol ng cotton talaga!
NAHINTO NA YUNG PAGSHAKE AT TILA BUMALIK SA NORMAL NA TAKBO YUNG DYIP.
Bat parang natupad talaga yung wish ko? Ramdam ko yung bandang tuhod ko ay nakasangka dun sa basket ng cottonfruit. Dinig ko rin sa paligid yung pagrereklamo ng mga nakasakay. Pati pag hingi ng sorry nung driver.
Pero ang masaya sa pakiramdam ko ngayon ay tila nakayakap ako sa isang malambot na cotton. Mainit'init pa at napakabango ng amoy. Parang..
Parang..
Parang..
KATAWAN NG ISANG GWAPONG LALAKI!! Agad akong napabitaw sa pagkakayakap at shittt!! Tuluyan akong bumagsak, kase nga wala na ko sa balanse. Muntanga akong nakasubsub sa paanan ng lalaking nayakap ko kanina!
"Dennis Okay kalang?"—Ringig kong sabi ni Krab na di ko pa tanaw ngayon. May tawanan naman sa bandang unahan. "Pre.. anong nahuli? malaking hito?!", Si Joaquin. Tapos nariringig kong tumawa narin si Kuya Brenthh...
ANG BAD NILA! Ano daw nahuli ko? Pagtingala ko naman para makita at humingi ng sorry sa lalaki ay nagulat ako ng mapatapat yung mukha ko sa may bandang short niya.
Sa Maong short niyang kulay pula na medyo bukas ang zipper, At dahil nga wala yung damit niya ay nasisilip ko yung garter ng brief niya! BENCH BODY ang nakasulat! Weeeeww tama nga si Joaquin isang malaking Hito ang nahuli ko!
"Okay ka lang?"—Naramdaman kong may humawak na sa akin at inaalalayan na ako. Pag tingala ko naman ay nagulat ako ng makita ko siya! Nakita ko rin ang pagbago ng larawan ng mukha niya.
Sumibol yung ngiti..
Isang malaking ngiti sa pagitan naming dalawa.
Requirement's Para Sa Next Chap:50 (individually comment) and 50 (votes)