CHAPTER 01

1450 Words
Hindi ko alam kung nagkakatotoo yung panaginip ko o nagkakataon lang. Bumili rin kase siya ng mga pagkain sa jollibee para daw ipasalubong sa bahay. Kung anung inorder niya sa panaginip ko yun din ang dala namin ngayon. Pilit ko man umiwas na sumakay sa pwestong unahan ng dyip.. di parin kame nakalusot. Yun nalang kase ang tanging pwesto para umalis na yung dyip na naghihintay. Alangan naman maghintay pa kame ng another more than 1 hour para maghintay. Kaya no Choice napasakay parin kame, nasa topload ang iba naming gamit. Tanging kalong namin ay ang pinamili niya sa jollibee. Kinikilabutan ako sa mga nagaganap, bakit ganito? Di man kaperkpekto nung nangyayari sa panaginip ko, pero nangyayari talaga!! Sa unahan kame ng Dyip nakasakay tapos bumili siya ng jolibee tulad na tulad sa panaginip ko! Nababaliw na ako! Ano tong mga nangyayari! “May Problema ba? Kanina ko pa napapansin na parang balisang balisa ka at di mapakali” “Aaaa.. ahh hindi kinakabahan lang ako, kase ngayon ay nandito na tayo”, Tulad ng nasa panaginip ko ay wala kameng kasabay na bumaba. Umalis na yung dyip sa aming harapan. HALA!! Nanlaki ang mata ko ng makita ang pagkakatulad ng mga bagay na nasa aking harapan sa mga bagay sa aking panaginip! Yung arkong luma na, tapos yung bura ng mga nakaimprentang pangalan dun sa parang pentagon na konkreto. Tapos yung waiting shed.. HALA! HALA! HALA! “Hala..”, yung itsura ko ay ramdam kong napapalukot sa kaba at pagtataka. “Bakit .. may naiwan ka ba dun sa Dyip? Krib naman naninibago ako sayo.. simula nung pumasok tayo dun sa jolibbe eee di ka na mapakali. Ano bang meron?” “Hala.. krab naman ohhh antok lang siguro ako, wag mo na nga akong pansinin. Tara na”, Pinilit ko ng ngumiti kahit masyado parin akong kinakabahan. “Wala bang text sila kuya Brenth?” “La ehh.. tara na lakad nalang tayo”—Ewan ko ba imbis na suwayin ang nangyayari ay.. tumambay parin kame dun sa waiting shed pagkatawid. Nakakaloka! Premonition! Final Destination lang ang Peg!! “Sure ka? Hindi ka ba napapagod??” “Krib excited na akong makarating sa bahay niyo!! Dali na tsaka tong pasalubong natin sa kanilla baka lumamig na” “OO na..”—Feeling Creepy inside of mine!! Ayan papalapit na kame dun sa sabungan area na walang katao-tao! “Pahinga na muna tayo..”, Nakangiti niyang sabi sa akin. Di na ako nakapagsalita pa dahil sa nauna na tong tumungo at naupo sa blankong bangko sa harap ng parang saradong pansitan o tindahan ata ng merienda. Tumambay nga kame dun! Tulad parin to ng nasa panaginip ko Huhuhuhuhuhuhu What Happening! REPLAY ba ito? “Aray! puta..”, nakita ko nalang na napahawak si krab sa kanyang batok at inis na tumitingin sa paligid. “Bakit?”, agad kong lapit sa kanya. Kita ko na namula ng konti yun. “May nambato ata sa akin”, Inis niyang sagot. “Nambato?” “Aray.. puta.. sino ba yan ahhh!!”-- Kitang Kita ko yung pagdapo ng isang bagay sa kanyang braso. Siya naman ay inis na inis ang mukha at tumayo na para hanapin kung sino man may gawa nun. Pinulot ko yung bagay na ipinambato sa kanya. Isang piraso ng bunga ng uhuy.. San galing to at sinong may gawa? Si Krab naman ay inis na inis parin na naghahanap. Pero anong mangyayari kung mahanap niya yung may gawa nun. Shitt baka mapa-away lang si Krabb!! Meron kse din dito sa lugar namin mga sira-ulo.. nantitrip ng mga dayo. Siguro napagdiskitahan kame. “Alis na tayo.. pabayaan mo na yan”, Sinimulan ko ng kunin yung iba naming bag. “Pag mahuli ko lang talaga yan.. makakatikim yan sakin” “Huwag na, baka napagtripan lang tayo.. kaya larga na tayo para wala ng away. Wag ka ng magsimula pa ng gulo”, Sabi ko naman. “Okay.. hindi na”, Kinuha na rin niya ang natitirang mga gamit at nagsimula na kameng maglakad. Habang naglalakad kame ay nagulat nalang ako ng may tumama sa aking likuran. Hindi yun masakit, pero nakuha nito ang pansin ko. “Dennis!!”, Biglang may sumigaw mula sa aking likuran. Wahhhhhhhhhh Isang pamilyar na boses!! Bigla akong kinabahan… Dahan-dahan akong tumalikod para makita ang taong yun. Nakangiti habang hawakhawak ang isang bigkis ng uhuy. “Joaquin!!”, Nakangiti ko namang sigaw. “Sino siya?”, Inis na tanong ng katabi ko. Di ko narin siya napansin pa ng may tumawag ulit.. “Dennis!!”, dalawang tinig na nagsanib mula naman sa aking likuran. Tumalikod naman agad ako at nakita ko si Ton Ton at Lourd!! Wahhhhhhhhhh mga tropa ko!! Di ko alam kung saan ako titingin, kung kay joaquin ba o kina tonton at lourd. Nagulat nalang din ako ng patakbong lumapit ang mga ito sa akin… Wahhhh yapos na may kotong at kung anu anung yakap na may pananakit na paglalambing ang aking natamasa sa mga yun. Nabitawan ko yung mga dala kong gamit. “Tang-ina namiss ka na namin dennis!”, Si Joaquin na naka-akbay sa akin. Habang yung dalawa naman ay nasa harap ko at parang sinisiyasat ako. “Lalung nagtisoy aa.. pumuti pa” “Hehehehehe musta na kayo?” “Eto.. okay lang! Gwapo pa man paryu mo dhenz..”, Si tonton na ang saya ng mukha. “Ikaw lourd..”, Pagpansin ko naman sa tahimik kong kaibigan. Wala paring pinagbago hehehhehehehehe.. Pero isa siya sa komotong sakin ngayon!! “Bat pala kayo nandito?” “Sabi kase nung kuya mo.. parating ka na daw ngayon kaya naman naglakad kame para tapuin ka.”—Joaquin. “Nung tinext mo kase kame na magbabakasyon ka dito, lage na kame tumatambay dun sa bahay niyo. Akala nga namin kahapon nandito ka na ee”—TonTon “Aaa nadelay kase ako kahapon .. may inayos pa ako sa iskul” “Ganun ba? Di bale na.. ang importante dine .. uya ka na.. Nga pala dennis, sino pala siya”, Sabay sabay kameng napatingin kay Krab na masama na ang titig. “Uyyy K-Pop!”—Joaquin. “Rainbow ang buhok”—TonTon.. “Parang nagpa RAINBOWnd..”—Nagparebond daw!! Mahina pero kinainis ni Krab ang tugon na yun ni Lourd. SABAY SABAY DIN KAMENG NAGTAWANAN. Sorrry Krab ko .V. “Aaaaa.. sorry po kuya”, Dugtong naman ni lourd. Si Krab naman ay parang nagpipigil na ng inis. Ramdam ko yung pang-gagalaite ng kanyang mata’t kilay. Pati yung kamao niya parang tumitigas na yun, parang gusto ng sumuntok. “Dennis kuya mo?”, Tanong naman ni TonTon. “Siya ba si Kuya Brenth?”, sunod naman ni Joaquin. “Tanga.. si Kuya brenth niya kasama na ni Kuya Vince.. diba andun na nga sila sa may bahay nila Dennis”, sagot naman ni Ton Ton. “Aaaaa siya si kuya topher?”-- Lumapit ito kay Krab sabay titig, mula ulo hanggang paa. “Hindi”, sagot ko naman. “Si kuya Uno?”, Tanong naman ni tonton. “Baka si Kuya Rain..”, mahinang sambi’t naman ni lourd. “Ohhh baka naman siya yung si Kuya Clifford!”, Muling lumapit si Joaquin sa akin at dinantay ang siko sa aking braso. “Bakit .. Gusto niyo ba akong makilala?!”—Tanong ni Krab.. Hala galit na ang loko! Napipikon nanaman agad. Umalis ako sa pagkakadantay ng siko ni Joaquin at humarang ako kay Krab.. “Hinid.. di ko siya kapatid”, sabi ko naman sabay tingin kay Krab. Nakasimangot ito. “Ehh anu mo siya? Alaga..”, sabay ngiti ni TonTon pagkatapos masabi ang mga katagang yun. “Hehehehehe hindi.. anu ko siya.. BestFriend siya ng kuya Brenth and he’s my closest Bestfriend. Tulad niyo..” “Hindi.. pangalawa lang siya sa amin diba?”, Muli akong kinuha ni Joaquin at ikinulong sa pagkaka-akbay. “Aaaa kaibigan ka pala ng bestfriend namin. Anong pangalan mo kuya?”, Si Joaquin. “Aaaa.. Si Ku…”, Hala tama ba yung sasabihin ko? Magkukuya ako kay Krab? “Siya si Jhonny Han.. pero tawagin niyo nalang siyang Ganny” “Aaaaa.. kanos ka ngaran Bro hehehehe.. Tara Dhenzzz punta na tayo sa baryo!! Dame kameng ipapakita sayo nila.. Ton at Lourd.”—Kanos daw ng pangalan ni Krab ko hehehehhehe. “Oo Pre.. dame na bagong bagay sa lugar natin!”—Si TonTon “Tara na!”, Sabay hila na sa akin ni Joaquin.. “Teka lang yung mga gamit ko” “Pabayaan mo na yan.. kaya na yan ni Kuya Danny..”, Sabay tingin nito kay Krab.. Mali pa ang sabi sa name. “Ganny.. hindi Danny” “Basta.. kaya niya yan Pre.. Diba kuya?”, Hindi pa man umu-Oo ang nakasimangot at inis na nilalang ay umabante na kameng apat. Hala… Hindi yun kaya ni Krab.. Paano na to?? Di naman ako makatanggi sa tatlong toh. Sa muling paglingon ko ay nakita ko na kinukuha na rin nito ang gamit ko, hala dame na niyang dala. “Ulat lang guy’s.. si Krab.. nahihirapan na sa mga dala niya” “KRAB?!”-- Sabay sabay silang tumingin sa akin.. “Ha??? Sabi ko.. si Kuya Ganny parang nahihirapan tulungan na kaya natin”—Sabi ko sa kanila. Parang di bakasyonista ang dating ko dito aa!! Wala akong ilang na nadarama sa mga kaibigan ko. “Gusto mo tulungan natin siya?”, Si Lourd. “Wag na.. istorbo lang yan sa paglalakad. pabayaan mo na yun si Kuya Ganny’ kaya na niya yan .. tsaka ayaw mo ba kame denz makasama. parang ipinagpapalit mo na kame sa kanya aa” “Uy di ahh namiss ko kaya kayo ng Sobra” “Eee di kung ganun.. Tara na!!”, Takbuhan kameng tatlo na magkakahawak ang kamay. hahahahaha shitt.. naninibago ako dito sa daanan na mabato. Pero di ko na yun pinapansin.. Para sa mga kaibigan kong ito.. Kahit ngayon lang Krab ko.. Sorrry talaga! PERO DI NIYA ALAM YUNG PAPUNTANG BAHAY, PAANO NA SIYA?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD