PROLOGUE

1379 Words
Mula sa bus na aming sinakyan ni krab ay pumunta na kame sa terminal ng jeep papunta sa aming baryo. Iba ang jeep dito sa probinsya, kaylangan munang mapuno bago lumarga. Nakakamiss makakita ng mga taong nag-uusap sa lengwaheng bicol. Mga namimili dala ang kanilang mga basket. Ang iingay rin ng mga tao sa terminal, puno ng mga nagtitinda at barker na nagtatawagan ng pasehero. “Tulo pa dine!” Sigaw yun ng lalaking nag-aalok ng pasahero sa aming jeep na nasasakyan. Sa loob nalang ang may ispasyo, pumwesto kame dito sa unahan ni Krab tabi ng driver. Yung mga gamit naman namin ay nakalagay na sa topload area nung dyip. Yun pa ang isang nakakamiss..tanging dito sa probinsya lang pwedeng maglagay ng mga gamit sa topload ng mga jeep. Minsan pa nga may mga nakasakay pang pasahero para umalalay sa mga ito. “Lunad na dale.. ta mahali na kita” Hala malapit ng mapuno, asan na kaya yung mokong na yun? Bibili lang daw ng cup noodles pero ka tagal na. Yabang yabang kase.. siya na daw bahala. Hindi na daw siya isang bata para maligaw. Kinuha ko na yung cellphone ko para tawagan siya ng biglang dumating naman na ito. WALA SIYANG DALANG CUP NOODLES. Pero may tatlong malalaking plastik siyang dala. Kada plastik ay puno ng Yum Burger, Frenchfries at yung nasa isa ay parang nakalagay sa aluminum tray.Apat na patong yun. “Burger, Fries at Spag Krib.. pasalubong natin sa kanila”—Gumastos na nanaman siya. “Di ka na dapat nag-abala pa.. sila kuya may dala na yun” “Nuh ka ba pabayaan mo na ako, gusto ko maypasalubong din ako sa kanila. Hindi ko na pala pinasama yung softdrinks. Baka kase matapon lang.. Bili nalang tayo softdrinks dun sa inyo” “Ikaw ha.. sisipsip ka na agad sa pamilya ko dito noh?” “Naman.. dapat lang na good shot ako sa kanila”, Sabay ngiti nito. Kita ko sa mata niya yung ngiti at pagka’excite. “San natin ngayon yan ilalagay?”. “Eh di kalungin natin.. Isipin mo baby natin sila”, Medyo mahina niyang sabi. “Ssssstt!”—Sinenyasan ko siyang wag maingay. Sabay pisil ko sa kanyang pisnge. Maya-maya naman ay dumating na yung driver at sumakay na ito. “Lunad na boy..”—Sita nito kay krab ko. Di man niya naintindihan, naget’s niya na rin siguro by action na pinapasakay na siya nito. Yung mga tao, kanina panay nakatingin sa kanya. Siguro sa kulay kase ng kanyang buhok tsaka sa taglay na kgwapuhan ng Krab ko. Inabot ko yung mga pasalubong na binili niya sa jollibee. Tapos sumakay na rin ito, sa tabi ko. Sinara na niya yung munting pinto ng jeep at nagsimula na nga yung byahe namin papunta sa aming baryo. 40 minutes. Ganyan katagal ang byahe bago kame makarating. Tinulungan kame nung mga nakasakay sa topload na ibaba yung malalaki naming bag. Sobrang kabog ng dibdib ko. Nasa kabilang daan pa kame nun at nahaharangan pa ng jeep na hindi pa naalis. Wala kameng nakasabay bumaba. Palakas ng palakas yung kabog.. Hanggang sa dahan dahan na ngang lumarga yung jeep. Amin ng nasilayan yung arko na may nakasulat na welcome at kupas ng pangalan ng aming baryo. May isang waiting shed at may isang tindahan sa bungad. Sa gilid nung paarkong tore ay may semented pentagon na nakalagay. Nakasulat dun ang mga mga pangalan ng opisyales ng aming baryo. Kupas na lahat .. Lumang luma na. Alas siyete nun ng umaga, wala pang halos tao. Kung meron may ay puro bata lang na naglalaro sa kalsada. Yung ibang matatanda ay nasa gilid gilid panay kwentuhan habang may hawak na isang tasa ng kape. Yung iba naman ay nagpapasabong ng kanilang mga alagang tandang. Yung simoy ng hangin, mga puno sa paligid, tiktilaok ng manok at lahat ng itsura’t pagkatao ng lugar na ito ay muli ko ng nasisilayan. Ang saya lang sa mata’t puso ko. Nakakamiss lang kase. “San na tayo krib?”, tanong niya sa akin. “Andito na tayo krab.. welcome sa aming baryo”—Agad ko siyang niyayang tumawid muna. Tumambay muna kame sa waiting shed. “Di pa ba tayo aalis? Lakad na tayo..”, Pagmamadali nito sa akin. Yung mga taong naglalakad ay panay nakatingin sa aming dalawa tuwing napapadaan sila sa aming tinatambayan. “Malayong lakaran Krab.. kaya mo ba?” “Hanadang handa ako krib.. Gaano mang kilometro yan. Ang mahalaga yung puso natin dikit na dikit.. kaylanman di na lalayo kahit isang kilometrong layo” “Hmmm kaw talaga, siya tara na nga” Sa paglalakad namin ay nakikita ko yung ibang titig na titig sa amin. Ganun naman kase lage tuwing may dumadating dito sa aming probinsya. Lubak rin yung daanan sa kalsada at puro kahoy at damo ang makikita mo sa giliran. Madalang lang yung mga bahay, minsan paisa-isa. “Pahinga na muna tayo Krab..”—Aya ko sa kanya ng mapahinto kame sa sabungan na sarado ngayon. Kadalasan kase hapon ang bukas ng sabungan.  Puno narin ng banderitas ang kalsada na nakatali diagonally sa mga puno na nasa tabing daan. Habang naka-upo kame dun sa mga bangkong nakapwesto sa maliliit na kubo na tila tindahan ay kumain kame nung iba sa kanyang pasalubong. Hanggang sa mabusog kame at magdesisyun na muling maglakad na. Nasa kalsada kame nun ng makaringig ako ng isang pamilyar na boses! “Dennis!!”, Boses niya yun! Hindi ako nagkakamali! Kapwa kame napalingon sa likuran nakita ko si Milo.. Umiiyak ito at may dalang malaking itak. “Siya ba ang ipinagpalit mo sa akin?! HAH!!”, Nagulat ako ng gilitan nito ag sarili niyang braso. Dumugo yun! Tumalsik ang mga dugo! “Milo!!”, Sigaw ko! Bakit niya yun ginawa?! Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Krab. “Sino ba yang baliw na yan? Wag kang lumapit.. Dito ka lang”, niyakap ako ni Krab. Naluluha na ako. “Mas mabuting mamatay nalang ako! Niloko mo ako!” “Hwaggg!!! Milo!!”—Hindi ko na nagawang pigilan pa ito. SInaksak niya ang kanyang Dibdib. Anong nagyayari.. Dahan-dahan akong napapaluhod habang pinagmamasdan ang paglabas ng dugo sa kanyang mga bibig. Pati ang dahandahan na pagbagsak niya sa lupa. “Dennis..” May isang mahina at napakalungkot na boses ang muling tumawag sa aming likuran. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang napakalungkot na si Daryle. Sa bandang likuran niya ay may paparating na sasakyan. Isang poultry harveSting truck!! Agad akong tumayo.. “Daryle may sasakyan!!” Pero muli akong pinigilan ni Krab, “Ano bang nangyayari? Sino ba sila!”—Inis na ang mukha ni krab sa akin. “Bitawan mo ako please!!” “Hindi!” Sa muli kong pagtingin sa aking harapan ay nakatalikod na si daryle. Nakaharap na ito sa malaking truck at parang inaalay na niya ang sarili kay Kamatayan. “DARYLE!!” Nagkalat ang dugo sa lubak na kalsada. Nakahiwalay’ Hiwalay ang internal Organ nito. “Anong nangyayari!!” “MILO!!” “DARYLE!!” Bigla akong nagising! “Anong nangyayari Krib?”, tanong sa akin ni Krab na nasa aking tabi akbay ako habang nakahiga ako sa kanyang katawan. Nasa dulo kame ng bus.. Konti nalang ang tao maraming ng bumaba. Aircon ang aming sinakyan kaya naman ay napakalamig. “Krab nanaginip ako ng nakakatakot..”. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Bakit ko sila napanaginipan? “Yan nuod nuod ka kase niyang Final Destination akin na nga yang ipod”, Binawe na niya yung cellphone niya kung saan nanuod ako nung Final Destination Series habang nasa byahe. Siguro yun nga ang dahilan.. “Sino yung Milo? pati yung Daryle?”, Agad itong nag-usisa habang inaayos ang headset ng ipod niya. “Ahhh.. milo? daryle?” “Naringing ko habang dinadalaw ka ng panaginip na yan..”—Medyo malungkot niyang sabi. Parang pinagseselosan niya ang mga pangalan na yun. “aaaa milo.. sa panaginip ko kase pinapainom akong isang drum na milo.. OO yun yun!”-- Paliwanang ko sa kanya. “Eee yung daryle?” “Sabi kase krab ko nung witch na nasa panaginip ko.. kaylangan ko daw maging daryle (the real) favorite na inumin  yung milo.. dahil kung hindi… lulutuin niya daw ako sa talyasi niya”—Pagsisinungaling ko ng todo. Hinigpitan ko talaga ang yakap ko sa kanya at napapaluha ng bahagya. Totoong pagluha yun.. Bat ganun ang aking panaginip? “Akala ko bagong karebal ko nanaman, gusto ko kase kahit sa panaginip mo ako lang ang prinsipe mo. Sana tinapos mo.. malay mo dumating pala ako” “Krab..”—Nakita nito ang pagluha ko. “Oh bakit? Wag ka ng umiyak di naman ako galit.”, sabi nito sa akin. Hinalikan niya ako sa pisnge. “Basta aaa wag mo akong iiwan aa?”, Hindi ko talaga alam kung bakit ko nasasabi ang mga katagang yun. “Halika nga dito..”. Mas pinadikit niya ako sa kanyag katawan, niyakap narin ako ng aking prinsipe na ang dulot ay ang pagpawe ng aking kalungkutan at pinapainit ang nanlalamig na pakiramdam. “Hinding hindi kita iiwan krib, habang buhay ng nakakabit ang sipit ng aking pagmamahal diyan sa puso mo” Mula sa ganung pwesto ay nadinig ko na yung pagbukas ng pinto ng bus. “NAGA CITY na po mga kapatid!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD