C14: The Struggle Is Real 3 Pilit ang mga ngit ni Jyreen. Pansin ito ni Vinn at Princess na tanging mga taong nakakaalam. "Matalino din itong si Vinn eh, pinakasalan ka talaga kaagad." Natatawang komento ni Fae. Katatapos lamang ng civil wedding nila kasama sina Fae, Mylyn at Princess. "Ayaw ka ng pakawalan. Sa hirap mo naman kasing habulin." Sabi naman ni Mylyn. Si Princess naman ay tahimik lang dahil alam niyang nagpapanggap lamang ang dalaga na maayos ang pagsasama nila ng binata sa harap nina Fae at Mylyn. Isa na rin sa dahilan niya ay ayaw na niyang may makaalam pa sa sitwasyon nila ni Vinn. Pagkatapos ng kaunting salo-salo ay umuwi na ang mga kaibigan niya. Umalis na rin ang dalaga sa boardinghouse niya at kinuha na ng binata lahat ng gamit niya na inilipat sa bahay na tinut

