bc

An Arranged Marriage To Last (COMPLETED)

book_age16+
909
FOLLOW
2.4K
READ
possessive
contract marriage
drama
twisted
bxg
humorous
heavy
icy
office/work place
virgin
like
intro-logo
Blurb

An arranged marriage between Jyreen Lareza and Vinn Rivero. The arrangement was a secret not until Jyreen discovered it and ruined her trust again by the same person who hurt her when she was young and by the person she loves most. She can't trust again and let others break it over and over again. Vinn accepted all the consequences between him and Jyreen's father's agreement. Vinn will do everything just to be forgiven. He will do everything even if it takes time for Jyreen's to heal from the past. He will help her to learn how to love again.

chap-preview
Free preview
C1: First Meeting
C1: First Meeting Maagang nagising si Jyreen para pumasok sa kanyang trabaho sa isang publishing company bilang isang proofreader. Ito ang una niyang trabaho mula noong makapagtapos siya sa kolehiyo. Hilig rin niyang magbasa at magsulat ng articles, magazines, poems and books. May collections din siya ng books sa probinsya. Iniwan niya sa bahay nila sa probinsya. Miss na nga niya ang mga 'yon. Kakaunti lang ang books niya sa tinutuluyan niya ngayon. Pagkatapos magluto ng almusal na alam lang niyang lutuin katulad ng fried egg and rice. Kumain na rin siya at agad ng naligo at nag-ayos ng sarili. Syempre, kahit hindi ito sanay mag-ayos at maglagay ng kolorete sa mukha ay ginagawa niya para sa trabaho. Para talaga siyang nagbabagong anyo kapag nasa trabaho at kapag nasa bahay. Magkaibang-magkaiba. Kailangan maging presentable sa lahat kahit pa madalas nasa office lamang siya. Minsan kasi nagsu-surprise visit ang owner ng company sa kanila. Kailangan laging handa. 'Yon ang laging bilin sa kanya ng lola niya noon. Nagsalamin ito na may ngiti sa mga labi saka nag mind over matter ng mga good vibes at positivity dahil gano'n na din ang pagpapalakas ng loob niya sa bawat araw na sasalubungin niya bago lumabas ng kanyang boardinghouse. "Excuse me?" Tanong ng dalaga sa lalaking nakatitig sa kanya habang nakasandal sa sasakyan nitong nasa harap ng boardinghouse na tinutuluyan niya, "Nakikita mo bang parking area dito?" Mataray niyang sita sa nakaharang. "Jyreen Lareza, right?" Nakangiting tanong nito sa kanya saka dahang-dahang lumapit hanggang sa isang dipa na lamang ang agwat nila sa isa't-isa. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang buong pangalan niya mula sa lalaki. "B-bakit? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kinakabahang tanong niya dito. Nakahanda na siyang dumipensa. Kaya niyang lumaban kung kailangan. Pinalaki siyang matapang ng kanyang ina. "Hindi man lang ba ako familiar sa'yo?" Nakangiting tanong ng lalaki. Parang nagpapacute pa. "Hindi!" Agad na sagot ng dalaga. Napapaisip. Nalilito. Sino ang lalaking ito? "Talaga? Sure?" Paninigurado ng binata pero puno pa rin ng pag-asa ang pagkakatanong. "Hindi nga!" Kunot noong sagot ng dalaga na naiirita na sa binatang hindi niya alam kung saan bang lupalop ng mundo nanggaling ito. Ngumisi ito sa dalaga saka nag-dial sa cellphone. Habang naghihintay sa pagsagot ng tinatawagan nitong tao sa kabilang linya, binalingan nito ng atensyon ang dalaga hindi maipinta ang pagkairetable sa mukha. Nagtataka pa rin. "I'm Vinn Rivero, your suitor at your service!" He said with full of confidence. May napakalaking ngiti pang pahabol. Kumikinang pa ang mga mata. "Huh? Nababaliw ka na ba? Sinong niloko mo? Pupunta ka dito para lang magpakilalang suitor ko?" Kunot noong tanong ng dalaga dito na puno ng pagtataka, "May itsura ka naman, maghanap ka ng iba mong maloloko! Wala akong panahon na makipaglokohan sa'yo!" Dugtong pa nito saka akmang aalis na nang pigilan siya ng binata sa pamamagitan ng paghawak sa braso ng dalaga. "Sandali lang. Kausapin mo ang Papa mo para maniwala ka." Agad na sambit ng binata dito. Inalis ng dalaga ang pagkakahawak niya. She crossed her arms at tinaasan ito ng kilay. Tinatarayan niya ito. Wala siyang pakialam kung sino man ang lalaking nasa harapan niya. "Hello? Tito Jerome? Kausapin niyo na lang si Jyreen para hindi natatakot sa akin." Sabi ng binata saka inabot ang cellphone sa dalaga without any hesitations. "Hello? Papa? Ikaw ba talaga 'yan?" Kunot noong tanong ng dalaga habang weirdong tinitingnan ang binata sa harapan niya. "Oo, anak. Pasensya ka na hindi ko kayo makamusta nitong mga nakaraang buwan. Nakilala mo na ba si Vinn?" May tono na parang natutuwa na hindi maintindihan. "Huh? Itong lalaki po bang nandito?" Paninigurado ng dalaga. Tiningnan niya ang binata. Ngumiti at tumango sa kanya ito. "Oo anak. Mabait 'yan. Kilala ko 'yan. Hayaan mo lang siyang manligaw sa'yo. Nagpaalam na siya sa akin." Malumanay na saad ng kanyang ama. "Ano?! Pinamimigay niyo po ba ako?!" Gulat na tanong niya sa kanyang ama dahil sa narinig. May kaunting tono pa ng pagtatampo. "Hindi naman. Ang ibig kong sabihin ay kilalanin mo man lang sana si Vinn. Seryoso 'yan." Paliwanag ng kanyang ama. Hindi talaga mababakas ang pag-aalala ng kanyang ama. Malaki talaga ang tiwala nito sa binata. Bakit nga ba? "Ayoko po! Bahala nga kayo!" Nakasimangot na sabi nito sa ama saka ibinalik ang cellphone ng binata. "Saan ka pupunta?" Tanong ng binata dito pero hindi niya pinansin. Sino ba ito para pansinin niya? Disappointed siya sa ama. Imbis na maging ama na istrikto sa kanya ay hindi man lang nito magawa. Minsan na nga lang magparamdam, hindi pa magawang bumawi. Ito ang tipo ng ama na kung kailan lang maalalang may anak siya saka lang tatawag para mangamusta o magbigay ng kahit anong suporta. Walang pagbabagong nakikita sa kanyang ama. May pag-asa pa bang magpakatino ito para bumawi? Napabuntong hininga ang dalaga. Agad na pumasok si Vinn sa kanyang kotse nang biglang sumakay si Jyreen sa jeep patungo sa pinagtatrabahuan nito. Tarantang sumakay ng sasakyan ang binata at sinundan ang jeep kung san nakasakay ang dalaga. "Good morning, guys!" Bati ng dalaga sa mga kasamahan niya saka pumwesto sa working area niya na napakalinis. Hindi kasi ito mapakali kapag hindi maayos ang mga gamit sa table niya. Kailangan organize lahat ng gamit. "Good morning, Jy! Ganda ng gising ha." Bati naman ni Princess na kanyang kaibigan at katrabaho. Si Vinn naman ay nag-park sa tabi ng building na pinagtatrabahuan ni Jyreen. Siya ay naghihintay at nag-iisip ng plano kung paano niya ito mapapasama sa kanya para maihatid-sundo niya ito at matuloy ang planong ligawan ang dalaga. He really wants to pursue Jyreen. Seryoso talaga siya sa dalaga. Masaya siyang nakita niyang muli ang dalaga and this time ay nakausap pa niya kahit hindi sila nagkasundo. Tama kayo ng nabasa, nakitang muli. Si Vinn lamang ang may alam kung paano sila unang nagkakilala o kung paano niya nakilala ang dalaga. Ano kaya ang mangyayari sa mga datating na araw sa buhay nila? Hahayaan kaya siya ng dalaga na maging parte ng buhay nito? o lalayo sa kanya ito? -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook