C2: Hide and Seek

1006 Words
C2: Hide and Seek Nakikipagbiruan si Jyreen sa kanyang mga kasamahang sina Fae, Mylyn at Princess nang tumigil ang mga ito sa kakatawa. Napakunot ang noo niyang tiningnan ang direksyon kung saan ang mga ito nakatingin. Nanlaki agad ang kanyang mga mata. Kilala niya ito. "Sh*t!" Sambit nito sa sarili nang ma-realize na ang taong tinitingnan ng mga kasama ay ang lalaking pumunta kanina sa boardinghouse niya. Bigla siyang napatalikod dito nang ngitian siya ng binata na para bang close sila. "Hala! Ngumiti siya sa atin!" Biglang sabi ni Fae na para bang kinikilig. "Oo nga!" Pagsang-ayon naman ni Mylyn na parang kinikilig rin. "Sa atin ba siya nakatingin?" Tanong ni Princess. Naninigurado. Nagtataka. Pansin niyang kay Jyreen nakatingin. "Guys! Una na akong umuwi. Ingat kayo!" Dali-daling paalam ni Jyreen sa mga ito saka mabilis na naglakad palayo sa mga kasamahan na nagtataka sa kanya. Nakasunod sa dalaga ang mga mata at napunta sa binata nang tawag siya nito. "Jyreen!" Tawag sa kanya ng binata. Nawala ang kilig nila Fae at Mylyn, napalitan ito ng curiosity. Nanghuhula ang kanilang mga isipan. Magkakilala ba ang dalawa? Kilala ba ito ng kaibigan nila? Dali-dali namang pumara ang dalaga at sumakay sa jeep na kakahinto lang. Akala niya'y natakasan na niya ang binata, pero lingid sa kaalaman niya'y nakasunod sa jeep na sinasakyan niya ang kotse nitong gray. Makinis at malinis. Kasing gwapo ng driver. "Bayad po!" Sabi ng dalaga saka ipinasa ang kanyang bayad sa isang pasaherong malapit sa driver. Ayaw pa nga sanang abutin, "Salamat." Pahabol niya pampalubag ng loob sa umabot ng bayad niya. Nang makarating sa kanyang boardinghouse, agad niyang binuksan ang pinto at sinara para mataguan ang binatang humahabol sa kanya. As if matataguan nga niya. Nakarating naman si Vinn sa harapan ng boardinghouse ni Jyreen kaso sarado na ito kaya umuwi na muna siya sa bahay na tinutuluyan niya dito sa Manila na pagmamay-ari nila para maligo at magbihis saka kumain at bumalik sa harapan ng boardinghouse ng dalaga. Balak niyang maghintay doon ng magdamag. Ganoon ba siya kainteresado sa dalaga? Dahil sa pagod sa byahe kahapon from province to Manila, hindi nagising ng maaga ang binata para abangan si Jyreen kaya ang kinalabasan ng paghihintay niya ay nasayang. Hindi niya ito naabutan sa bahay. Nakaalis ang dalaga na hindi man lang niya napapansin. Hindi siya agad sumusuko kaya go lang ng go. Napansin naman ang kanyang sasakyan ng dalaga kaya dali-daling lumabas at umalis para matakasan ang binata kaninang madaling araw pa. Sa trabaho na ito nakapag almusal. Ang tanging ginawa na lamang ng binata ay puntahan at hintayin na lamang ito sa labas ng building na pinagtatrabahuan ng dalaga. Habang sa opisina ay napag-usapan ng mga kasamahan niya ang binatang tumawag sa dalaga. "Jy, bakit pala kilala ka ng lalaki kahapon? He even followed you!" Tanong ni Princess na puno ng pagtataka ang mukha. "Oo nga. Boyfriend mo 'yon 'no? Hindi mo lang sinasabi sa amin kaya tinakasan mo!" Pang-aasar ni Fae na gusto rin malaman kung sino ang binata sa buhay ng dalaga. "Hindi 'no! Long story kasi. Next time ikwento ko pero sa ngayon pwede niyo na akong tulungang takasan siya? Sige na." Malumanay at nanghihikayat na saad ni Jyreen. "Bakit mo naman tinatakasan? Gwapo naman siya. Mukhang matino rin tingnan. Parang ngang hindi ka sasaktan." Biglang singit ni Mylyn na mahilig mag observe at napakahonest. "Basta! Back to work na nga. Baka mapagalitan pa tayo." Sagot na lamang niya sa mga ito. Umaasa na pagbibigyan siya. Nag-iisip ng ibang paraan para takasan ang binata. Pagkatapos ng trabaho, sumilip-silip muna ang dalaga bago ito lumingon-lingon sa paligid para siguraduhing wala ang binata. Dumaan siya sa kabilang exit na alam niyang hindi pa alam ng binata kaya nakalabas siya at nakasakay agad ng jeep na hindi man lang nakikita ni Vinn. Medyo napalayo nga lang siya pero mas okay kaysa ang makita ni Vinn. Samantalang ang binatang naghihintay sa loob ng kotse at nag-abang na sa exit pero bumungad lamang sa kanya ang mga kasamahan ni Jyreen. "Excuse me, kilala niyo si Jyreen Lareza 'di ba?" Tanong ng binata. "Bakit? Anong kailangan mo sa kaibigan namin?" Tanong ni Princess na parang nagtataray. "Nakauwi na ba siya? Kanina ko pa kasi siya hinihintay dito. By the way, Vinn Rivero. Jyreen's suitor." Pagpapakilala nito. Proud na proud. Halata ang pagkagulat sa mga mata nina Fae, Mylyn at Princess sa sinabi ng binata dahil ang alam nila ay NBSB ang kaibigan nila at hindi talaga nagpapaligaw dahil focus ito sa pamilya at trabaho. NBSB pa rin naman pero may manliligaw. "Umuwi na." Sagot na lamang ni Fae na mukhang naawa sa lagay ng binata. "Bakit hindi ko nakitang lumabas?" Pagtataka ng binata. Lumingon-lingon pa. "Hindi siya dito dumaan. Sa isa siyang exit dumaan." Sagot naman ni Mylyn. "Saang exit 'yon?" Tanong ng binata. Balak niyang pati 'yon bantayan. "Sa likod ng building." Sagot ni Mylyn. "Okay. Salamat." Saad ng binata sa mga ito saka umalis at pumunta sa boardinghouse ng dalaga. Naiwan ang tatlong mas napuno ng kuryosidad. Kinatok-katok ng binata ang pintuan ng boardinghouse ng dalaga pagdating niya pero hindi siya pinagbuksan nito. Kailan nga ba siya pinagbuksan nito? Bakit may kontrata? Umuwi na lamang siya para maligo at magbihis saka bumalik sa paghihintay sa labas. Determinadong maghintay at umasang mapapansin o kaaawaan ng dalaga. Ayaw niya itong pwersahin dahil gusto niyang makuha ang buong tiwala ng dalaga kahit sigurado na siyang sa kanya na talaga ito dahil sa kontratang pinirmahan ng ama ni Jyreen sa kanya. Ano nga ba ang nilalaman ng kontrata? Gusto pa rin niya na pagdaanan ng maayos na panliligaw at panunuyo sa isang babae dahil alam niyang deserve ni Jyreen 'yon. Women deserves to be pursued. Naniniwala siyang siya lang ang makakagawa ng nagagawa niya ngayon para sa dalaga. Iba ang tama niya kay Jyreen. Ibang-iba sa lahat ng babaeng nakilala at nakasama niya. Hinding-hindi siya magsisising sundin ang puso niya. Kailan siya mapapansin ng dalaga? Magkakaroon ba siya ng chance? o masasayang ang paghihintay niya? -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD