C3: Run and Caught

1029 Words
C3: Run and Caught Para hindi na muling matakasan ni Jyreen, pinag-igihan ng binata ang pagbabantay habang naghihintay, parang tuloy siyang isang pusa na nag-aabang sa daga kung kailan niya mahuhuli. Ilang beses na siya nitong natakasan pero hindi siya sumusuko. Kung gustong makipaghabulan nito ay gagawin niya para dito. "My gosh! Nakakagulat ka! Bakit nandito ka?!" Gulat na tanong ng dalaga kay Vinn na nasa tapat mismo ng pintuan ng work place nila sa loob ng building. Kung papaano ito nakapasok sa building ay nasa diskarte na 'yon ng binata. "Para hindi mo na ako matakasan. Mukhang nag-e-enjoy ka sa pakikipaghabulan sa akin at hindi ka talaga nagpapahuli. Hindi naman ako masama para katakutan mo, Jyreen." Paliwanag nito sa dalaga. "Hindi ka nga masama, pero ang creepy mo! Sinong matinong lalaki ang bigla na lang susulpot sa isang bahay ng babae para magpakilalang manliligaw niya?!" She exclaimed. "Ako." Proud pa na sabi nito. "At bakit mo ako liligawan? Dahil ba kay Papa? Sinabihan ka ba niya? Blinackmail? Para lang ligawan ako? Talagang pinamimigay na niya ako ah!" Iritadong sambit ng dalaga. "Hindi. Walang nagsabi sa akin o nag-utos na ligawan ka. I'm courting you, because I like you. I want to court you, because you deserve to be courted." Seryosong sabi ng binata. "At paano mo ako nagustuhan?" "I fell in love with your voice." Pag amin ng binata. "Kailan mo naman narinig ang boses ko?" "Kumanta ka dati sa isang seminar na in-attend-dan ko tapos nalaman ko doon ang pangalan mo, it's just so happen na kilala ko ang Papa mo kaya hiningi ko ang address at number mo dito sa Manila para ligawan ka. Hindi mo nga sinasagot mga tawag at text ko eh kaya minabuti kong puntahan ka mismo." Paliwanag ng binata. Mas lalong nangilabot ang dalaga. "At talagang pinagtutulakan ka ni Papa sa akin ah! Pati private infos ko ibinigay sa'yo! At hindi ako nakikipag-textmate sa hindi ko ka-close o kakilala!" Mataray na sabi ng dalaga. Lumapit ng napakalapit ang binata sa kanya hanggang sa one inch na lang ang agwat ng mga mukha nila. "Paanong close ba ang gusto mo?" Nakangising tanong ng binata. Bigla naman niyang tinulak ang binata saka inirapan. "Bw*s*t!" Sabi ng dalaga saka iniwan ang binata. Hindi nito alam kung paano pa ngayon makakatakas sa binatang nasa labas ng pintuan mismo ng publishing company sa loob ng building. "Tulungan niyo naman ako guys ooh." Pakiusap nito sa mga ka-close na kasamahan. "I-kwento mo muna kasi sa amin ang totoong papel ng lalaki sa labas sa buhay mo." Sabi ni Fae dito. "Long story nga." Sagot ng dalaga. "Make it short. We'll understand." Sabi naman ni Princess. "Curious lang naman kami, Jy!" Sabi ni Mylyn. "Sige. Last week ko siya nakilala, sa tapat ng boardinghouse ko. Nagpakilala kasi siya at kilala na niya ako. Liligawan daw niya ako at magkakunchaba sila ni Papa" Malumanay na kwento ng dalaga na parang tamad na tamad magkwento sa mga ito. "Wait. Papa mo?" Paninigurado ni Fae. "Oo. Magkakilala daw kasi sila. Kaya heto sunod siya ng sunod." "I see." Sabi ni Princess na nag-iisip para makatulong sa kaibigan. Nagplano ang mga kaibigan niya na lingatin ang binata sa pamamagitan ng pagtatanong nila dito, kaya 'yon na lamang ang ginawa nila. Ipinakilala niya ang mga ito kay Vinn saka nagsimulang magtanong ang mga ito ng kung ano-ano pero failed ang kanilang plano. Naka-focus ang atensyon ng binata sa dalaga kaya hindi siya nakatakas dito. "Sumabay na kayo sa akin. Ihahatid ko kayo." Sabi ng binata para maisakay din niya ang dalaga dahil alam niyang hindi ito sasakay kung walang ibang kasama. "Hindi na. Nakakahiya naman." Sabi ni Mylyn. "Oo nga." Pagsang-ayon naman ni Princess. "Hindi. Okay lang. Baka mahirapan kayo sa pagsakay ngayon. Friday pa man din." Sabi ng binata. "Hindi ba nakakahiya?" Tanong ni Fae. " 'Wag na kayong mahiya. Kaibigan naman kayo ng future girlfriend ko eh." Natatawang sabi nito. Napairap na lamang ang dalaga dito saka naisip na pahirapan na lamang niya ito para sumuko. "Tara na guys. Sayang ang grasya! Tipid na rin sa pamasahe." Sabi ng dalaga na para bang nagbago sa isang iglap. Syempre, si Jyreen ang nasa frontseat ng kotse at ang tatlo nitong kaibigan ang nasa likuran. Una nilang hinatid si Fae na pinakamalapit, saka si Mylyn at huli ay si Princess. "Kain muna tayo." Pagyaya ng binata sa dalaga. Napaisip muna ang dalaga bago pumayag. Plano niyang mag order ng madami at ubusin lahat para ma-turn off ito sa kanya. Sa Jollibee sila pumunta dahil 'yon ang suggestion niya dito. Bata pa lamang siya ay paburito na niya ang mga pagkain sa Jollibee kaya talagang tinatangkilik niya ito. Marami talaga siyang pina-order dito na hindi tinanggihan ng binata. Tuwang-tuwa pa nga ito dahil hinahayaan na siya ng dalaga na makasama sa pagkain. "Ilang araw kang hindi kumain?" Pabirong tanong ng binata nang maubos nito ang inorder ng binatang cheezy bacon mushroom yum, chicken joy spicy, jolly spaghetti, extra large jolly crispy fries, creamy macaroni soup, and kikat mix ins. "Ganito naman talaga ako kumain eh. Bakit may problema ba?" Pagtataray ng dalaga dito habang inuubos pa ang giant coke float niya. "Ngayon alam ko na." Nagpipigil ng ngiting komento ni Vinn. "Anong alam mo?" "Na ganyan ka kumain. Halata ngang paburito mo dito." Natutuwang komento ng binata. "Sino namang may sabi sa'yo?" Mataray na tanong ng dalaga. "Ang Papa mo." Sagot ng binata. Sinadya niyang mag burp ng malakas kahit hiyang-hiya siya sa mga taong nakarinig nito sa paligid. Natawa lang ang binata sa kanya, imbis na ma-turn off na siyang isa niyang plano. "Sige! Itawa mo lang 'yan." Busangot na sabi ng dalaga. "Ang cute mo!" Biglang sabi nito sa kanya na ikinasimangot lalo ng dalaga. "May gusto ka pa bang ipa-order? Take out?" He suggested. "No, Thanks." Mataray na sagot ng dalaga dito. "Okay. Let's go." Sabi ng binata saka sila lumabas ng Jollibee. Pinagbuksan nanaman siya nito ng pinto pero inirapan niya lang ito saka pumasok sa kotse. Mukhang laging failed ang plano ng dalaga para mahirapan ang binata sa panliligaw sa kanya kaya mas lalong umiinit ang ulo niya dito. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD