C4: Guard or Maid

1010 Words
C4: Guard or Maid "Good morning!" Bungad na bati ni Vinn sa dalagang kagigising lang na nagtatali ng buhok habang palabas ng bahay. Hindi siya nakita agad. "My gosh! Ginulat mo nanaman ako! Ang aga-aga nandito ka nanaman! Ikaw na 'ata ang nag-ga-gwardya dito sa labas eh." Puna ng dalaga na inaantok pa. She even yawned infront of him. "Sa'n ka pupunta?" Pagtataka ng binata dahil nakapantulog pa ang dalaga. Minsan lang ito bumuli ng almusal sa labas. Madalas nagluluto ito ng almusal na puro prito lang din naman. "Bibili ng pandesal." Bagot na sagot ng dalaga dito. "Ako na. Saan ba?" Presenta ng binata na para bang alam kung saan. "Hindi mo naman alam eh!" "Ituro mo na lang. Sa susunod bibilhan na lang kita ng breakfast o kaya sabay na lang tayong mag-almusal." He suggested na parang kinilig pa sa isipan. "Tss. Oh 'ayan! Magtanong ka kung saan." Sabi ng dalaga saka inabot ang bente pesos sa binata at nakapamewang na naghintay sa tapat ng boardinghouse niya. Pahirapan niya na lang kaya ito? After almost seven minutes of waiting, nakabalik din si Vinn. "Teka, bente lang ang pinabibili ko sa'yo ah?" Pagtataka ng dalaga nang makita nito ang dalang dalawang supot ng pandesal. "Ginawa kong 40, baka kulang sa'yo." "Por que madami akong kinain noong isang araw, akala mo na madami talaga akong kumain araw-araw? Sayang naman nito." Sabi ng dalaga saka pumasok sa loob ng boardinghouse niya pero bago pa man niya masarhan ang pinto ay pinigilan ito ng binata, "Ano?" Tanong ni Jyreen dito. "Hindi mo man lang ako papapasukin? It's been three weeks since I came here and yet you haven't let me in." Nagpapaawang reklamo nito sa dalaga. "So?" Taas kilay na saad ng dalaga. Napapaisip kung hahayaan nga itong makapasok sa tinutuluyan niya. "Wala akong gagawing masama kung 'yan ang inaalala mo. Makikiupo lang ako. Hintayin kita. Nagsasawa na ako sa paghihintay sa loob ng kotse ko." Pagpapaawa pa nito. "Ba't 'di ka na lang kasi umuwi?" She suggested. "Tatakasan mo lang ako eh." Natatawang dahilan ng binata. "Pasok na. Maupo ka. Diyan ka lang. 'Wag kang aalis diyan! Marunong akong magkarate." She warned. Marunong talaga siya kaya nga napakapalaban. "Opo!" Agad namang sagot ng binata. "Oh, kumain ka din. Kape gusto mo?" Alok ni Jyreen dito. "Pwede?" Nakangiting paninigurado nito. "Oo. Linibre mo naman ako noong isang araw eh at dinagdagan mo pandesal ko." "Thank you." Nangingiting sagot nito. Pinagtimpla niya ito ng kape saka pinakuha ng pandesal. Magkasabay silang nag-almusal saka siya naligo at nag-ayos ng sarili. "Wow. Mala-transformation pala kapag nasa bahay ka at trabaho." Manghang-manghang kumento ng binata nang makalabas siya sa kwarto. Nakangiti pa sa kanya ang binata. "So?" Pagtataray nito. "Mas gusto kong wala kang make up." "Pakialam ko naman sa'yo. Tara na nga!" "Wait. Pa-toothbrush." "May dala ka?" Pagtataka ng dalaga. "Oo. Nasa kotse. Sandali lang." Nagmadali itong lumabas para kunin ang toothbrush sa kotse. "Okay. Five minutes." Sagot ng dalaga. Pagkatapos maki-toothbrush ng binata saka sila lumabas ng boardinghouse. Pinagbuksan niya ang dalaga ng pinto ng kotse saka niya ito hinatid sa trabaho. Pumayag si Jyreen na magpahatid. "Wait. Itabi mo doon sa mga bata." Biglang utos ng dalaga dito sa kalagitnaan ng pagda-drive ng binata. "Huh? Bakit?" Pagtataka ng binata habang itinatabi na ang sasakyan. "Basta." Itinabi ni Vinn ang kotse saka naman ibinaba ng dalaga ang bintana ng kotse at inabot sa isang pinakamantandang batang palaboy ang tinapay na tira nila kanina sa almusal. "Salamat po." Sabi ng bata. Nginitian lang ng dalaga ito at tinanguan. "Tara na." Sabi ng dalaga kay Vinn na sinunod naman ng binata. "Dala mo pala ang tinapay." "Oo. Sayang naman. Baka dagain lang sa boardinghouse." Kuwento ng dalaga. "May daga doon?" Gulat na tanong ng binata. Nangilabot pa. "Oo. Maliit. 'Di ko mahuli." Walang pakialam na sabi ng dalaga dito. Mas lalo lamang nahuhulog ang binata sa bawat araw na lumilipas na nakikilala niya ang dalaga ng lubusan. "Sunduin kita mamaya at 'wag mo akong tatakasan ah?" Sabi ng binata nang mapagbuksan siya ng pinto ng kotse. "Yes, Sir! Hiyang-hiya naman ang pagtakas ko sa'yo eh alam mo nga ang address ko eh." Pagtataray nito saka iniwan ang binata. Umuwi muna ang binata saka naligo at nagbihis ng damit bago bumalik sa paghihintay. Nang sumapit ang lunch time ay tinawagan niya ang dalaga pero hindi nito sinasagot as always. Kaya tinext na lamang niya ito kahit alam niyang hindi rin naman magrereply sa kanya. *** - To: Pinakamamahal Lunch mo na? Bilhan kita, gusto mo? *** Nataranta ang binata nang tinawagan siya nito bigla. "Hello? Jyreen? Ikaw ba 'yan?" Bungad niya dito sa kabilang linya. Hindi makapaniwala. Sobrang saya niya. "Oo, Bakit? Sino pa bang tatawag na ito ang number? Tss. Pabili ng lunch sa Jollibee." Utos ng dalaga. "Sige. Ano?" Excited na tanong ng binata. "Pati sila Fae, Mylyn at Princess isabay mo ha." "Okay. Anong order ba?" Walang pagdadalawang isip na tanong ng binata. "Garlic pepper beef sa akin with three extra rice, palabok for Fae, shanghai rolls kay Mylyn at one burger steak kay Princess. Gets?" Sunod-sunod na sabi ng dalaga. "Drinks?" "Wala. Thanks." "Okay. Ihahatid ko diyan. Wait lang." Excited na sagot ng binata. Pagkapatay ni Jyreen ng tawag ay agad na tumawag si Vinn sa Jollibee delivery at nag order doon. Hinintay niya ang delivery boy saka siya ang nagdala ng mga orders nila Jyreen para din makita niya. "Magkano?" Bungad ni Jyreen nang mailagay na ang inorder nila sa loob ng pantry na kinakainan nila sa trabaho. " 'Wag na." Sagot ng binata. "Libre?" Paninigurado ng dalaga. "Oo. Sige na. Kumain ka na." "Ikaw? Hindi ka nag order?" "Meron na ako." "Aah. Okay. Sige. Thanks." "Tawagan mo lang ako kung kulang ang sa'yo." Nakangiting sabi ng binata. "Okay." Natatawang sagot ng dalaga. Ang plano ni Jyreen ay pahirapan ito pero nakokonsensya pa rin naman siya. Mukhang failed nanaman ang plano ng dalaga. Mukha kasing tuwang-tuwa ang binata sa utos niya. Walang maramdamang pagod ang binata lalo na pagdating kay Jyreen. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD