C5: Hardship Of Courting Jyreen 1
"Good morning!" Bungad na bati ni Vinn nang pagbuksan siya ng pinto ng dalaga.
"Ano nanaman?" She asked while yawning.
"Breakfast delivery!" He said, smiling widely saka agad na pumasok nang luwagan ni Jyreen ang pintuan.
"Sa'n galing 'yan?" Tanong ng dalaga habang nagtitimpla ng kape.
"Homemade pancakes." Sagot ng binata habang binubuksan ang lalagyan ng pancakes. Proud na proud ang mukha.
"Homemade pancakes? Sino nagluto?" Pagtataka ng dalaga saka inabot ang isang kape kay Vinn.
"Ako." Sagot ng binata.
"Weeeh?" Pang-aasar nito.
"Oo nga. Kain na tayo." Pagyaya ng binata.
"Tss. Pinaluto mo 'to eh."
"Hindi."
" 'Wag mo nga akong jino-joke. Nagpapa-impress ka lang diyan eh. Sabi mo kaya bumibili ka ng pagkain na luto na dahil kailangan mo pa akong bantayan!" Panunukso ng dalaga at nangingiti.
Huminga ng malalim ang binata saka siya tiningnan ng seryoso.
"Bumili ako kahapon ng ingredients for pancakes pagkatapos kitang ihatid, nag-search ako kung paano magluto kaya kita nalutuan. Okay na? Absuwelto na ba ang kaso ko, Ma'am?" Paliwanag ng binata. Nangingiti-ngiti pa.
"Oo na." Natatawa naman ang dalaga o kinikilig na? Ano nga ba sa dalawa?
Kumain naman sila ng sabay at ang binata ang nagpumilit na maghugas. Feel na feel na talaga ni Vinn ang pagiging feeling at home sa boardinghouse ng dalaga. Masaya siyang nagustuhan nito ang niluto niyang pancakes. Actually, marunong talaga siyang magluto. Tinatamad lang siya dahil mag isa siya sa bahay.
Sa loob ng apat na buwan na panliligaw niya at sa bawat araw na 'yon ay nakasunod lang siya sa dalaga not minding his literal business, because his heart's business is more important for him sa ngayon. Mas lalo pa siyang nahuhulog sa kasungitan ng dalaga kahit obvious niya namang pinahihirapan siya nito. Imbis na mainis siya ay natutuwa pa siya. Mas mabuti na daw na pahirapan siya at least pinapansin siya ng dalaga, kaysa naman hindi na nga siya pinahihirapan eh hindi pa siya nito papansinin.
"Vinn!"
Biglang napatayo sa pagkakaupo ang binata nang for the first time ay tawagin siya ni Jyreen sa mismong pangalan niya na para sa kanya ay napakasarap pakinggan. Parang itong isang musika sa pandinig niya. Gustong-gusto niyang tinatawag siya ni Jyreen.
"Vinn!" Pag-ulit pa nito.
Mahinang napamura ang binata saka pinuntahan ang dalaga sa tapat ng pinto ng kwarto nito.
"Bakit?" Agad na sagot ng binata.
"Ano... Makikisuyo sana ako. Nakalimutan ko kasing bumili noong nag-grocery ako..." Namumula ang magkabilang pisngi nito habang nakasilip lang sa pintuan ang ulo. Hindi makaagsalita ng diretsu.
"Ng alin?" Kunot noong tanong ng binata.
Umiwas ng tingin ang dalaga saka palipat-lipat ng tingin kung saan. Nag iisip kung paano sasabihin.
"Ng ano... Ano ba 'yan! Ng napkin! With wings. Hindi ako makakalabas eh." Dali-daling sabi ng dalaga saka sinarhan ang pinto ng kwarto niya dahil pulang-pula na siya sa hiya.
Sa dinami-dami kasi ng pwedeng makalimutan, ang napkin pa! Hindi naman niya nakakalimutan 'yon eh.
"Sige. Sandali. Bibili lang ako." Agad na sabi ng binata na hindi man lang nag-isip ng kung ano ito.
Lumabas siya at bumili sa pinakamalapit na tindahan.
"Anong brand ijo?" Tanong ng tinderang matanda na napapangiti sa kanya.
"Kahit ano po." Nahihiyang sagot ng binata.
"Ilan?" Nangingiting tanong ng tindera
"Ilan po ba ang ginagamit ng mga babae?" Nahihiyang tanong niya.
"Isang balot na lang para sigurado ka." Suhesyon ng tindera.
"Sige po."
"Ang swerte naman ng girlfriend mo." Kumento ng tindera sa kanya na tinanguan niya lamang. Nahihiya siya dahil hindi niya alam talaga ito.
Binayaran niya ito saka agad na bumalik sa boardinghouse ng dalaga.
"Jyreen... Ito na ooh." Nahihiyang inabot sa dalaga ang nabili.
"Thanks." Sagot ng dalaga saka kinuha ang inabot sa kanya ng binata mula sa kanyang pinto na nakaawang lang ng maliit.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay hinatid na siya ng binata sa trabaho. 'Yon na ang madalas gawin ng binata. Hatid-sundo. Bantay sarado rin. Walang puwedeng pumorma. Walang makakapormang iba sa dalaga kundi siya.
"Uuwi muna ako. Babalik ako mamaya. Hindi mo naman ako tatakasan 'di ba?" Paninigurado ng binata. Halos bawat uwi niya ay nagpapaalam siya ng ganito sa dalaga.
"Oo. Nakakalabas-masok ka na nga sa bahay, tatakasan pa kita? Lagi mo na lang 'yan sinasabi at ilang beses ko ng nasagot 'yan. Tss." Pagtataray nito, "Tyaka, wala ka bang trabaho? At ako na lang parati ang iniintindi mo? Paano ka naman nabubuhay mag-isa?" Biglang tanong niya dito out of curiosity. Matagal ng nagtataka ang dalaga ngayon lamang siya naglakas ng loob magtanong.
"My business is working for me. Hindi ko kailangang parating present sa business ko. Stop asking para hindi ka na ma-curious, I'll tell you soon about it. Mahabang paliwanagan pa kasi eh." Natatawang sabi nito saka biglang hinawakan ang pisngi ng dalaga na agad namang nakasimangot na tinaboy ni Jyreen.
"Chansing 'to! Hmp!" Sabi ng dalaga saka siya inirapan, "Umuwi ka na!" Sabi pa nito saka iniwan ang binata.
Nakangiting napailing ang binata saka umuwi. Bumalik naman siya kaagad para bilhan ito ng lunch na araw-araw na niyang ginagawa para dito, minsan lang nakikisabay ang mga kaibigan nito dahil ayaw magpalibre sa binata. Kapag kasi ito ang bumibili para sa kanila ay hindi na ito nagpapabayad. Nahihiya naman ang mga ito kaya madalas na si Jyreen lang ang nagpapabili pero may mga pagkakataon pa rin na bumibili ang binata ng pagkain para ishare sa mga kaibigan ni Jyreen. Gusto nitong makisama.
Araw-araw excited si Vinn na mas lalo pang makilala ang dalaga. Nagkikuwento na rin ito sa kanya paunti-unti. Hindi na rin masyado naiilang sa kanya. Nagbibiro na rin ang dalaga sa kanya paminsan-minsan pero hindi niya ito magawang mabiro talaga dahil pikon ang dalaga. Natatakot siya baka kapag napikon niya ito, hindi talaga siya nito pansinin. Ma-bad shot pa siya sa dalaga. Tyaka hindi siya magaling sa pakikipagbiruan. Seryoso kasi siyang tao.
Hanggang aabot ang pagiging consistent manliligaw ng binata? Mapapasagot na ba niya ang dalaga? May balak ba itong sagutin siya? Anong sunod na plano ng binata?
-